Chapter 13:Comfort

60 6 0
                                    

SUNNY POV

Sino kaya yung lalaking yun? Goshhh ang gwapo! Tsk! Dapat pala nagtagal ako dun para malaman ko kung anong pangalan nya. Kung hindi ako pinangunahan ng kaba edi sana nakilala ko na yung lalaking yun na katabi pa ni hachiro.

"Hey loser!" tawag ng isang babae pero hindi ko na yun pinansin at nagdirediretso sa paglalakad. "Hey!" sigaw muli nito. "Hey,kinakausap kita! Bastos!" sigaw muli nito. Hindi ko sya magawang pansinin dahil hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag nya. "Hey! Stop walking!" sigaw muli nito.

'Para syang tanga sigaw siya ng sigaw, sino pa yung bwisit na tinatawag nya at ayaw syang lingonin. Naririndi na tuloy ako sa boses ng babaeng yun.'

Natigil ako sa paglalakad ng bigla ako harangin ng tatlong babae. Lahat sila ay naka L ang braso at mataray na nakatingin sakin.

"Wag ka ngang bastos!" sigaw ng babaeng nasa gitna. Tinuro ko ang sarili ko at tumingin sa kaliwa't kanan at sa likod para kumpirmahing ako nga ang kinakausapa nya.

"Ako?" inusenteng tanong ko.

"Malamang sinong bang loser dito eh ikaw lang naman" sabi nito sabay tumawa silang tatlong mangkukulam.

"Ahh akala ko kase apat tayo." tsaka tinapik ang balikat nito at umalis na. Narinig ko ang malakas na sigaw nito at mabilis na pagsunod sakin.

"How dare you!" sigaw nito sa harap ko.

"Goods!" sigaw ko sa kanya at napataas naman ang isang kilay nito.

"Arrgghhh Hindi mo ba ako kilala?" mataray nitong sabi.

"Kung kilala kita edi sana binati kita. Binati ba kita? Hindi. So shshsh na" sarkastiko kong sambit at nakita ko ang pakakuyom ng palad nito na halatang inis na inis na.

"Well, I will introduce my self to you. Para malaman mo kung saan ka lulugar." Mayabang na sambit nito.

"Saan ako lulugar? Bakit agawan base ba to?" pilosopong sabi ko at narinig ko ang mahinang bungisngisan at dun ko lang napagtanto na maraming istudyante na ang nasa labas.

"Tch! My name is Charlie Fernandez and I'm the Queen here."

'Fernandez? I heard that before...Interesting hmm'

"Owss nice!" tsaka tinapik ulit ang balikat nya at aastang aalis ng pigilan nya ako.

"Bastos ka talaga! Yun lang ang sasabihin mo? Hindi ka man lang magbigay galang." sigaw nito habang mahigpit na hawak ang braso ko.

"Sino ka ba?—Anong gusto mong gawin ko? Kumaldag?"  iretable kong sabi. Narinig ko ang malaks na tawanan ng mga istudyante at nangibabaw dun ang tawa ng mga lalake. "Bigay galang ka dyan—Tse! Ano ka dyos? Baliw ampota" Tinanggal ko sa pagkakahawak nya ang braso ko ng bigla nya akong sasampalin ng mabilis ko hawakan ang pulsuhan nya. "Too slow. Ano ba sininghot mo? Vicks? Efficacent oil? O baka naman nasobrahan ka sa lola remedios?" mayabang na sabi ko at aambahan nya ulit akong sasampalin ng isang kamay ng hawakan ko ulit to. Naka cross ang kamay naming dalawa. "Hindi ko alam kung anong hinithit nyong magkakaibigan pero please lang itigil nyo na. May malapit na rehab dito, kahit ako na magapply para sa inyo okay lang—Lakas ng amats eh." malakas kong binitawan ang kamay nya at tinalikuran sya pero isang malaks na sabunot ang ginawa nito kaya mabilis akong napapunta sa gawi nito at hinarap nya ako sa kanya at malakas na sinampal.

The Arrange Marriage  [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon