"Bakit ba hindi mo pa naiintindihan, kinalimutan na nila tayo! Pinabayaan ka na nila! Hindi na sila baba..."

"Alum!!! Hindi mo alam ang sinasabi mo!" Bumaha nanaman ang luha sa mga mata ko.

"Anong iniisip mo, babalik ka ulit sa ISEEB, tapos pag wala na yang powers babalik ka ulit sa magulang mo!"

"Oo!!!" Nalakasan ko ng boses si Alum dahilan para tumalikod siya saakin.

Mahina akong nagsalita ulit pagkaraan ng ilang segundo. "Pero, kung babalik man ako dun hindi na kita isasama."

Nagunahan na sa pagtulo ang mga luha ko. "Ayoko nang mangdamay ng kahit na sino dahil lang sa kung anumang magic tong nagagawa ng kamay ko! Gusto kong maging normal na tao nalang Alum."

Yumuko ako sa tuhod ko. "Gusto ko kayong makasama ulit nina mama at papa nang wala nang pagaalala na makasakit ng iba, at lalong lalo na kayo. Ayaw ko nang masaktan kayo dahil saakin."

Naramdaman kong yumakap si Alum sa paa ko, umiiyak na din siya. "Miss ko na rin sila, Samara."

Kinuha ko siya at niyakap. "Lagi ko lang sinasabi na kalimutan na nating sila, kasi... KASI AYOKO NANG UMASA!!!" Humagulgol siya. "A-ayoko naring nakikita kang umaasa na *hikbi* babalik pa sila!" Patuloy lang siya sa pag iyak sa dibdib ko.

Nanatili kami sa posisyong yun, hanggang sa humupa na ang pagiyak niya.

"Samara..." Mahinang tawag niya sa akin.

"Hm?"

Tumingin siya saakin mula sa dibdib ko. "Salamat kahapon. Salamat sa pagligtas mo saakin."

Niyakap ko siya. "Lahat gagawin ko, para sa'yo Alum."

Ilang minuto pa ang lumipas pero, hindi parin ako sigurado sa desisyon ko, hindi ko parin alam kung ano ang gagawin ko.

"Arf! Arf! Arf!"

Nagkatinginan kami ni Alum sa narinig namin mula sa labas ng pinto.

May aso?

Tumalon si Alum papunta sa balikat ko, bago ako tumayo.

Nakapwesto ang kwarto ko sa kanang bahagi ng salas kaya alam kong sa sala yun nanggagaling.

Inilapit ko yung tainga ko sa may pinto.

"Arf! Arf! Arf!"

May aso nga talaga?

Dahan dahan kong binuksan yung pinto.

"Nemo, stop it!" Pinapagalitan nung Zedrick yung asong kinakagat at hinihila yung brown cloak na suot niya. 

Aso ang familiar niya?

"Bad dog!" Sigaw ni Zed saka niya hinila ng malakas yung cloak niya, nabitawan tuloy ng aso. At yan tuloy napahiga siya sa sahig.

Hindi ko naiwasang matawa sa nangyari.

Tumakbo yung aso papunta sa ulo niya at dinila dilaan siya sa mukha. "Nemo!!!" He grunted habang umiiwas.

He sighed loudly at hinaplos yung ulo ng aso niya.

"Pleeeaase, Zedrick! 'wag ka na munang umalis!" Sabi ng aso na ngayon ay walang tigil sa pagwagwag sa buntot niya.

"Babalik din kami agad, okay?" Sabi ni Zed, na patuloy lang sa pagpet sa aso niya. "This would be the last na iiwan kita ulit."

Ngayon ko lang siya nakitang hindi galit. Mukha naman pala siyang mabait eh.

Wiz'nth UniversityWhere stories live. Discover now