"Xavier." Pabulong kong sabi pero narinig pala nila kaya naman umiba ang ekspresyon sa mga mukha nila lalo na kay mommy.

"Shall we move on to dessert?" Pagpapalit ni Luke ng topic.

"Oh sure." Si Sandie naman ang unang nag-react at lahat sila naging abala na sa desserts.

"What's tomorrow's plan?" Tanong ko para naman hindi na nila mapansin ang pagse-space out ko.

"Tree planting." Sagot ng stepdad ko at nginitian ako. Oh right. Yung matagal ko nang kinukulit sa kanya. Trainee pa lang siguro ako sa kampo niya, kinukulit ko na siya.

"Yeeeey!" Pagsasaya ni Sandie. Napangiti naman si Luke. Hindi ko siya kadugo pero nababasa ko siya. Napangiti na lang rin ako sa nakita ko.

We are now settled in our tents. Kasama ko si Sandie, syempre. Tapos si Luke at Benj naman sa isa. Ano na kayang nangyari doon? Baka namatay na ang isa sa kanila. Boys.

Tulog na tulog na si Sandie. Ilang beses na akong nagpalit-palit ng posisyon, hindi pa rin ako makatulog. Pinikit ko ang mga mata ko pero hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako at nagjacket ng makapal at dahan-dahang lumabas ng tent para hindi magising si Sandie.

Naglakad ako patungo sa edge ng bundok na to. Well, cliff siguro. Basta ito. Hindi naman nakakatakot dahil maliwanag ang ilaw na nanggagaling sa buwan at hindi ako matakutin. Umupo ako sa edge, leaving my feet to hang. Huminga ako ng malalim sa tanawing nakita ko. Steet lights, less active cars. The city looks so small from here. Napatingin naman ako sa kalangitan, no clouds. Just the moon and the stars.

"Still thinking about my question?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Not thinking about a single thing with regards to you." Sabi ko at humarap sa syudad. Tinabihan niya ako.

"Bakit, Louisse?" My name is Yuri. "Bakit hindi mo ako mapagkatiwalaan?" I don't trust anyone anymore.

"Because..." I stopped. Tumingin ako sa ibang direksyon. Bumuntong hininga ako bago nagsalita. "Hindi ko na alam kung sino ang mapagkakatiwalaan ko, Benj." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumingin sa kanya.

"Matutulog na ako. Goodnight." Sabi ko at naglakad palayo.

Hindi pa ako pumasok sa tent namin ni Sandie. Sa halip, naglakad-lakad ako sa loob ng kagubatan. Hindi naman nakakatakot dahil may ibang hikers rin na nagpapahinga. Habang naglalakad ako, naisip ko na naman ang mga nalaman ko tungkol sa sarili ko. Isa akong Fuego. Yan ang pinakanakakapagpabagabag. Gusto kong malaman kung tunay nga. Hindi na ako maniniwala sa sabi-sabi lang. Hindi ko pinagkakatiwalaan pati ang mga ala-ala ko. Gusto ko ng DNA test pero imposible. Patay na si dada.

Napahinto ako sa paglalakad nang may naramdaman akong sumusunod sa akin. Lumingon ako, walang tao. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako pero kinalma ko lang ang sarili ko. Agad akong napatingin sa kanan ko nang may narinig akong kaluskos. Damn it! Unarmed ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang wala lang.

"Louisse?" Boses ni Benj. Nakarinig na naman ako ng kaluskos pero this time sa kaliwa na. Mythical creatures? What the hell, Yuri! Reality.

"Louisse, saan ka?"

Then I realized something. Baka hindi mythical creatures ang sumusunod sa akin! Baka--

200 StampsWhere stories live. Discover now