CHAPTER 13

43 1 2
                                        

~~~
THIRTEENTH CHANT: WARP
~~~

(Samara's POV)

Ramdam kong hinihingal na si Zedrick. Hindi na naman din na masama ang pakiramdam ko kaya ako na ang nagpresintang wag niya na ako buhatin.

Panay ang check niya sa oras.

Siguro mga 20 minutes na kaming tumatakbo, pero wala silang imik kaya hindi nalang rin ako nagsalita.

"Here!" Sabi ni Hannah na buhat na si Fe. "We can stay here."

Nandito kami sa gitna ng kakahuyan.

Malalago ang mga puno at may batis sa harapan namin.

Uminom si Nemo sa batis at ganun din ang ginawa ni Zedrick.

Sinalok ko ng dalawang kamay ko ang dumadaloy na tubig at saka humigop.

Oh! Lasang manamis namis!

Ala le minerale?

Nakakarefresh yung lasa ng tubig kaya sumalok ulit ako.

Saktong sakto, para mabawasan ang pagod namin.

Inabot ko rin kay Alum yung kamay ko, para makainom din siya.

Teka, bakit may tinapay nang hawak to?

"San mo nakuha yan?"

"Sa bulsa mo." Turo niya sa bulsa ko pagkatapos humigop ng tubig. "Nagbaon ako, baka kasi magutom ako." Sabi pa niya sabay kagat ulit.

Napa-iling nalang ako, nang tingnan ko yung bulsa kong puro mugmog ng tinapay.

Di manlang nagbaon para saakin.

Napahinga ng malalim si Zedrick, saka naupo, pagkatapos niyang uminom ng tubig. Isinandal niya ang sarili gamit ang dalawa niya kamay.

Umupo din si Hannah at inayos ang pagkakatali ng buhok niya.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko.

Siguro naman pwede na nila akong sagutin ngayon.

"Oo nga, tsaka sinong nanalo? Bakit andaming uchosero't uchosera kanina." Tanong naman ni Alum na pinagtaka ko.

Uchosero't uchosera?

"Hindi natapos ang bairen namin ni tito." Malungkot na sabi ni Zedrick at hinimas ang ulo ni Nemo. "Damn Zulus!" Inis na sambit niya.

"Zulus?" Tanong ko.

"Mga bubwit ni Warrod, once again we're attacked." Seryosong sabi ni Hannah.

"Hannah, respect." Sabi naman ni Zedrick at sumandal ulit sa mga kamay niya.

"Sir Weld is not around." Sabi niya saka umirap. "At hindi rin naman siya karespe-respeto, anyway."

"He is still a Master Sorceror. And Sir Weld's brother."

May kapatid si Sir?

Sana all 'di only child.

"Zed, pwede ba?" Naiinis na sabi ni Hannah at tiningnan ng masama si Zedrick.

Huminga ng malalim si Zedrick at umiling.

She also sighed. Niyakap niya yung tuhod niya at tumingin sa dumadaloy na tubig sa harap namin.

"Bakit kinailangan nating umalis? Galing ba sa kanila yung tumama sa tiyan ko kanina?" Tanong ko, habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Itinago ni Hannah yung mukha niya sa mga tuhod niya. "No. It's from me."

Wiz'nth UniversityOù les histoires vivent. Découvrez maintenant