YP 1: Anniversary Part 1

24.6K 267 7
                                    

Kathryn's Point of View

Goodmorning Sunshine! Anniversary namin ni Daniel ang pogi kong boyfriend. Hindi nga ako nakabili ng regalo eh haha sana hindi siya magalit sakin.

"Anak kakain na bumaba ka na dyan" tawag ni Mama sakin galing sa baba.

Bago ako bumaba naligo na muna ako para malamig sa pakiramdam ang init kasi eh alam niyo na summer ngayon. Kahit nakaaircon sobrang init parin.

"Goodmorning to my beautiful Mama" sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.

"Aba good mood ang prinsesa namin ah" sabi ni Mama

"Syempre Ma! Anniversary namin ni Daniel eh kaya good mood ako hihi" kinikilig ko pang sabi.

"Happy 2nd Anniversary sa inyo ni Danilo" sabi niya

Kaming dalawa ni Mama lang ang kumakain dahil only child ako tsaka nasa abroad si Papa para sa business namin dun. Hindi pa nagtetext si Babe ko huhu baka hindi niya naalala na anniversary namin eh.

"Bakit nakamangot ka diyan Anak?" tanong ni Mama hay napansin na din niya. Baka tawanan ako ni Mama eh.

"Hindi pa po kasi nagtetext si Daniel eh" sabi ko sabay pout.

"Ay jusko anak naman malay mo kakagising pa lang niya o kaya nagmamaneho na" sabi ni Mama

Napatango na lang ako tsaka pinagpatuloy ang pagkain ko. Nawalan na rin kasi ako ng ganang kumain eh kaya nagsabi na ako kay Mama na ayaw ko na.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pahiga na sana ako ng nagvibrate yung phone ko. Napangiti ako ng makita ko yung name niya.

From: Babe
I'll pick you up at 2 Babe. Happy Anniversary Baby! :* Don't wear shorts or skirts please. I love you po!

Ang sweet niya talaga kahit napakaconservative ng baby ko. Siguro magdress na lang ako para hindi siya magalit sakin.

To: Babe
Happy Anniversary rin Baby! Yup dress lang po. Wag na magreply Babe. I love you too! :*

Humiga na lang muna ako kasi quarter to 12 palang kaya relax na lang muna ako. Hindi naman ako ganun katagal magchoose kung anong dress ang susuotin ko eh.

Nung nag12:30 na tumayo na ako tapos pumasok na ako sa walk in closet ko para pumili na. Naloloka ako ang dami ko palang dress huhu.

*ting!* Aha may naisip na ako kung sino ang makakatulong sakin wahaha.

Calling Juls.....

| Yow! Bakit ka napatawag? |

"Help me bes sa pagpili ng susuotin ko for today ang hirap kasi eh"

| Oo naman sige give me 5 minutes nandyan na ako haha bye bes |

"Yay! Thank you sige lang"

Pagkababa ko ng phone wala pang limang minuto may nagdoorbell na agad. Kapit bahay lang namin sila Juls eh haha.

"Im hereeeee na Bessy" sigaw ni Juls para talaga siyang nakalunok ng megaphone sa lakas ng boses haha.

"Help me na dali susunduin ako ni Daniel mamayang 2 kaya kailangan ko ng maghanda huhu" sabi ko sabay pasok ulit sa walk in closet ko nakasunod lang si Juls sakin. "Bawal pala shorts and skirt Juls hihi" dagdag ko pa

"Alam ko yan si Daniel pa eh kulang na lang magleggings ka na lang everyday eh" sabi niya kaya napatawa kami parehas.

Alam na alam ng barkada namin na sobrang conservative ni Daniel ko eh kaya kapag nagpapatulong ako kila Juls alam na agad nilang either dress or pants lang ang pwede sakin.

Young Parents [ON HIATUS]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz