Chapter 3: knock out

102 7 2
                                    

SUNNY POV

      Kahit anong gawin ko hindi talaga ako makalabas sa bwisit na bahay na to, may dalawang bodyguard sa labas ng kwarto Isa sa malapit sa hagdan at Hindi ko alam kung saan pa Ang iba nakapwesto.

Katok mula sa pinto ang nagpagising sakin at ang nakakainis palakas Ito ng palakas. Padabog akong bumangon at lumapit sa pinto para buksan ito.

"Kailangan mo pa talagang gisingin para bumangon ka ha! Anong oras na baka mahuli ka pa sa klase! Ang ayoko sa lahat yung mabagal kumilos!"sigaw ni dad sakin habang ako nagiinat ng onti.

Sandali akong tumingin sa orasan ko. Motherfucker!

"WHAT THE FUCK?! IT'S 3:00 AM! Anong trip to dad?" Mas lalo akong naiirita sa kanya. Napairap nalang ako, "Kung gusto nyong manira ng araw pwede bang iba nalang? Bwisit!" binalibag ko ang pagsarado ng pinto at nilock yun. Hindi pa ako nakontento at kinalsuhan ito ng upuan, wala na akong tiwala sa kanya lalo na sa mga tauhan nya. Babae parin ako, mahirap na.

Kinuha ko na ang backpack ko at nilagay ang nahahanalag gamit ko, ganun din ang gamit ko sa school. Kapag nakalabas ako dito, hindi na ako babalik.

NAGISING nalang ako dahil sa boses ni manang galing sa labas ng kwarto ko. "Sane!" tawag sakin ni manang habang kumakatok, tinignan ko ang cellphone ko at saktong alas singko na ng umaga. Pumunta na ako sa pinto at binuksan ang pinto, bumungad sakin si manang na may hawak ng basket, tuwing umaga kase kinukuha nya ang mga labahin ko.

Onti lang naman ang marurumi kong damit, nagsamula narin si manang maglinis ng konti at mamulot ng mga kakaonting kalat habang ako ito naghahanap ng masusuot.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Nagaalalang tanong ni manang sakin habang pinalapat nya ang likod ng palad nya sa noo at leeg ko. "Anog gusto mong agahan? Ipagluluto kita." Buti nalang at nandito si manang, mas nagmumuka pa na sya ang nanay ko kesa kay mom.

"Salamat na lang po manang, pero hindi na po. Ayokong kumain sa baba." Nginitian ako ni manang at dinampian ako ng halik sa pisnge.

"Edi ipagbabaon nalang kita."

"Salamat po" Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Binilhan rin kita ng paborito mo, isang box yan." Nilabas nya sa bulsa nya ang isang box ng Cloud 9. Mahigpit ko syang niyakap. "Umiyak ka na naman kase kaya naisipan kong bilhan ka."

"I love you, manang"

Mabilis nya lang nilinisan ang kwarto ko kaya naligo na ako at inayos agad ang sarili. Mabuting maaga ako umalis para kahit sa labas nalang ako kumain, ayoko silang kasabay kumain. Para bang pati pagkain ko sa hapag nila ay labag pa sa loob ni dad.

Kung minsan nga ay napapaisip ako kung anak ba nila ako sa labas o kaya naman ay ampon ako. Hindi ko kase alam kung saan nanggagaling yung galit nya sakin.

Dinala ko na ang mga gamit ko at lumabas na ako ng kwarto, isang backpack lang ang dala ko para hindi halatang maglalayas na naman ako.

Dirediretso akong naglakad patungo sa pinto ng marinig ko ang boses ni dad. "Sunny!" madiin akong napapikit, hindi ko sya nilingon.

"What!?" kailangan kong pakalmahin ang sarili ko pqra naman hindi lalong masira ang araw ko.

"Kasama mong papasok ang bodyguard mo " Sabi nito habang kumakain, walang katulad!

Ano pa nga bang magagawa ko? Kahit naman na tanggihan ko ang gusto nya, magpupumilit parin sya.

Binalibag ko ang pagsarado ng pinto at pumunta na sa garahe, narinig ko pa syag sumigaw sa loob pero wala na akong pake, sinira nya ang araw ko? Sisirain ko rin ang kanya.

The Arrange Marriage  [EDITING]Where stories live. Discover now