YP 12: Ordinary Day

10.4K 157 5
                                    

Kathryn's Point of View

Nasa bahay lang ako dahil bilin ni Daniel matatagtag lang daw si baby. Nahilig na lang bigla ako sa pagbabasa ng stories sa wattpad hahaha tapos nagpapabili din ako ng mga libro kay Daniel na galing sa pilipinas. Mag-isa lang ako ngayon kasi umuwi si Daniel sa pilipinas dahil may aayusin daw siya dun.

"Ma'am Kathryn kailangan niyo na hong uminom ng vitamins niyo" sabi ni Manang and yes may kasama na kami sa bahay dahil malaki na ang tyan ko at hirap na akong gumalaw. Isang buwan na lang kasi ay manganganak na ako.

"Manang, pwede ho ba pakidala na lang po dito. Ang bigat ho kasi ni baby eh nahihirapan ho akong maglakad" pakiusap ko kay Manang. Nasaan na ba si Mama? Nandun kasi siya ngayon sa branch namin sa pilipinas kaya talagang kaming dalawa lang ni Manang ang nandito.

Pinay kinuha nila para mas mapagkakatiwalaan talaga, hindi naman sa wala kaming tiwala sa mga tao dito kaso after ko kasing manganak uuwi kaming pilipinas kaya mas maganda kung tagadun din diba.

Ibinaba na ni Manang yung gamot ko tsaka lumabas na ulit ng kwarto. Namimiss ko na si Daniel huhu isang linggo na kasi siya dun eh.

Calling Julskieeeee...

Ang cute ng pangalan niya sa contacts ko hahahaha wag kayong maingay sa kanya ah baka maging dragon yun.

"HI Juls" masayang bati ko

| Ang sigla mo naman bes haha. Kumusta ka na? Malapit na kaming magsembreak kaya mabibisita ka namin dyan. |

"Buti naman kung ganun Juls. Okay lang naman ako hihi medyo nahihirapan lang ako sa paglalakad kasi mabigat na si baby. Kumusta na kayo dyan?"

| Okay naman kami dito Kathryn. 'Wag kang sisigaw ah kasi may sasabihin ako sayo. |

"Hmmm depende kung nakakagulat ang sasabihin mo hahaha"

| I think.... oy I think lang ha! I think I'm inlove |

"Tapos....." wala namang kagulat-gulat dun.

| Hindi ka man lang magugulat? |

"Hay Julia Montes! Sa tingin mo kagulat-gulat 'yang sinabi mo sakin hahahahaha kilala ko kung kanino" mapang-asar kong sabi.

| Madaya! Sino? | alam kong nakapout siya hahahaha si Juls pa eh isip-bata yun eh.

"Si S yun eh hahahahahaha tama ako diba? diba?" pangungulit ko

| Oo tama ka si Seth nga yung mahal ko. Bakit ang manhid niya huhuhu |

"Ang drama mo naman teh! Umamin ka sa kanya tapos ang usapan hahaha ge bye julskieeee"

Pinatay ko na agad dahil masisigawan ako hahahahaha. Si Dae at Katsumi magdadalawang taon ng magkasintahan, sila JC at Lia naman medyo one-sided ang peg, sila Lester at Kiray parang walang balak umamin sa isa't isa sus parehas torpe, lastly sila Mycko at Liza nasa ligawan stage na alam na. Hahahaha ay nakalimutan ko si Julia at Seth parang same lang din kila Lester ang peg nila parehas torpe eh wala tayong magagawa.

Nagbabasa na lang ako sa wattpad ng fanfiction at ang title ay 'Fanboy at its finest' grabe ang ganda ng story kaso ang tagal magupdate eh (A/N: Promote lang guys hahahaha pero sariling buhat ng silya ano po! Nagparinig din ako sa sarili ko huhu sorry na please chos!) Feeling ko medyo tragic 'to hahaha feeling ko lang naman eh.

Ang boring talaga hayahay! Namimiss ko na talaga si Daniel huhuhu. *ting* Alam ko na gagawin ko hihihi.

Juls' Point of View

"Uhm Lia" tawag mo kay Lia na busy sa phone niya.

"Bakit Juls?" tanong niya

"Paano ako aamin? Sabi sakin ni Kathryn umamin daw ako kay Seth pero I don't know how!"

"Sabihin mo sa kanya ang nararamdaman mo. Alam mo Juls hindi laging lalaki ang gagawa ng first move kaya this time ikaw na muna ang gumawa tsaka aamin ka lang naman 'no" humarap sakin si Lia ng nakangiti.
"Nandito kami for you Juls. Kaya mo yan ikaw pa eh ang tapang mo kaya hindi katulad ko" hindi ko narinig yung huling niyang sinabi pero hindi ko na pinakealaman yun kasi iniisip ko kung anong magiging epekto ng pag-amin ko sa kanya.

"Nasaan ba si Dae? Diba sabi ni Daniel sasabay na tayo sa kanya pabalik sa London" sabi ko

"NASA DATE SI DAE!" sigaw ni Kiray. Lakas ng topak ah magkakatabi lang kami eh.

"Sakit mo sa tenga Kirs ah" reklamo namin ni Lia.

"Paano naman kasi umamin si Lester sa kanya na pumayag man o hindi si Kirs ay liligawan niya parin ito" pagkekwento ni Liza na kababa lang ng hagdanan. Saan kaya nanggaling 'tong si Liza.

"Hahahahahaha hindi na torpe si Lester nice one!" sabi ko kaya nagtawanan kami except kay Kirs.

"Grabe kayo ah hmph" drama niya swear.

Doon na nga kayo kay Daniel hahahaha mag-iisip na muna ako ng plano hihihi.

Daniel's Point of View

"P're mas maganda ata kung plain lang bibilhin natin kasi para pwede pang magamit sa next baby niyo" suggest ni Lester

"Oo nga J mas maganda ang naisip ni Les para less gastos din yun lalo na't wala ka pang pagkakakitaan sa ngayon" sabi ni Seth

"Okay" sabi ko

Bumibili kami ng kakailanganin ni Kathryn sa panganganak kasi mas mura dito doon kasi akala mo ginto ang bibilhin mo.

"Nakaisip na ba kayo ng pangalan ng baby girl niyo?" tanong ni Mycko

"Hindi pa nga eh ang hirap palang mag-isip ng name" sabi ko sabay salampak sa couch. Si Mama ang pinabili namin hahaha eh wala naman akong alam sa mga ganyang bagay eh. Tagabuhat lang kami dito hahahaha.

"Seryoso ako Kuya wag ikaw ang magbibigay ng name. Alam mo kung bakit?" sabi ni JC

"Bakit?" tamad kong sabi kay JC.

"Kasi baka makaluma o kaya mabantot yung maisuggest mo eh dadalhin niya yun hanggang paglali niya" sabi niya kaya nabutakan ko siya.

"Tangna JC sayo pa talaga nanggaling yan ah!" natatawang sabi ni Mycko.

Si Kats lang ang wala dito kasi may date sila ngayon ni Daezen. Namimiss ko na ang mag-ina ko hay! Next week pa kasi kami babalik sa London dahil next week sembreak na nilang lahat. Binilan ko din si Kathryn ng mga libro dito dahil yun ang sabi niya sakin.

To: Babe
I miss you baby! Next week pa kami makakabalik dyan isasabay ko na kasi sila eh. I love you and Take care always.

Alam kong tulog na siya ngayon dahil gabi na doon. Magkabilang mundo ang peg namin hahahahaha.

Hay! Ang hirap mag-isip ng name para sa baby girl namin. Baka mabantot kasi kapag si Mama ang nagbigay hahahaha joke lang.

______________________________________________________________________________

Author's Note:

| Nag-update ako kasi may dalawang readers ang nagmessage sa message board ko na magupdate na daw ako hihi namiss niyo ko 'no? Jokeeeee sa dalawang readers na yun kilala niyo na sarili niyo salamat ah sobra akong natuwa hihi.

Sabaw Update! Alam ko naman yun huhu. Buong araw kong pinag-isipan 'tong kabanatang 'to huhuhu ang hirap naman magrevise mas mahirap pa sa trigo. Malapit na pala magair ang Pangako Sayo hihi nood tayo guys ah love lots. Naguguluhan ba kayo sa loveteams dito? Kasi ako naguguluhan din hahahahaha. |

-Margarette

Young Parents [ON HIATUS]Where stories live. Discover now