I mean...

I went to ISEEB to get healed.

I went there, para mawala na tung magic powers na to o kung anuman.

I went there so I could go home.

Tapos ngayon, gagamitin ko itong magic powers na to at magaaral pa kung paano yun gamitin.

The only thing that I want was to be with my parents again, para mabuo na ulit kami.

Hinila ni Alum yung manggas ko, para makuha ang atensiyon ko. I can see in his face na nagaalala rin siya sa magiging sagot ko.

"Mukhang kakailanganin mo pa ng oras para makapag-isip."

Nakayuko lang ako.

"You can stay here, whatever your decision is."

Nagulat ako sa sinabi ng matandang singer.

"You are safe here, at walang humahabol na nakaputing mga laser guards, na kamukha ng dalawa kong apprentice." Natatawa niya sabi.

Nakwento ko kasi na napagkamalan kong mga ISEEB police sina Hannah.

Nakakahiya tuloy.

"But..." Sir Weld said in serious tone. "I need to tell you we're not staying here for long."

Sabi niya saka tumayo at naglakad paalis.

Hannah looked disappointed and even Zedrick.

/ - / - / - / - /

"Bakit hindi mo inaccept yung offer niya?" Tanong ni Alum habang nagtatatalon sa malambot na kama.

Nasa kwarto na ulit kami ngayon. Hindi ko gustong magstay sa lugar na to pero mukhang wala naman din akong choice. Mas gugustuhin ko bang makipaghabulan ulit sa ISEEB for the sake of thrill ng storyang to.

"Hindi ko 'PA' inaaccept." Pagtatama ko kay Alum.

"Eh ganun din naman yun eh, mas matagal lang, kakain ka lang ng oras tapos di ka din papayag after. Kaya bakit nga..."

Tama si Alum. The chance of joining them for me is just 0.1 percent, pero nahihiya rin kasi akong tumanggi.

"Syempre naman. Hindi pa natin sila kilala noh. Mamaya sindikato pala sila ng mga puting van na nagiikot, tapos laman loob ko lang pala talaga ang habol nila." Sabi ko sa kaniya saka niyakap yung paa ko.

Natigilan siya sa pagtatalon-talon. "Grabe ka naman mag-isip Samara! Pagkatapos ka nilang pakainin."

"Lamon lang kasi laman niyang utak mo! Siguro kung may magpakilala sayong may maraming pagkain, wala na. Finish ka na."

"Meh." Sabi tsaka tumalon-talon ulit. "Kung sindikato man sila, pano nila ako nakakausap aber?"

"Eh... ah... edi talented sila."

Tumigil siya ulit sa pagtalon at humiga na. Pagod na ata.

"Samara... iniisip mo parin ba yung magulang mo."

"Magulang natin! Alum."

He sighed. "Sila naman talaga ang dahilan diba?"

Natahimik ako. Alam kong pag-aawayan nanaman namin to.

Wiz'nth UniversityWhere stories live. Discover now