Epilogue

63.7K 1K 341
  • Dedicated kay Everyone who made it to this Chapter :)
                                    

AYUMI'S POV

Magkahawak kamay kaming naglalakad ni Chiro sa isang park na nagbabalik ng mga magagandang ala-ala. Dito kami unang lumabas pagkatapos naming ikasal. Birthday niya noong araw na yun at naisipan kong dalhin siya sa isang park.  

"Chiro, naaalala mo pa ba yung unang date natin bilang mag-asawa?" Tanong ko sa kanya. 

"Yung tinagusan ka?" Pang-asar niyang pinaalala sakin. 

"Bastos kang lalaki ka, sinisira mo yung moment eh!" Bumitaw ako sa hawak niya at hinampas siya sa braso. Loko kasi eh, kita mong ang ganda ganda ng mood tapos biglang... Bwiset! 

"Haha, Joke lang. Oo, naalala ko pa. Dito mo ko dinala tapos nagsulat tayo dun sa binili mong padlock ng messages na babasahin natin kung nagdivorce tayo." Sabi niya. 

"Basahin na natin yung mga sinulat natin sa isa't isa!" Sinuggest ko. 

"Bakit pa? Tss." Sungit talaga ng lalaking 'to. Noong naghiwalay kasi kami, sinubukan kong hanapin yung pesteng lock niya pero di ko nahanap. 

"Bukas pa naman yung kasal natin eh. Divorced parin tayo, Hoy." Hindi na namin pinatagal ang pagpapakasal ulit. Sa tingin ko sapat na lahat ng pinagdaanan namin para patunayan sa lahat na mahal na mahal namin ang isa't isa.

"Bahala ka nga." 

Hinila ko si Chiro papunta sa lugar kung saan ko kinabit yung padlock na pinagsulatan ko. Sa isang grupo ng padlock, hinanap ko yung akin at tinuro sa kanya. 

Hoy Sungit! Kung binabasa mo 'to ngayon, ibig sabihin nagwagi ako na paghiwalayin tayo. I-enjoy mo yang chance na maikasal sa taong gusto mo talagang pakasalan pero wag mo sanang kalilimutan na may naging mabuti kang asawa na nagngangalang 'Ayumi'. Hindi ko din alam kung bakit ko hinihiling na wag mo akong kalimutan. Naka-drugs ata ako. Yun lang, Salamat. —Ayumi 

Akalain mo, ang landi ko pala noon. Ay, hanggang ngayon pala. Natawa nalang ako sa sinulat ko. Yan pa yung panahong may amnesia pa ako at si Kiel lang ang gusto kong makasama. 

"Nagwapuhan ka lang sakin kaya ayaw mong kalimutan kita." Kumento ni Chiro. 

"Overflowing ang confidence, brad! Nakaka-nosebleed!" Nilagay ko yung daliri ko sa ilalim ng ilong ko at umaktong nagno-nosebleed. "Yung sayo naman, dali!" 

Inilahad ni Chiro yung kanang kamay niya kaya't pinatong ko yung kamay ko doon. Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko habang yung kaliwang kamay naman niya ay nakapasok sa bulsa niya. #MedyoBadboy Haha. 

Dinala niya ako papunta sa isang puno at pagtingin ko sa isang branch, andun yung nag-iisang padlock. Kaya naman pala hindi ko makita kasi hindi niya kinabit sa gate. Nilabas ni Chiro yung kwintas niya kung saan may nakasabit na susi. "Halaaaa? Nasayo parin yung susi?" 

"Sa tingin mo?" Pagkaakyat niya para kunin yung padlock, di ko namalayang nakangiti na pala ako. Hindi ko talaga inakalang nasa kanya parin yung susi nung padlock. Pagkatapos niyang kunin, bumaba na siya ng puno at inabot niya sakin yung padlock.

Kung nagtataka kung bakit di ko kinabit sa gate kasi ayokong mabasa mo ito dahil ibig sabihin nun, hiwalay na tayo. Pero bakit binabasa mo 'to ngayon? Ang tanga ko naman kung hiwalay na tayo. Binigyan ako ng tadhana ng pagkakataong makapiling ka ulit tapos nawala pa kita? Tss. Bumalik na kaya mga ala-ala mo kaya tayo naghiwalay? Sana patawarin mo ako kasi pinili kong hindi sabihin sayo na aalis ako. Alam ko naman kasing kapag nakipaghiwalay ako sayo, magpupumilit ka parin. Gagawa at gagawa ka ng paraan para di tayo maghiwalay. Ayokong dumating yung araw na mapagod kang mahalin ako at unti-unti akong mawawala sa buhay mo dahil mas masakit yun. Mas mabuti pang magalit ka nalang sakin. Pero di ko inaakalang aabot yun sa puntong mapapahamak ka dahil sakin. Sana mapatawad mo ko at sana balang-araw, bumalik ka ulit sakin. —Chiro

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon