YP 16: Alagang Padilla

11.2K 162 17
                                    

Sino may Wechat? Comment hihi. Next Chapter ko irereveal yung mga dapat maging username ng mga characters okay.

Kathryn's Point of View

Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng makalabas na kami ng hospital. Doble ingat na si Padilla saming dalawa ni LA. Heto kami ngayon nag-uusap about sa mga kulang pang-gamit ni LA. Bukas pa daw kasi kami mamimili dahil kailangan magpahinga daw muna ako.

"Babe, nasaan yung milk ni LA? Kakanawan ko na siya" sabi niya sakin. Tinuro ko naman yung cabinet sa tabi ng TV dito sa kwarto ko.

"Dun Babe oh sa tabi ng TV" sabi ko sabay hum na ulit. Hinehele ko kasi si LA dahil nga pag-uusapan pa namin yung mga bibilhin. Next year pa siguro kami makakauwi ng pilipinas dahil maliit pa si baby LA.

"Ang ganda mo baby ko" sabi ko kay LA sabay himas sa kanyang mukha. Para talaga siyang anghel.

"Mana sayo 'yan Babe kaya maganda ang baby natin hahaha pero sakin galing yung genes eh" natatawang sabi niya kaya naman binatukan ko siya.

"Biglang lumakas yung hangin ah may bagyo ata Babe ah hahaha bagyong danilo daw ang name eh" natatawang sabi ko kaya this time siya ang nagpout. Inismack ko naman siya kaya nakangiting pilyo na hahaha.

"Para-paraan Babe ah hahaha chansing" sabi niya sabay kuha kay baby LA.

"Babe gusto ko ng cheesecake" sabi ko sabay pout.

"Mamaya na lang tinatamad pa ako eh" sabi niya kaya naman kinuha ko si LA at humiga sa kama. Matutulog na lang kami tss.

Calling Lia....

"Hello Lia"

| Kathryn! Nakabalik na kami sa pilipinas hihi anyway kumusta na kayo dyan? |

Nakabalik na pala sila sa Pilipinas. Nandito parin sila Magui yun nga lang nagyaya sila kay Mama K na magpunta daw sa mall. Yep Mama K na daw itawag ko kay Tita kasi magiging mag-asawa na daw kami ni Daniel.

"We're good naman dito haha nagugutom lang ako kaso yung isa dito tinatamad daw kaya itutulog ko na lang yung cravings ko hmp"

| HAHAHAHA! Childish Kathryn! Nagpaparinig ka pa talaga hahaha. Kung pwede lang magpadeliver ako para sayo edi ginawa ko na diba hahaha sige na may jetlag pa ako byeeee. Kiss mo ko kay LA. |

"Bye Lia"

Nilagay ko na sa ibabaw ng side table ko ang phone ko at pumikit. Bahala siya dyan hmp nagtatampo ako.

May humawak sa braso ko tapos hinimas ito. Bahal siya dyan tss.

"Baby ko naman eh. Sorry na huuyyy pansinin mo naman ako oh!" bulong niya

Try niya mag-ingay dyan hahaha magigising ang prinsesa namin. Tumingin ako sa kanya tapos inirapan siya.

"Eto na nga oh bibili na ako" sabi niya at mabilis na nagpantalon tapos nagsuot ng shirt.

Natawa ako kasi ang cute cute niya haha nagmamadali talaga siya.

Ilang minuto lang nandito na ulit si Daniel at inabot sakin ang box na naglalaman ng...

"CHEESECAKE" sigaw ko kaya medyo gumalaw si LA.

"Bati na tayo ah" sabi niya sabay ininterwine ang kamay naming dalawa. Tumango naman ako sa kanya tsaka ngumiti.

_________________________

"Baby uyyy wake up na" rinig kong tawag sakin. Naginat naman ako ng unti tsaka bumangon.

Young Parents [ON HIATUS]Where stories live. Discover now