CHAPTER 17

17 2 0
                                        

~~~
SEVENTEENTH CHANT: HARDCORE TRAINING II
~~~

(Samara's POV)

Di manlang nakapag-unat, phew inaantok pa paman din ako.

3 o'clock palang ng umaga, nasa may dalampasigan na agad kami.

Nagtataasan ang mga balahibo ko sa tuwing dadampi sa balat ko ang malamig na hangin mula sa dagat.

Buti nalang nandito yung jacket ko sa inimpake nina mama't papa. Ito yung jacket na lagi kong suot nung pumapasok pa ako sa school.

Simpleng violet na cotton hoodie jacket na may sintas.

Naglalakad kaming tatlo papunta sa training spot namin kahapon.

Nanlaki yung mata ko sa tumambad saamin

Yan nanaman?

Nagkatinginan kami ni Hannah at parehas kaming nanlata nang bumungad saamin ang mga tumpok ng kahoy na nakaayos, pagkarating namin.

Ano ba talaga ang deal ni Sir sa mga panggatong?

"Good morning, my dear apprentices!" Bati ni Sir Weld.

Sabay-sabay kaming nag-bow.

Kanina pa ata kasi siya dito sa labas.

Nagpapaliyab si Sir ng bonfire sa gitna ng field gamit yung tungkod niya, pagkatapos ay lumapit siya saamin.


"Handa na ba kayo para sa trecking natin?" Masayang sabi ni Sir.

Napangiti kaming tatlo.

"Yey! Hindi tayo magbubuhat ng logs." Sabi ni Hannah na pumapalakpak pa.

I sighed, buti naman.

"Sino ang nagsabi sainyo?"

Tumingin kami kay Sir na pareparehas na naguguluhan.

"Ano pang hinihintay niyo? Simulan niyo nang buhatin ang mga panggatong at aakyat pa tayo ng bundok."

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay sabay na suminghal.

"Bilisan niyo, dapat bago lumitaw ang araw ay nasatuktok na tayo."

"Opo Sir." Sang-ayon naming tatlo.

Tinungo namin yung kinalalagyan ng mga bubuhatin namin.

Naalala ko tuloy yung sakit ng katawan ko kahapon.

Hindi ko pa binubuhat yung panggatong na nasa harap ko pero pumupintig na ang mga muscles ko.

Nagsimula nang buhatin nina Hannah at Zedrick yung mga panggatong na nasa harapan nila, katulad kahapon walang kahirap-hirap nila iyong binuhat at nauna nang maglakad.

"S-sir Weld?" Tawag ko, nang mapansin kong wala na yung lubid na nakatali sa panggatong na hihilahin ko.

"Samara?"

"Yung lubid po." Awkward na sabi ko.

Ngumiti si Sir.

"Hindi mo na kakailanganin niyon." May kumpiyansang sabi niya.

Wiz'nth UniversityWhere stories live. Discover now