YP 13: Kidnap

9.3K 145 10
                                    

Kathryn's Point of View

2pm na ako nagising at mukha agad ng girls ang bumungad sakin. Wow! So ibig-sabihin nandito na rin si Daniel?

"Goodafternoon Ms. Preggy" sabi nila sakin sabay isa-isang naghug sakin.

"Goodafternoon Juls, Lia, Liza, Kiray, and Daezen. Namiss ko kayong lima" sabi ko sabay pout.

Sanay na silang nagpopout ako haha 'yan kasi ang hobby ko everytime na nanglalambing, nagtatampo, or malungkot.

"Kailangan isa-isahin kami hahaha namiss din kita babaita" sabi ni Juls sabay abot sakin ng box na parang lagayan ng dress.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanilang lima.

"Halata namang box 'yan Kathryn" pilosopong sabi ni Liza. Binatukan ko naman siya dahil dun.

"Umayos ka Liza ah nagtatanong ako ng maayos sa inyo kaya sagutin niyo ng maayos" seryoso kong sabi sa kanila.

"Dress kasi 'yan Kathryn at 'yan ang susuotin mo ngayong araw. Wag kang mag-alala dahil kasya sayo 'yan" sabi ni Daezen sabay binuksan niya ang box na binigay nila sakin.

One word na nagdedescribe sa dress ay beautiful. Baby pink dress na above the knee ang haba at fluffy siya. This dress made by the famous designer, Francis Libiran.

"Saan ba tayo pupunta at kailangan nakaformal attire ako. Hindi naman siguro tayo pupunta sa isang engagement party right?" tanong ko sa kanila pero imbes na sagutin nila ako hinila na lang nila ako bigla palabas.

Ngayon ko lang napansin na nakasuot din sila ng dress huhu saan ba talaga kami pupunta?

"Where's Daniel?" tanong ko

Kanina pa ako kating-kati na magtanong eh. Ngayon ko lang natanong dahil ang daldal nila.

"Busy pa sa pilipinas kaya hindi siya nakasabay samin pabalik dito sa London" sabi ni Kiray kaya nagpout ako ulit.

"Miss ko na siya eh" sabi ko

"Okay na talaga kayo. Hay! Im so happy for the both of you" sabi ni Lia sabay hug sakin.

"Hindi niyo naman sinasagot yung tanong ko eh. Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" for the nth time tinanong ko ulit sila.

"Sa-----"

Hindi natapos ni Kiray ang sasabihin dahil bigla na lang may nagtakip sa mata ako at ipinasok ako sa loob ng sasakyan. Alam kong kotse yun dahil naramdaman ko na umandar na siya. Uso rin ba sa ibang bansa ang kidnap huhu wala naman akong pangransom at higit sa lahat yung baby ko baka mapano.

"Let me go!" sigaw ko

"What if I don't want to Kathryn Chandria Bernardo" omg kinabahan ako bigla at nagtaasan ang mga balahibong kong nanahimik huhu.

"Who are you? Bakit niyo ko kinidnap? Wala akong pangransom so let me go" sabi ko

Nagtatapang-tapangan lang ako dahil sabi sakin ni Daddy dati wag ko daw ipakita na mahina ako na takot ako kasi mas hindi ako makakatakad. I need to be brave for my baby. Hindi lang ako mag-isa dito dalawa kami ni baby kaya kailangan isipin ko rin ang safety niya.

"Boss nandito na kami pwede niyo na siyang buhatin palabas dito sa kotse" rinig kong sabi ng kidnapper.

He's a filipino too tapos nagawa niyang kidnapin ang kababayan niya how pathetic.

Nagulat ako ng bumukas ang pinto at may umalalay sakin palabas nito. Natatakot ako kasi feeling ko may mangyayaring masama. Nasaan na ba kasi sila Julia naman eh kasama ko lang sila kanina eh.

Daniel, I need you now! Help me!

"Hindi ka masasaktan kung hindi ka magtatangkang tumakas Kathryn Chandria" sabi ng kidnapper. Huhu nakakatakot yung boses niya.

"Bakit niyo po ba ako kinidnap?" tanong ko sa kanila.

"Nice question Kathryn. Kinidnap ka namin dahil ikaw ang anak nila Teddy at Min hahahaha malamang manghihingi ako ng ransom sa magulang mo" sabi niya

Baby don't worry malalagpasan natin 'tong dalawa. Kapit ka lang kay mommy okay.

Daniel's Point of View

"D-daniel" bungad ni Juls ng tinawagan ko siya.

"What happen Julia? Nasaan na kayo ni Kathryn?" tanong ko

"Na-nakidnap si Kathryn" para akong napagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko.

"PAANONG? PUTANGINA!" hindi ko na alam kung paano maging kalmado dahil sa nalaman ko. Ang baby namin baka mapanod at ang mahal ko.

"Kumalma ka Daniel. Tumawag na kami sa mga pulis dito at sabi nila gagawin nila ang lahat para mahanap si Kathryn" sabi niya

"Hahanapin ko ang mag-ina ko kahit pa lusubin ko ang buong europe mahanap lang sila" sabi ko

"Mag-iingat ka dahil maraming tao talaga ang inggit kay Kathryn lalo na't sikat ang business ng pamilya niya" sabi niya sabay baba ng tawag.

Fvck nasaan ka na ba Kathryn Chandria. Ililigtas ko kayo mag-ina ko.

Kathryn's Point of View

Hindi ako pinagpapawisan dahil airconditoned ang kwarto kung saan ako kinulong ng mga kidnapper. Bakit kailangan mangyari samin ni baby 'to?

"Kung hindi kayo nagkabalikan ni Danirl edi sana hindi ka makikidnap hahahaha. Matagal ko na siyang gusti pero dahil ikaw ang mahal niya hindi niya ako napapansin" rinig kong sabi ng babae sa speaker. Huh? Bakit parang familiar yung may-ari ng boses na yun.

"Nasa 'yo na kasi ang lahat kaya nakakainggit ka Kathryn. Mayaman, Sexy, Maganda, Habulin ng lalaki, Matalino, Complete Family, Barkada, at higit sa lahat ikaw ang mahal ni Daniel. Ang galing diba hahahaha kaya ngayon dyan ka muna wahahahahaha" at namatay ang speaker. Nagtaasan ang balahibo ko dahil dun. Sino ba talaga siya? Bakit feeling ko kakilala ko siya? 'Wag naman sana dahil masakit kung sakali.

Nakakagulat nga eh hindi ako nakatali, wala akong piring kanina pa tinanggal, at higit sa lahat may nakidnap ba na nakaaircon pa.

Nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko 'to sa aking bulsa.

From: Unknown
Masyado ka kasing mabait eh hahaha ayan tuloy nagtitiwala ka sa maling tao.

Baby 'wag kang bibitiw ah! Kapit ka lang dyan sa tummy ni Mommy makakaligtas tayo dito. Mahal na mahal kita Anak.

____________________________________________________________________________

Author's Note:

| Magandang Araw para sa magandang ako hahahaha joke lang mwaps. Hala? Sino ang kumidnap kay Kathryn? At bakit kailangan nakadress pa siya nung kinidnap? Hala lagot kayo kay fafa daniel.

A T T E N T I O N!!
Open na po ako sa mga mag-aaply as handlers ng YP Characters. Hindi na po kasi ganun ka-active yung mga main characters eh. PM me if you're interested. |

Tweet me @bernxarxokathhh by using this hashtag #YoungParents kung gusto niyo po ng clarifications. Baka po kasi naguguluhan kayo or what ganern hahaha.

-Margarette

Young Parents [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon