CHAPTER 5

66 6 0
                                        

~~~
FIFTH CHANT: FINAL MISSION
~~~

(Samara's POV)

Pagkatapos kong kumain, sinabihan ako ni Hannah na meron daw naghihintay saakin. Hindi naman ako pabebe kaya pagkatapos kong kumain sumama ako sakaniya papunta sa kung saan.

Malaki ang bahay nila, parang mansyon. Andaming mga antique na vases at furnitures sa mga paligid, may mga distorted na mukhang painting, well may mga portrait paintings din naman na syempre di ko alam kung sino, tapos meron ding engrandeng crystal chandelier sa sala na dinaanan namin.

Hindi ko alam kung anong oras na pero sabi ng pineal ko hapon na daw.

Nakababa kasi yung mga blinds sa sala nila kaya di ko masilip yung labas.

Nasa harap kami ng isang malaking shelf ngayon ni Hannah at nung mga 'familiars' daw namin.

Dumating yung lalaking pula yung mata na Zedrick yung pangalan.

Tumingin siya saakin ng very light. Tapos inechapwera niya na ako.

Nagtinginan sila ni Hannah. Tumango sila sa isa't isa, pagkatapos sabay silang humarap sa shelf at huminga nga malalim. Nagkaroon ng isang magic circle at nahati yung shelf.

Woah!

Ewan ko pero, nagbukas yata sila ng portal papunta sa national library sa Italy.

Teka akala ko ba may gustong makita ako?

"Gusto akong makita ng mga books dito?" Nagtatakang tanong ko.

"Manahimik ka nalang okay?" Naiinis na sabi nung lalaking galet na galet at mukhang gustong manaket. Nauna siyang maglakad saamin ni Hannah, habang bumubulong bulong na parang bata.

"Pagpasensiyahan mo na yan Samara. May dalaw kasi." Nang-aasar na sabi ni Hannah.

"You know I can here you, right?" Naaasar na sabi ni Zedrick.

"For your information, sinasadya ko po." Sagot sa kaniya ni Hannah saka pilit na ngumiti.

Zedrick grunted at lalo pang lumayo saamin at muntik pang matalisod.

"Deserve." Bulong naman ni Hannah.

"Napakarami naman pong libro dito." Sabi ko kay Hannah.

She giggled. "You think?"

"Hm." Tumango ako.

"Kapag tumatanda, nahihilig talaga ang mga tao sa libro." Natatawang sabi niya.

"Huh?"

One minute or two tumigil si Zed sa paglalakad sa isang hallway na parang may kinakausap.

"Andito na po siya Sir Weld." Narinig kong sabi ni Zedrick.

"Ganun ba?" Sabi naman ng matandang boses sa di kalayuan.

---

Wiz'nth UniversityWhere stories live. Discover now