Chapter 10: Preparation 2.0

56 4 0
                                    

SUNNY POV

Naiinis ako! Napaka arte nya. Idadamay nya pa ako sa problema nya, sya naman ang may gawa. Ewan ko na lang! Ayoko mang sabihin pero unti unti na akong nasa acceptance stage, wala naman akong magagawa di ba?!

Kaso kase! Sa lahat ng tao, bakit yung galisin na yun pa ang mapapangasawa ko?!

"Oh? Tapos na?" tumango ako, "Halikana at sukatin mo tong wedding gown. Mukang bagay na bagay sayo tong backless"

What the?! Backless?

"P-po?"

"Why? You have a voluptuous body, tiyak na bagay na bagay sayo tong dress" nakangiting sambit ng mama nya. Eh sa ayoko nga!

"P-pero bawal hong magsukat ng wedding gown bago ikasal, baka hindi daw ho matuloy. Wag nalang po alam ko naman po size ko" Pagdadahilan ko naman, Kahit anong mangyare hindi ako magsusukat ngayon. Ayoko!

Bakit? Ewan ko, ibang tao ang kasama ko ngayon kaya hindi ako kumportable pagdating sa ganyan.

Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nya, napabuntong hininga sya at tumingin sakin. "Kita mo nga naman, napaka lapit nyo na sa isa't isa."

"Ho?"

"Tignan mo. Gusto mo na talagang ituloy ang kasal" natigilan naman ako dahil sa sinabi nya. Uhmm Baliw ho ba kayo?!

Patago akong napairap at pumayag na lang sa gusto nila. Na saan ba kase ang magaling kong ina?! Bakit hindi sya ang kasama ko dito?! "Ano pa ho bang susukatin?" Napailing na lang sya at binigay sakin ang damit.

Kinuha ko na ang backless dress na may manipis na tali para nakasabit sa balikat. Fit sya sakin kaya halatang halata ang hubog ng katawan ko pero may parte na halata na ang mga munting bilbil ko.

Ilang minuto lang naman ang tinagal ko sa loob ng dressing room ng sukatin ko ang dress na to. Lumabas na ako ng dressing room at pumunta sa malaking salamin kung saan nandun sila tita pati ate ni hachiro. Ang design nya ay backless na may tali para sa balikat at fit na medyo mahaba pero hindi ka mapapatid, maganda sya pero hindi ako komportable dahil wala akong bra tanging foam lang ng damit ang suporta sa dibdib ko.

"Wow! Ang ganda! Bagay!" sabi ng ate nya at nakuha pang pumalakpak. "Sabi ko sayo ma eh bagay eh pero parang mas maganda din yung kanina" sabay tingin ulit sakin kaya nginitian ko nalang ito.

"Mom? Ready na ba—" biglang pumasok si hachiro sa kwarto kung nasaan kami kaya napatingin ako sa gawi nya at nakita ko itong natigilan.

"Ang ganda niya, di ba hachiro?" tanong ni tita kay hachiro at matagal ito bago sumagot kaya napaiwas nalng ako ng tingin sa kanya dahil sa sobrang hiya.

HACHIRO POV

       IBANG sunny ang nakikita ko ngayon sa harap ko at hindi ko itatangging maganda sya kahit na tumataba na sya dahil maganda parin ang korte ng katawan nya.

"Hachiro! Mukhang naistatwa ka na dyan." tanong ni ate hara na bahagya pang natawa dahil napansin nya ang reaksyon ko.

"Tsk! Epal mo." napaiwas nalang ako ng tingin

"Ang ganda nya no? Am i right hachiro? What do you think?" tanong ni mom at umiling ako at umupo sa tabi nya. "Bakit ka umiling? So meant she's not pretty?!"

"Mukha syang longganisa" Napakunot naman ang noo nilang tatlo, lalo na tong biik na nasa harap ko.

"Hachiro!" Saway naman ni ate.

The Arrange Marriage  [EDITING]Where stories live. Discover now