Kabanata 20

962 68 62
                                    

Most Impressive Ranking: # 21 in Fan Fiction. Thank you sa support. Nakakagigil. Parang betlog ni Gulf, nakakagigil. Haha!

---

Babalatan

TOTOO PALA ANG HIMALA. Kasi naman, buong klase tahimik kaming apat. Habang nagdi-discuss 'yong lecturer namin sa kaniya lang nakatuon ang mata namin. First time kumbaga. Maybe.

Saken kasi, hanggang ngayon kinikilig parin ang betlog ko! Yawa! Bakit gan'on ang tama saken ni Mew, para akong nalalasing! Para akong nakakulong sa mental dahil kanina pa ako nababaliw! Kahit anong pilit kong i-focus ang mata ko sa harapan, lumilipad ang betlog -este- utak ko sa ere!

Pushanggala! Matindi talaga ang tama ng betlog ni Mew saken. Nakaka-frustrate na nakaka-kilig na nakaka-baliw. Ewan koba sa sarili ko, kahit libog na libog na ako nagagawa kopa rin tanggihan ang sarili ko sa tukso.

Kaya hangga't kaya kong pigilan, magtitiis ako. Ayoko ring humantong sa huli na ako na naman 'yong talo. Ako na naman 'yong umaasa.

Maging ang mga kaibigan ko ay focus na focus din sa harapan. This is truly a miracle. Mas nauna akong pumasok kanina. Sumunod si Krist na badtrip ang mukha. Hindi nga niya ako sinita eh. Siyempre, sisitahin korin siya tungkol sa kanila ni Sir Singto. Tapos naman, sabay na pumasok si Bright at Win. Badtrip din ang mukha nilang dalawa pero ang pumukol sa atensyon ko ay 'yong black eye na naman ni Bright sa mata. Napang-abot ata sa bugbugan 'tong dalawa.

NATAPOS ang klase ng wala paring umiimik sa aming apat. Medyo nakakabingi na 'yong katahimikan. Ayoko namang mag-start ng convo at baka saken pa mapunta ang buong usapan. Ayokong magisa. Not now.

"Bro, mauna na akong umuwi. May aasikasuhin pa ako." Paalam saken ni Win, bago siya makaalis ay napansin ko ang paglisik ng mata niya ng lingunin niya si Bright.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Bright at gan'on din siya. Nagpapalitan ng malilisik na mata.

Hindi naman kaya tinotohanan ni Bright 'yong sinabi niya kanina sa canteen na titirahin niya si Win? Tinira niya kaya?

Halla, kung tinira siya nito ibig sabihin bakla ang bro ko! Na walang gender si Win!

Kaya pala walang hilig mag-jowa ang loko, swordfight pala ang nais. Medyo wrong.

Tinapik ni Krist ang braso ko, "Mauna narin ako, bro. May bagay pa akong dapat gawin. Nandiyan naman si Bright, hindi ka naman siguro iiwan niyan. Diba, bro?"

Hindi na nakasagot si Bright. Mukhang may problema ang badboy na'to. Baka 'yong black eye niya. Siguro, habang tinitira niya si Win sinusuntok naman siya nito tapos nagkataon pa sa mata ang abot.

Sinagad din naman kaya?

Hay. Medyo wrong ang utak ko. Talagang nababaliw na ako. Kailangan kona talaga ng paracetamol. Mabisa raw gamot 'yon sa mga topaking tao eh. LOL.

"Bright, umamin kanga saken? Tinira moba talaga si Win kaya ka may black eye sa mata?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway.

Nginisihan niya lang ako.

Anong ibig sabihin ng ngisi niyang 'yan? Nanggigil ang betlog ko!

"Sinagad mo siguro kaya gan'on nalang ang sama ng tingin niya sayo!" Tumawa pa ako.

Napatigil siya sa paglalakad. Nang balingan ko siya ng tingin nakakunot ang noo niya habang titig na titig siya sa akin. Nawala ang tawa ko.

"Gusto mobang malaman?" Nakangisi niyang tanong.

The Playboy's Game | MEWGULFWhere stories live. Discover now