YP 11: Boy or Girl?

11.2K 165 12
                                    

Kathryn's Point of View

Kanina pa palakad-lakad si Daniel dito sa harapan ko. July na kasi at may check-up ako ibig-sabihin lang nito ay ngayong araw namin malalaman ang gender ng aming baby. Kaya ayan kanina pa siya kinakabahan akala mo naman eh manganganak na ako dahil sa sobrang kaba niya.

"HOY DANIEL JOHN PADILLA HUMINAHON KA NGA DYAN. KANINA PA AKO NAHIHILO SA KALALAKAD MO" sigaw ko hanggang sa dulo ata ng lalamunan ko nanggaling yan.

Tumigil naman siya sa kalalakad pero halata parin sa mukha niya ang nerbyos. Gender pa lang naman ang malalaman namin pero sobrang kaba niya na paano pa kaya kapag manganganak na ako.

"Hindi ba talaga sasama si Tita satin?" ninenerbyos niyang tanong.

"Hindi nga makakasama si Mama dahil may bagong design ang idedeliver ngayon sa shop namin kaya hindi siya pwede. Bakit ba ninenerbyos ka dyan eh malalaman lang naman natin yung kasarian ni baby" sabi ko sabay tayo at ayos ng damit. Paalis na kasi kanina kaso 'tong si Danilo tinagalan ang paliligo at pagbibihis sabayan pa ng palakad-lakad niya kaya ayan ngayon pa lang kami aalis.

"Tara na nga Babe. Lintek! Kinakabahan nga kasi ako eh" sabi niya pagkasakay namin sa sasakyan.

"Mawawala din yan jusko Danilo magchill ka nga lang" sabi ko habang nagfafacebook. Kachat ko kasi ang girls nakwento ko na din sa kanila na ganun nga si Daniel pero ang tanging reaction nila ayun tumawa lang ang mga babae.

Liza: Awwww ang cute siguro ni Daniel habang paikot-ikot hahaha.

Kathryn: Parang praning kaya mas kinakabahan pa siya kesa sakin eh.

Julia: Okay lang yan ganyan talaga ang boys kapag sila ang sumasama sa check-up kinakabahan kahit naman ichecheck lang yung kalagayan ni baby.

Lia: Oo nga agree ako sayo Kambal hahaha. Nasaan na ba kayo?

Kathryn: Nandito na pala kami sa OB ko. Mamaya na lang guys ah chat ko kayo agad after nang check-up ko.

All girls: Goodluck Kathryn!

"Halika na Babe" pagkabukas ko ng pinto yan agad bungad niya sakin. Mas naging sweet siya sakin at maalaga.

"Goodafternoon Ms. Bernardo and Mr. Padilla" bati nung mga staffs dito. Ngumiti lang kami ni Daniel bilang pagbati.

"Goodafternoon Ms. Bernardo and Mr. Padilla. Ready na ba kayo sa gender ng baby niyo?" masayang bati samin.

"Yes/Slight nakakaba" sabay na sabi ni Daniel. Obvious naman na siya yung kinakabahan hahaha.

"Nakakatawa ka naman Daniel mas kinakabahan ka pa sa girlfriend mo" natatawang sabi ni Dra. Sanchez samin kaya napatawa na rin ako. "Tara na sa loob at magsimula na" sabi niya kaya sumunod na kaming dalawa.

Malalaman na namin yung gender ni baby. Parang kinabahan narin ata ako hahaha. Nilagyan na ako ni Dra. Sanchez na parang sanitizer ba yun. (A/N: Hindi ko po alam tawag dun sorry)

"Hala Doc gumagalaw" biglang sabi ni Daniel kay Doc na siyang kinatawa ko. Ang inosente niya hahahaha.

"Yung gumagalaw na yan sa screen 'yan yung baby niyo, Daniel" pageexplain ni Doc sa kanya. Nilabas niya ang cellphone niya tsala kinuhanan ng litrato yung screen. Bibigyan naman kami ng copy mamaya hahaha hayaan na nga excited eh.

"Ready?" masayang tanong ni Doc samin. Tumango kami at ngumiti kay Doc. "She's healthy" pagkasabi ni Doc alam ko ng babae ang first baby namin.

"Congratulations Kath and Daniel for having a healthy baby girl" bati ni Doc samin. Ang prinsesa namin!

Ano kayang magandang pangalan?

Daniel's Point of View

It's a GIRL! Babae ang unang anak namin ni Kathryn. Tangna naexcite tuloy akong makita. Okay lang sakin kahit ano basta healthy ang baby namin. Niyaya ko si Kathryn na kumain sa restaurant dahil wala rin namang makakain sa bahay.

"Thank you" sabi ko sabay hawak sa kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa.

"For what?" tanong niya

"For everything Kathryn" sabi ko napatango naman siya. Pagkarating ng order namin agad naman naming kinain iyon habang nakikipagchat sa barkada. Kachat ko yung mga lalaki tapos si Kath naman yung sa mga babae.

Lester: Nice one tol! Ninong ako ah.

Mycko: Congrats Parekoy

Seth: Maganda yan for sure kay Kathryn magmamana eh.

Daniel: Gagyou hahahaha with feelings pa ah.

Katsumi: Wag ikaw mag-iisip ng pangalan ah baka maging mabantot yung kalalabasan eh.

JC: Tangna Kats hahahaha grabe ka naman.

Daniel: Mas mabantot yung pangalan ni Carlito.

JC: Kuyaaaa! Si Mama ang may kasalanan nun hahaha.

All except JC and Daniel: Parehas mabantot mga pangalan niyo.

JC: Lagot kayo kay Mama wrewrestilingin kayo nun.

Daniel: Oo nga hahahaha sige bye na kumakain ako eh.

All except Daniel: Goodbye and Congrats!

"Loko talaga sila Kats sinisi pa si Mama sa mabantot na pangalan ni Carlito" natatawang kwento ko kay Kathryn.

"Hahahahahaha parehas sila ni Daezen ng sinabi hahaha magkasama ata yung dalawa eh" sabi ni Kath

"Feeling ko din Babe hahahahaha" sabi ko

Pagkatapos naming kumain napagpasyahan naming umuwi na dahil ayokong matagtag ang mag-ina ko.

"Kailan tayo mamimili ng mga gamit?" tanong ko

"Next month na tayo mamili babe ah" sabi niya

"Okay po" sabi ko sabay halik sa noo niya. "Goodnight na Babe ah tulog na" sabi ko sabay labas na ng kwarto niya.

Tumawag bigla si Mama sakin. Hay mahaba-habang usapan ito.

"Hello Ma! Naks! May pantawag sakin ah yaman" bungad ko

| Hoy manahimik ka nga dyan. Anong gender ng baby niyo ni Kathryn? |

"Girl ho"

| Talaga? Naku kay Kathryn magmamana yan for sure hearthrob yan paglaki. |

"Oo na kay Kath na magmamana grabe naman parang ang panget ko ah"

| Ang drama mo naman baby bubut |

"Mama! Magkakababy girl na ako't lahat-lahat baby bubut parin ang tawag niyo sakin"

| Loko lang Anak hahahaha regards mo na lang ako kay Kathryn ah sabihin mo mag-ingat at sundin ang mga paalala ng doctor niya. |

"Opo Mama sasabihin ko yan sa kanya promise"

| Sige Daniel matulog ka na. Goodnight! |

"Goodnight Ma! Kiss niyo na lang ako kila Magui ah"

Pagkababa ng tawag ni Mama naginstagram na lang ako. Ipopost ko lang naman yung baby girl namin.

Instagram

@danielpadilla: Our Baby Girl *insert screen nung ultrasound*

____________________________________________________________________________

Author's Note:

| Handlers? Just PM me a'right! Wala akong masabi hahaha love you all! Thank you for reading Young Parents, for voting, for commenting and for adding it to your reading list. It means a lot love lots. |

-Margarette

Young Parents [ON HIATUS]Where stories live. Discover now