YP 40: Outside the Kulambo

8.9K 114 37
                                    

Leave comments :)

Kathryn's Point of View

Minulat ko ang mata ko at nakita ko yung humahaplos sakin. Nginitian ko naman siya at ngumiti siya ng malapad. Ang gwapo talaga ng Babe ko. 'Wag niyo sasabihin ah lalaki nanaman yung ulo nun HAHAHAHAHAHAHA.

(A/N: holy mother of baymax! anon ulo yan ah!)

Author please....malumot ang iyong utak HAHAHA joke. So back to the story.

"Babe, take a bath. Pupunta tayo sa Doctor mo para malaman natin kalagayan ni Baby" malambing niyang sabi. Nagpout naman ako.

"Eh tinatamad ako Babe eh"
nagbaby talk pa ako kaya naman napangisi siya.

"Ang cute mo Babe ko pero pupunta tayo sa gusto o sa gusto mo"
maloko niyang sabi kaya naman pininch ko yung matangos niyang ilong kaya sumimangot siya.

"As if I have a choice Babe. I'll take a bath na po ah, love you"
sabi ko sabay smack ko sa lips niya at patakbong pumasok sa banyo.

Narinig ko naman siyang sumigaw kaya napatawa ako at napailing pa. Kung naughty siya, mas naughty ako hahahaha. Meant to be kami eh.

"BABE WAG KANG TUMAKBO!"

Daniel's Point of View

Nakahiga lang ako sa kama habang hinihintay si Kathryn na matapos maligo. Naglalaro lang ako ng color switch ng biglang nagvibrate.

"TANGNA NATALO TULOY!"
inis kong sigaw. Malapit na eh kingina naman kasi eh kung sino man 'to peste siya.

From: 09123456789
Hi Babe! I missed you!

Nanlaki mata ko sa nabasa ko pero mas nanlaki mata ko ng hablutin iyon ni Kathryn. Patay! SINO BA YUN TANGNA NUN AH!

"Tara na" cold as ice na sabi ni Kath sakin sabay labas ng pinto. Nilapag niya naman yung phone ko sa table malapit sa pinto.

Paglabas ko nakasakay na siya sa kotse kaya umikot na ako at sumakay sa driver's seat. Buong byahe wala kaming imikan hindi maganda 'to.

Pagkarating namin sa loob aalalayan ko sana siya kaso tinabig niya lang ang kamay ko. Okay na sakin yung bulyawan niya ako pero mas hindi ko kakayaning malamig ang pakikitungo niya sakin dahil mas nakakakaba yung pananahimik niya. Mapapatay ko kung sino man yung tanginang nagtext nun sakin.

"Goodafternoon Mr. and Mrs. Padilla" bati samin ng mga nakakasalubong namin.

Umupo ako habang hinihintay na matapos ang mga tests kay Kathryn. Naglaro lang ako sa phone ko habang naghihintay kaya 'di ko namalayan tapos na pala sila Kath.

"You're 4 weeks pregnant, Mrs. Padilla and The baby is healthy so wala kayong dapat ikabahala basta bumalik na lang kayo for your next check up. Have a nice day to the both of you and Congratulations"

Kathryn's Point of View

Masakit. Hindi ko pa siya kayang kausapin ngayon. Mali ako dahil di ko muna pinakinggan ang explanation niya pero what do you expect kung ganun mababasa mo sa phone ng asawa mo diba.

I'm craving for Green Mangoes pa naman with Ketchup pero siguro bukas ko na lang papabili yun. My cravings can wait naman eh.

Pagpasok namin sa bahay dire-diretso akong pumasok sa kwarto sabay lock ng pinto namin. I'll text him na Outside the Kulambo muna siya. Hindi ko pa siya kayang makatabi baka mapatawad ko siya agad.

Buti na lang nasa bahay nila Mama si Lhexine kaya wala talaga akong dahilan para lumabas at kausapin si Daniel. May pagkain naman dito eh kaya okay lang kahit magkulong ako buong araw dito sa kwarto.

To: Babe
Outside the Kulambo :|

I didn't wait for his reply tinurn off ko na agad phone ko after ko masend.

________________________________________________

Author's Note:

| Short Update. Open na po ako sa suggestions para sa gender ni baby hindi pa kasi ako nakakapagdecide kung boy or girl eh so I need your help. Tweet me your suggestions ----> @bernardokthxxvi on twitter. I'm not snob kaya talk to me and give me suggestions sa mga scenes na gusto niyong makita sa young parents. And I'll update tomorrow. Thanks for 275K reads, I love you all. |

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Young Parents [ON HIATUS]Where stories live. Discover now