Kabanata 1

1.3K 52 3
                                    

'DESISYON'

"SHIYAAH!" Nakailang pukpok na ako sa aking ulo ngunit wala parin akong maalala sa mga nangyari. "Argh!" This is hell, men.

"Oy oy kanina kapang burido diyan? Ano bang problema mo, ha?" sabi ni Win na mukhang hindi na makakain sa inaasal ko.

Mabilis ko kasi siyang tinawagan sa telepono nang makalabas ako nang bar nila. Alam kong siya lang naman ang maaasahan ko eh. Naghintay lang ako saglit dumating na siya. Maaasahan talaga itong si Win kahit kelan.


Kaya ayun, mula sa sasakyan niya hindi ko maiwasang hindi mapakali. Ikaw ba naman, paggising mo kasama mo sa kama ang kapuwa mo lalaki. Pareho kayong hubo't hubad. Sinong hindi mapapaisip nang ganito?

Tapos heto pa, tinakbo ko palabas ang suite niya kanina. Hinabol niya pa ako kaya mabuti nalang naisarado agad iyong elevator. Tangina, parang hihimatayin ako sa sobrang kabado ko kanina.

What if nakapasok siya at nahabol niya ako? Anong isasagot ko kapag tinanong niya ako?

Buwisit naman! Dapat sana hindi nalang ako nagpaka-lasing!  Buwisit talaga! First time kong malasing nang ganun! Hindi na ako naging aware sa mga nangyari saken kagabi!

Sumasakit din ang ulo ko ngayon dala marahil ng hangover.

"w-wala. may iniisip lang ako. kumain kanalang kaya diyan" sagot ko sa kaniya.

"Paano ako makakain dito, halos pagmumura ang naririnig ko sayo! Kanina pa kita tinatanong pero hindi ka kumikibo. Nakakawalang gana kang kausap tapos nakakawalang gana karing kasabay kumain. Pch!" aba umirap pa!

Kung wala lang akong utang na loob dito kanina kopa pinektusan sa ulo.

"Iisa palang ang sinasabi ko, andami monang sinabi." talaga bang ganun ang isang 'to? Nakakairita!

"Wag ka kasing magmura, nasa hapag kainan tayo. Bad words 'yon. Psh."

"Oo nalang!" Sagot ko rito. Mukhang hirap patahanin ang bunganga nang daldalerong 'to! Sarap isubo sa bunganga nito ang steak na inorder namin eh.

Nakakatawang isipin. Ako nanga itong humingi ng tulong, siya pa itong nang-treat saken. Hanep, sarap talaga kaibigan nang mga kagaya ni Win. Haha!

Kasalukuyan kaming kumakain nang maalala mong tawagan si Mama. Ngunit wala akong makapa.

Gosh! Nawawala ang cellphone ko!

"SHIT!" Baka naiwan ko sa suite ni Mew! Damn it!

"Tangina naman bro. Sabing bawal magsalita ng badwords eh."

Hindi ko siya pinansin. Lumilipad ang isip ko at inaalala kung saan koba inilagay iyong cellphone ko.

Naki-telephone lang ako kanina dahil iniisip kong naiwan ko sa suite ni Mew ang cellphone ko. Kaya naging burido ako dahil isa iyon sa mga prinoproblema ko kanina.

Paano ko makukuha iyon sa kaniya?

Tinignan ko si Win. May naisip akong plano. Gusto koring interbyuhin 'to sa nangyari saken kagabi.

"Win, kasama kita kagabi, diba?"

Bigla siyang nabilaukan sa kinakain niya!

The Playboy's Game | MEWGULFWhere stories live. Discover now