Chapter 4: Living under the Same Roof

76.2K 876 40
                                    

Spell Kawawa? A-Y-U-M-I. Kararating lang namin sa bagong bahay na titirhan naming dalawa ni Chiro. 2 Storey house ito, dalawang kwarto-- Isang Master's bedroom at isang guestroom-- at may sarili itong banyo. "Doon kayong dalawa matutulog sa Master's bedroom, kuha niyo?" Asa ka naman mommy.

'Di ko talaga gets kung bakit napaka-diktador niya. Sinunod ko na nga lahat ng gusto niya tapos hanggang sa tutulugan ko ba naman ay didiktahan rin niya? Luhh. "Kyaaah! Excited na akong magka-apo mare!" Nagtatalon si Tita Chari na parang bata.

T____________________T Grabe naman sila, apo agad. Ang bata bata ko pa para magka-anak.

"Aba, umuna na tayo mare at mag-isip na rin tayo ng ipapangalan sa apo natin sa kotse! Tara!" Tignan mo talaga si Mommy oh. Pati pangalan ng magiging anak namin ni Chiro dinidiktahan. Pwede na niyang palitan si Marcos--- Wait nga! Bakit ko ba iniisip na magkakaanak kami ni Chiro? Lul, tatanda ako na walang anak.

Pagka-alis nila Mommy at ni Tita Chari, naiwan kaming magkatitigan ni Chiro. Awkward Silence. "Doon na ako matutulog sa guestroom." Inakyat ko yung maleta ko papunta sa guestroom. 'Di ko na siya pinansin, bahala siya sa buhay niya. Basta pagod ako, period.

Naligo na ako at nagsuot ng pantulog ng biglang kumulo ang tiyan ko. Oh Em, hindi pa pala ako nagdi-dinner. Dali-dali akong bumaba papunta sa kusina at naghanap ng pagkain sa ref. Wahihihi, ang daming pagkain! Oh sige na mommy, bawas galit points dahil pinaggrocery niyo kami. Kumuha ako ng chicken at dinefrost ito sa microwave.

*TING* Sound Effect yan ng microwave. Kumontra sapak. Nilabas ko yung chicken at tinimplahan churva. Tapos pinrito ko, blah blah blah. After kong magluto nilagay ko yung chicken sa isang plato. Apat yung niluto ko incase na magutom si Chiro. Tsk, ang bait ko talaga.

At dahil mabait akong bata, nag-pray muna ako bago kumain! Yaaay, Haha! After kong mag-pray, kumain na ako. "Waaaah! Ang sarap ng luto ko!" Sorry naman, masyado lang talaga akong naaamaze sa niluto ko. Hindi ko inakalang sasarap ng ganito 'eh.

"Tss, Takaw" Nabitawan ko yung tinidor ko at napatayo. Pfft, si Chiro lang pala. Akala ko pa naman may makakausap na akong multo dito.

"Hoy hindi ako matakaw noh, sexy ko kaya" Sabi ko habang nakapamewang ako. Aber, sabihan ba naman daw ako ng matakaw?

"Ang sabi ko lang naman matakaw ka, 'di ko sinabing mataba ka. Stupid" Okay, pahiya ako doon. Ang tanga ko rin kasi minsan 'eh. 'Di ko nalang siya pinansin at bumalik sa pagkain ng aking masterpiece. "Hindi mo ba manlang ako ipaghahanda ng pagkain, Asawa ko?" Ay, nakaupo na pala siya sa harap, ni hindi ko manlang napansin.

Tungunu, nangilabot ako sa pagtawag niya sakin ng Asawa ko. "Bakit? Wala ka bang kamay at paa at kinakailangan pa kitang paghandaan ng pagkain? Sa pagkakaalam ko hindi naman sanggol ang pinakasalan ko" Mabait talaga ako sadyang ayoko lang naiistorbo kapag kumakain ako.

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon