Kabanata 23

942 53 47
                                    


AN: Hindi kona alam kung saan aabot 'to. Basta, kung ano 'yong nasa imahinasyon ko, 'yon na 'yon. Sorry kung nag-expect kayo ng mas higit pa sa hindi niyo inaasahan. Ha-ha.

Again. VOMMENT is a must. Ha-ha. 300 reads before the next chapter.

---

GULF

KINAUMAGAHAN, pagkatapos kong kumain, nagmadali kong kinuha 'yong bag ko at lumabas na ng bahay. Hindi parin lumalabas si Bright but who cares. Wala akong pake kung hindi man siya pumasok ngayon. Na-a-alibadbaran ako sa sinabi niya kagabi. Sa inis ko nga sa guest room na ako natulog.

Paglabas ko, nanlaki ang mata ko ng makita ko si Mew sa labas ng gate namin. Nakasuot ito ng itim na sunglass at nakasandal sa kotse niya. Napalunok ako dahil sa guwapong taglay ng fucker na'to.

Tila kinilig 'yong betlog ko.

Nang mapansin naman niya ang kariktan ko ay sumilay ang nakakatindig balahibo na ngisi sa labi niya. Dahil doon ay burat ko naman ang kinilig. LOL.

Pisting Mew ito, sarap papakin. Yam yam yam!

Taena! Naba-bakla na ako pre!

"Good morning my sunflower," masiglang bati niya sa'kin.

Tila bumagal ang ikot ng mundo ko ng tanggalin niya ang sunglass niya sa mata. Napanganga ako nang bigla niya akong kindatan.

Umandar na naman 'yong sakit sa mata niya.

"Flowers for you, sweety." Aniya, may dinukot siyang bulaklak sa likod niya at inilahad sa'kin ang malaking sunflower.

Takenote: halatang binungkal 'yong bulaklak dahil buo niya iyon binigay sa'kin. May sanga at ugat. May lupa pa.

Dahil napatunganga ako, ayun, hinampas niya sa mukha ko 'yong bulaklak na hawak niya. Not as in. 'Yong tipong magigising ako sa katotohanan--

na mahal kopa rin siya.

Kinuha ko naman 'yong bulaklak dahil paborito ko'to. Teka? Paano niya nalaman na ito ang gusto ko? Alam ba nito na favorite flower ko'to?

Si Em-Em lang ang tanging nakakaalam ng paborito kong bulaklak.

"Aanhin ko 'yan?" Natanong kona lang para 'di niya mapansin 'yong kagalakan sa loob ko.

Ayokong kiligin kahit na kinikilig 'tong bayag ko.

Buwisit kang bayag ka, pupuruhan kita mamaya! Mag-hunos dili ka!

Ngumiti naman s'ya, "Tanim mo sa bahay n'yo. Kagaya ng pagtanim ko ng pag-ibig ko sa'yo." Sabi niya.

Kumalbog ang puso ko naman. Ramdam kong nagising 'yong mga rockstar doon.

"Paano kung nalanta? E, 'di nalanta rin 'yong pag-ibig mo sa'kin?" Taas kilay kong tanong.

Ngumisi s'ya, "Kung hindi mo aalagaan at didiligan, malamang hindi mo binibigyan ng kahalagahan. If you love a flower, water it. You let it live. You let it love the way it has to love." Seryosong sabi niya habang seryoso rin siyang nakatitig sa'kin.

Pinamulahan naman ako ng mukha. Sobrang nagririgodon ang puso ko sa mga sandaling ito. Ayaw ko sanang kiligin pero dama ko sa buong pagkatao ko 'yong kasiyahan na hindi ko naman puwedeng hayaan na makita ni Mew 'yon.

Kahit papaano, iniisip kopa rin 'yong limitasyon ko.

Kagabi, naisip kona lang bigla kung bakit ganun nalang kabilis mag-tapat sa'kin si Mew. Parang 'di na niya inalintana ang pasakit na ginawa niya sa'kin. Siguro madali lang sa kan'ya kasi hindi naman siya 'yong nasaktan.

The Playboy's Game | MEWGULFWhere stories live. Discover now