"Huli ka!" Tinakpan nila ang bibig ko ng panyo. After that, everything went black.

~

"Good." Nakaririnig ako ng mga boses. Nag-uusap sila sa loob ng silid kung nasaan ako. Pinipilit kong buksan ang mga mata ko pero ayaw.

"Keep an eye on her. Don't let her slip." Nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto. Maya-maya lang nakarinig ako ng footsteps. Heels. Babae siguro.

"The heir to Fuego's throne. Hah!" Aru? "Kung hindi ka lang prinsesa ni Xavier, matagal ka na niyang pinatay. At dahil ikaw ang princess niya, he will properly give what rightfully belongs to you."

Nabuksan ko ang mga mata ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita kong nakatayo si Aru sa harap ko. Nakapameywang at nakangisi.

"Hard as a Fuego, too." Sabi pa niya at nagflip hair. Napatingin ako sa mga paa ko. Nakatali ito sa inuupuan ko, pati ang mga kamay ko.

"Anong pinagsasabi mo?" Pagsisinungaling ko. "My name is Han Yuri. The legendary Han." Pagmamalaki ko... kahit hindi ako sigurado kung totoo ba talagang legendary ako, as they say. Tumawa si Aru.

"Oh Yuri dear. Hindi ka tunay na Han." I know. "Lahat ng nalalaman tungkol sa buhay mo ay isang kasinungalingan." Sabi niya. Ngayon, ako na ang napangisi.

"So anong ibig-mong sabihin? Imagination ko lang yung pinagtraining akong mambugbog ng tao sa murang edad? Imagination lang yung natuto akong bumaril? Imagination ko lang yung mga taong namatay at pinatay sa harap ko? Wow, Aru. You're making me an expert at imagining things." Napasimangot siya sa sinabi ko.

"Lahat ng nangyari at naranasan ko ay hindi kasinungalingan." Dagdag ko. Pero ang pagkatao ko ay isang kasinungalingan.

Siguro kung hindi nagpakasal si mommy sa Han na yun, hindi magkakaroon ng ganitong gulo sa pagitan ng mga Han at Fuego.

Nilapitan ako ni Aru at hinila ang buhok ko para maiangat ang mukha ko. Masakit! Ampta. Napangiwi ako sa sakit dala ng pagkakahila niya.

"Hindi ko alam kung bakit gusto ka pang kunin pabalik ni Xavier. You have totally become the enemy. Hindi ka karapatdapat magmay-ari ng mafia naming mga Fuego!"

"ARU!" Nabitiwan ni Aru ang buhok ko nang biglang may nagtawag ng pangalan niya. Sabay kaming napalingon sa pinto. Si Xavier. "I told you not to hurt her." How ironic. Naglakad siya palapit sa amin at tinulak si Aru palayo sa akin. Nagulat ako sa sunod niyang ginawa dahil tinanggal niya ang pagkakatali sa akin.

"What? You're letting her go?" Mataray na sabi ni Aru.

"No. I'm going to refresh her memory." Hinawakan ako ni Xavier sa braso at pinatayo. "C'mon." Hinila niya ako palabas ng silid at dinala sa hindi-ko-alam-kung-saan.

Habang naglalakad kami... mabilis na paglalakad... napagtanto kong nasa mansion kami ng mga Fuego. Napansin ko ang mga painting na nasa pader. Mga classic. At may malalaking family portraits rin. I took a glimpse at their father's face... well, my father's face. I look like him. Pumasok kami sa isang silid at pinaupo niya ako sa isang sofa. Pumasok siya sa isang pinto sa loob ng silid, sinundan ko siya ng tingin. Paglabas niya, may kasama na siyang doktor. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya.

200 StampsWhere stories live. Discover now