Chapter 1:Accidentally Saw you

204 10 0
                                    

SUNNY POV





      "Ayos kalang ba?"tanong ni max, andito  ako sa apartment nila ni sachi, gusto ko muna ng piece of mind kaya tumakas ako sa bahay.

"Dito muna ako. Ayokong umuwi sa bahay, baka mag away lang ulit kami ni dad "ani ko habang kumakain, gutom na gutom na ako kanina pa ako hindi kumakain. "Nababanas ako, bwisit"

"Bakit ano ba nangyare? Nagbulakbol ka na naman siguro no?" sabi ni sachi na kinakunot ng noo ko. "Ano ba yan! Hindi ka ba kumakain sa bahay nyo? Hinay hinay naman be baka mabilaukan ka."

Bago ako magsalita pinunasan ko muna yung bibig ko atsaka uminom ng tubig. "Nyeta ipapakasal ba naman ako sa hindi ko kilala! Tangna" iretable kong turan, tuwing naiisip ko yung sinabi ni dad para umaangat yung dugo ko pataas utak eh. "Nakakabaliw sa totoo lang. Ako pa talaga ang pangbabayad nila para sa kompanya nila. Nyeta!"

"Ano?!" Sabay nilang turan, nakita ko sa mukha ni sachi ang pagkainis nya.

"Oh my gosh! What the fuck?! Hindi tama yun ah!"  sabay hampas sa lamesa, "A-aray" mahina nitong ani.

Natawa nalang kaming dalawa ni max, "Napaka OA kase tsk— Anyways don't tell me pumayag ka?!" tanong ni max, umiling nalang bilang sagot sa tanong nya.

"Buti naman, akala ko na eh bibigay ka" sabi ni sachi habang hinihilot nya yung kamay nya. "Nakita mo na yung guy?" Biglang tanong nya ulit, tumango si max.

"Hindi pa syempre, kanina ko nga lang nalaman diba?!" Napairap nalang ako, mas lalo akong naiinis.

Dahil siguro to sa stress ko kanina kaya ako kain nang kain, nagkakastress eating habit na naman ako. Kaya ang ending lumolobo na naman ang katawan ko.

"Na saan na yung mga chichirya nyo? May chocolate pa kayo?" habang naghahalungkat sa mga cabinet sa kusina.

"You're too much stress kaya sa pagkain mo nalang dinadaan huh?! HAHAHA sorry wala na kaming snacks." Aniya ni sachi habang nagcecellphone. "Hindi na ata bulati ang nandyan sa tyan mo, Dragon na. HAHAHAH" Sabay silang nagtawanan ni max, sinamaan ko sila ng tingin at padabog na umupo sa single sofa. kasalanan ko bang hindi ako kumakain sa bahay?

" Haysss, kawawa ang bata. Sige na nga sachi, samahan mo na sa 7/11 yan. Baka umiyak pa yan mamaya."sabi ni max habang gumagawa ng reports ng kompanya nila sa spain.

Tumango nalang si sachi ako naman ay sobrang saya dahil nasunod na naman ang gusto ko. Hindi naman sila makakahindi sakin kase cute ako.

Malapit lang naman yung convenience store sa apartment nila kay mabilis kaming nakarating dun. Nagbilin pala si max na bilhan namin sya ng potato chips.

"May bibilhin lang ako dito ha" sabi ni sachi habang nakaturo sa mga chichirya, tumango nalang ako at dumiretso sa bilihan ng Gulp. Pagkatapos ko bumili ng gulp bumili narin ako ng maraming Cloud 9, buti nalang at may nakita ako dito. My favorite.

Pumunta na ako sa harap at naabutan ko dun si sachi. "Tapos ka na?" Tanong ni sachi na kanina pa pala naghihintay sa counter.

"Oo" maikli kong sagot tsaka nilagay ko na yung binili kong chocolate habang iniinom ko yung gulp. Hindi naman mahaba yung pila kaya mabilis lang kami.

Habang naglalakad na kami sa tapat ng 7/11 biglang may lalaking walang modo na bumangga sakin. Sino yung putang inang yun?!

Agad ko yung nilingon at nakita ko silang naglalakad papunta sa pinto ng 7 eleven. "HOY LALAKE! HINDI KA BA MARUNONG TUMINGIN SA DINADAANAN MO?" Akala ko ay lilingon sya sakin oero nagdirediretso lang sya.

The Arrange Marriage  [EDITING]Where stories live. Discover now