~~~
FOURTEENTH CHANT: CITY OF CALLIOPE
~~~
(Samara's POV)
Nasa gitna ng malaking magic circle na iyon na warp daw ang tawag, saka kami naghawak-hawak ng kamay. Mahigpit na hinawakan ni Hannah yung kamay ko, kaya napatingin ako sakaniya.
Ngumiti siya saakin saka huminga ng malalim. Tumingin na siya sa harap niya, pero hindi nawala ang ngiti niya. She looks so excited.
"Vhai Chatto!" Sir Weld chanted, saka naman sunod sunod na umilaw ang mga maliliit na simbolo na nakapalibot si marmol na kinatatayuan namin.
"Samara..." Kinakabahang bulong saakin ni Alum na nasa loob ng maluwag na cloak na suot ko, tsaka humigpit ang kapit sa leeg ko.
Nang umilaw na ang lahat nang simbolo na nakaukit doon. Nagsilitawan ang walong orbs na nasa magkakabilang dulo ng magic circle na kinatatayuan namin. They are shining in different colors; orange, purple, green, yellow, brown, indigo, cyan, sky blue.
Halos nakapikit na yung mga mata ko sa sobrang liwanag na gawa ng mga brilyanteng yun. Maya-maya pa nagpaikot-ikot ang mga yun habang parang lumalapit na saamin.
"AARIVUS ECHTO!!!" Matatag at may kalakasang sambit ni Sir Weld.
"Goodluck, Sam." Zed whispered na hawak hawak ang kamay ko saka ngumiti ng nakakaloko.
It continues sa pagikot nang pabilis nang pabilis as it also orbits palapit saamin.
Palapit nang palapit...
Hanggang sa napapikit na ako sa sobrang liwanang at...
Nagtawag na ako ng uwak.
Hawak hawak ni Zedrick yung plastik na sunusukahan ko, na hindi ko alam kung saan nila nakuha. Si Hannah naman ay tinatapik ang likod ko.
Ngayon lang ako naka experience ng ganitong motion sickness.
Pati ata balunbalunan ko naisuka ko na.
Manok yarn?
"Oh ano na Beshy? Kanina lang gustong gusto mo ng teleport ah. Pa-teleport teleport thingies ka pang nalalaman jan. Nateleport tuloy yung sikmura mo."
Hindi ko siya pinansin nagpatuloy lang ako sa pag-suka.
"Ano kaya pa ba?" Asar nanaman ng letseng Zed na to na naghahawak ng plastic bag. "Pwede ko nang ibentang lugaw to ah."
Magantihan nga.
"Umayos ka ah!" Nawala tuloy bigla yung hilo ko dahil sa mga taong katabi ko. "O gusto mong ipakain ko sayo tong suka ko." Sabi ko sa kaniya saka amba sakaniya ng plastic bag.
Epal na to Hmp.
Sir Weld tapped my back. "Okay ka na ba, Samara?"
Tumango ako.
He sighed. "I don't think you are, kaylangan na natin magpahinga at magmamadaling araw na. Sige na alalayan niyo muna si Samara. This is her first time kaya sobrang nahilo siya."
Inayos ko yung sarili ko sabay tumayo habang inalalayan naman ako nung dalawa.
We are teleported to a dark subway somewhere. Madilim pero sapat na naman yung dim redstone torches sa mga pader.
Wait... Torch...
Itinali ni Zed yung supot ng suka ko saka ishinoot nang parang basketball sa basurahan sa tabi ni beshy.
"Oh my Stars, Zed! Kadiri ka. Pano kung hindi na shoot yun?" Nandidiring sabi ni Hannah, saka niya ako binigyan ng tubig.
"Wala kabang tiwala saakin, magaling ako magshoot no." Sagot niya nang may pataas-taas pa ng kilay, kaya naman sinipa siya ni beshy.
ESTÁS LEYENDO
Wiz'nth University
FantasíaMaganda to pramis! Basahin mo na for clear skin! ~~~ Wiz'nth University is a prominent school and institution in Echt, the world of magic. Found in the heart of a country known for it's conventional magical artistry, The Great Kingdom of Czechteoun...
