Kabanata 22

713 51 46
                                    

AN: Kung gusto niyong ituloy ko'to, make sure na magco-comment kayo. Hehe.

---

GULF

"W-Win, anong ginagawa mo dito?" Utal ko.

Hindi ko masyado maaninag ang mukha niya pero kapansin pansin ang mabilisan niyang paghinga. Tila kinakabahan siya.

Lumapit siya ng tuluyan sa akin. Doon ko nakumpirma na mukhang may problema siya. Nanginginig ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

"Win, what's wrong?" Tanong ko ng hindi siya makapagsalita.

"B-Bro si Bright?" Tanong niya ng hindi man lang pinansin ang tanong ko. Ramdam kong may mali sa kinikilos niya.

"Nasa k'warto ko," sagot ko.

"Pasok na ako, bro." Sabi niya at mabilis na tinahak ang bahay namin.

Sinundan ko siya ng tingin bago sumunod. Nasa may sala na ako ng marinig ko 'yong galit na sigaw ni Bright mula sa kuwarto ko.

"Lumayas ka dito, gago! Ayokong makita 'yang pagmumukha mo, duwag ka!" Galit na galit na sigaw n'ya kay Win.

Agad naman akong umakyat. Pagbukas ko ng pinto, napalingon sila sa'kin pareho. Nanlalaki ang mata nila ngunit bakas parin sa hitsura ni Bright ang matinding galit nito kahit maraming pasa ang mukha niya.

"Anong nangyayari sa inyong dalawa? May problema ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Alam ko naman na hindi talaga magkasundo si Bright at Win. Kaya naaamoy kong may hindi pagkakaunawan 'tong dalawa. Hindi nga sila nagpa-pansinan kanina sa iskul kaya natitiyak kong may problem sa isa't isa ang mga ito.

Baka naman tungkol doon sa biglaang pag-sagad ni Bright? Naku, malaki siguro. Masubukan ngang tignan 'pag may free time. LOL.

"Ilabas mo 'yang duwag na kaibigan mo, Gulf! Ayokong makita ang pagmumukha ng gagong 'yan!" Sigaw niyang utos sa'kin habang matalim ang matang nakatingin kay Win.

"Hindi ako aalis!" Pagpumilit naman ni Win. Sinulyapan ko siya at ganun nalang ang tapang niyang hinarap si Bright.

Tila mas nag-apoy naman ang paligid ni Bright nang tignan ko ito, "Hindi ako nagbibiro! Baka gusto mong makatikim sa'kin!" Pananakot niya.

Hindi naman pumalag si Win, "Do it, then."

Nanginginig ang mga kamao ni Bright. Kapansin pansin ang pagpipigil nitong suntukin si Win.

Sumasakit narin ang leeg ko dahil putcha, hindi kona alam kung sino ba sa kanila ang titignan ko.

Kaya iyong bukol kona lang sa harapan ko ang tinitigan ko. Joke.

"Ang tapang mo, gago! Baka nakalimutan mong naging duwag ka sa pinsan ko!" Matigas niyang sabi kay Win.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko maiwasang mapaisip sa narinig ko. Wala akong maintindihan sa pinupunto ni Bright.

Natahimik naman si Win. Anong ibig sabihin ng kinikilos niya?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Ani ni Win.

Ngumisi si Bright saka lumapit kay Win. Napaigtad naman ito kaya napaatras siya dahil patuloy lang sa paglapit si Bright sa kanya.

"H'wag ako ang gaguhin mo dahil hindi mopa ako lubusang kilala, Win! Nakalimutan mo atang ikaw ang dahilan kung bakit ako nagka-pasa sa mukha!" Matigas niyang wika.

Nag-iwas ng tingin si Win, "Wala akong sinabi na ipagtanggol mo'ko. Kung may dapat sisihin, sarili mo 'yon."

Umigting ang panga ni Bright sa narinig, "Kaya ka nandito para ipamukha sa'kin 'yan? Tangina, hindi ko alam na gan'yan ang sasabihin mo sa'kin, kung alam kolang sana hindi na kita tinulungan!" Tinalikuran niya ito, "Makakaalis kana!"

The Playboy's Game | MEWGULFWhere stories live. Discover now