Kabanata 14

828 73 44
                                    

LIMANG ARAW. Ang bilis nang araw. Kung ganito lang din sana kabilis makalimot nang sakit matagal konang nagawa ito sa kaniya.

Tanda kopa nung gabing iyon. Umiiyak ako sa kuwarto ni Mew. Sising sisi akong inamin sa kaniya ang nararamdaman ko. Binigla ko siya. Sana hindi ako nagpa-dalos dalos muna.

Narealize kong kasalanan ko. Na ako iyong mali. Kaya hinabol ko siya at humingi nang tawad sa kaniya. Lumuhod ako sa harapan niya at nagmakaawang bigyan ako ng chance.

Pero nakita ko ang galit sa kaniyang mga mata. For the first time, nakita ko kung gaano niya ako pandirian. Diring diri siya saken. Galit na galit siya. Sinigawan niya ako na wala akong pinagkaiba sa mga naging sex buddy niya. Hindi ako tumupad sa usapan naming dalawa.

Pinagtabuyan niya ako. Sinabi niya sakeng ayaw niya muna akong makita. It hurts like hell!

At sa loob nang limang araw never siyang nagpakita saken. Pinupuntahan ko siya sa suite niya pero limang araw siyang wala doon.

Umiyak ako. Grabe ang torture na natamo nang puso ko.

Sinubukan ko ring lasingin at lunurin sa alak ang sakit na naramdaman ko. Halos lunurin ko ang sarili ko sa alak. Kung hindi nga lang dahil sa tulong ni Win nung mga araw na iyon hindi kona alam kung saang landas ang tutunguhin ko.

Iyong tipong pagising ko sa umaga wala akong ibang inisip kundi ang mukha niya. Wala akong ibang hiniling kundi ang makita ko siya at makausap. Gusto kong magkaayos kami. Sabik na sabik na akong makita siya. Miss na miss kona siya.

Kahit alam kong wala na. Na malabo nang mangyari pa lahat nang hiling ko, mga kagustuhan ko.

Nakakabaliw masaktan.

Inisip ko hanggang kelan matatapos 'to? Hanggang kelan ako magpapakatanga sa taong ayaw saken?

Dapat paba akong maghintay sa taong malabong mapasaakin?

Dapat ba akong umasa kahit alam kong kahibangan lang talaga?

Ang hilig hilig kong paasahin ang sarili. Palagi kong pinagpipilitan sa isip at puso ko na hanggang doon nalang lahat. Tapos na deal na iyon.

Ang kailangan kolang gawin ay tanggapin ang katotohanang wala na talaga. Pero habang pinipilit ko itong tanggapin mas nasasaktan ako. Mas binibiyak ang puso ko.

Ganun ba talaga? Mas pipilitin mopa ring umasa kahit na nasasaktan kana?

Kaya kahit masakit, tinanggap kona lang ang totoo. Ang hirap na kasing umasa. Mas mabuti naring maaga katulad yung nangyari sa amin ni Poomie. Baka mas madali korin siyang makalimutan.

Madali akong makapag move on kahit walang kami.

Ang malaman kong walang kami ay mas masakit pa palang isipin.

I tried to let him go.

Pero bakit kung kelan sumusuko na ako tsaka kopa siya nakita.

Kanina, habang hinihintay kong bumukas iyong elevator. Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko nang iniluwa nun si Mew at Gun na naghahalikan.

Bigla pang nagulat si Gun nang makita niya ako pero mas masakit pala na makitang walang pakealam sayo ang mahal mo.

Nanghina ang tuhod ko na halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko nang hawakan ni Mew si Gun sa bewang at mabilis na inakay palayo sa akin.

Sa pagsara nang elevator doon ko binuhos lahat ng sakit. Ang sakit sakit na talaga. Mahal na mahal kona pala siya kaya ang sakit sakit sakit na makita siyang may kasamang iba. Na may kahalikang iba.

The Playboy's Game | MEWGULFWhere stories live. Discover now