Chapter 34: Accident Prone

41.9K 497 53
                                    

AYUMI'S POV

"Company Outing tomorrow. --Gab" 

Inabot sakin ng driver ko yung maleta ko at dumeretcho ako sa parking area kung saan naka-park yung tatlong bus na hinire ni Kuya Gab para sa company outing. Pagkadating ko dun, bumungad sakin yung tatlong bus.

Nilapitan ko si Kuya Gab habang hila-hila yung maleta ko at hinampas ko sa kanya yun. "Aray! Sh*t, ramdam na ramdam ko pagmamahal mo ah." Reklamo niya.

"Bakit kahapon mo lang ako ininform sa company outing? Leche ka." Sita ko sa kanya habang sinisipa-sipa siya sa tuhod at sinusuntok-suntok sa braso. Nang nakaraos na yung galit ko, huminga ako ng malalim at tinignan siya ng masama.

"Brutal mo." Sabi ni Kuya Gab. 

"Pake mo?" Sagot ko.

"Tss. Sasabihin ko naman dapat kaso nag-absent ka." Sabi niya. 

"Anong konek?" Mataray kong tanong. 

"Wag kang magtaray diyan, ikaw nalang kaya hinihintay namin para makaalis. Pasok na sa bus!" Kinuha ni Kuya Gab yung maleta ko para ilagay sa trunk at ako naman ay naglakad patungo sa Bus.

Binuksan ng driver yung pintuan ng bus at umakyat ako sa first step. "Hi Ayumi!" Emeghed. Bakit nandito siya?

"Oh? Hi Cassy! You're here din." Umiiwas ka tapos... ang bait ng tadhana. Umakyat ako ng bus at umupo sa second row. Nasa first row kasi siya.

"Sir Gab told me to come along. Okay lang naman po diba?" Paano kita tatanggihan? Ang polite mo kayang bruha ka plus ang bait mo pa. 

"Oo naman!" Sagot ko. But then, may pumasok sa isip ko. "Yung boyfriend mo, bakit hindi mo sinama?" Wala eh, curious talaga ako. Sorry naman. Mahal ko po kasi yung boyfriend niya. 

"May schedule siya this morning, susunod nalang daw siya sa Baguio." Oh, so magkikita pala kami mamaya. 

***

After 23923215273 years, nakarating na din kami! Pero hindi sa Baguio kundi sa isang hindi ko malamang lugar na may CR. Hindi kasi ako familiar sa roads & stuff. Tulog si Kuya Gab, bahala siyang maihi mamaya.

Bumaba ako ng bus at pagkatapos kong mag-CR, nakaramdam ako ng uhaw. Hindi naman talaga kasi ako prepared sa trip na ito. Nakita kong mahaba-haba pa yung pila sa CR kaya may time pa naman. With my wallet and phone at hand, nagpaka-Dora ako para maka-hanap ng mabibilhan ng water.

Pero pitingini, wala akong nahanap. Bakit ganun? Walang tindahan sa lugar na ito. Omayghad, di ko ma-take. Mamamatay ko sa uhaw nito. Plus, nakakauhaw yung ginawa kong paglalakad. 

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon