Kabanata 16

840 78 53
                                    


PAGKIKITA

"WELCOME BACK, GULF." Nakangiting bati saken ni Sir Singto nang makapasok ako sa opisina niya para kunin ang schedule ko.

Nakakapanibago. Wala itong katawag. O, sadyang maganda lang ang timing ko ngayon.

"Thank you, Sir." I smiled back.

"Are you okay now?" Tanong niya na nagpakunot ng noo ko.

"Yes, Sir." Casual kong sagot. Siguro dahil ilang araw akong hindi pumasok kaya ganun.

"What I mean your heart?"

Nabigla ako sa sinabi niya. Bakit niya alam? Sinabi naman kaya ni Win? Pero kilala ko si Win, hinding hindi niya ito ipagsasabi sa iba lalo na kung 'di niya gaano ka-close. Ganun nalang ba ka-close si Win sa manager ng Bar nila para pagkatiwalaan?

Ganunpaman, ngumiti parin ako. "I'm fully recovered, Sir."

Kinuha ko sa kaniya ang maliit na papel. Tinignan ko iyon, housekeeping ulit ako sa 15th floor.

At baka makita ko siya.

Ano naman ngayon! Hindi ba't ito ang balak ko. Ang mapatunayang wala na akong nararamdaman sa kaniya.

Nagpaalam ako. Bago paman ako tuluyang makalabas, narinig ko ang pagtawag ni Sir Singto saken.

"Gulf," napalingon ako sa kaniya. "Be happy. You deserve that." Sabi niya at ngumiti saken.

Alam kong hindi lang iyon ang nais niyang sabihin saken. There's more than that. Nakikita ko at nararamdaman ko.

"Salamat, Sir." Ang nasabi kona lang.

Nagpunta muna ako sa third floor para makapagpalit ng uniform. Nang matapos akong magbihis, isasara kona sana nang may tumawag ulit sa pangalan ko.

"Gulf," nang makita ko ito nakita ko ang seryosong mukha ni Gun.

Hindi ko lubos maisip na makikita ulit siya. Pero bakit parang hindi siya masaya? Ang pale ng mukha niya?

Siguro pinahirapan siya ng husto ni M--!

Grabe, hindi naman ako ganiyan noon. FUCK! I hate myself thinking that stupid thing!

Nginitian ko siya, "Gun, ikaw pala. Kamusta? Hindi ba dapat nasa baba ka ngayon? Tapos naba work mo?"

Napansin ko ang paghinga niya ng malalim, "Okay lang ako. Ikaw? Antagal mong nawala. Akala ko nag-leave kana."

Iyon din sana ang gagawin ko. Balak konang mag-leave kasi, kung gabi-gabi ko makikita si M--, baka sumabog ulit ako.

Pero kasi, masasabi kolang talaga sa sarili ko na malaya na ako kapag nakita ko siya at mapansing wala na akong nararamdaman sa kaniya.

Kapag nakita ko si M--, at wala na akong nararamdaman sa kaniya, tsaka na ako magle-leave.

"Okay lang din ako. Busy lang ako kaya hindi ako nakapasok dito. Tsaka, balak kona ring mag-leave actually."

The Playboy's Game | MEWGULFWhere stories live. Discover now