Chapter 5:fucking announcement

104 5 0
                                    

Sunny POV




       DUMIRETSO nalang ako sa susunod kong klase tutal eh tapos na ang 20 minutes break. Buti nga at hindi na ako ginambala at sinundan ng mayabang na bunot na yun, mukha syang tukong may bangs sa haircut nya.

Classroom

Kakaunti palang ang estudyante sa loob ng classroom kaya naupo na ako sa upuan ko tsaka Sinalpak ko na sa tenga ko ang headset.

Now Playing:🎵Fly high 🎵
By Haikuu Season 2 OP2

Kaunti na lang at matatapos ko na ang season 1, who you na sakin si kuya. Lagi nya kasing sinasabi na sa sobrang tamad ko RAW hindi daw ako makatapos tapos ng 5 episodes.

Nang matapos ang kanta ay sumunod naman ang kanta ng bandang BØRN.

Now Playing: Electric Love By BØRN

Napasabay nalang ang ulo ko dahil sa ganda ng kanta, i really love this song para bang nagpepiesta ang mga kung ano man sa tyan ko na hindi ko maintindihan.

At kapag nasa chorus na eh para akong batang first time makarinig ng ganoong kagandang kanta dahil wala sa sariling napapangiti talaga ako.

🎵 All I need is to be struck
By your electric love
Baby, your electric love
Electric love

Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sila sachi kung hindi lang nila ako nila tinapik kaya inistop ko ang tugtog tsaka walang ganang humarap sakanila. Dun ko lang din naramdaman ang gutom, huhuhuh bwisit kase.

"Bakit ka umalis? Kanina pa kami hanap ng hanap sayo andito kana pala" parang batang sumbat sakin ni sachi kaya bigiyan ko nalang sila ng piece sign. "Lagi ka na lang umaalis ng hindi nagpapaalam."

"Sorry"

"Ok lang, ito yung pinabili mo." sabay bigay nya sakin nung pinabili ko." Sa susunod naman te magpaalam ka, hindi kami si Madam Auring para mahulaan kung na saan ka"

"Sorry talaga, may emergency lang."tipid na sagot ko tsaka mabilis na kinain ang pagkain ko dahil 5 minutes nalang at magsisimula na ang klase.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

DISMISS

Salamat at makakauwu narin ako dahil sa maraming nangyare sa araw na to hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Parking lot

"Sumabay na kayo sakin" sabi ko kila max at sachi dahil sinundo ako ng bodyguard ko.

"Wag na malapit lang naman ang sakayan, sige na sa susunod nalang. Ingat ka" sabi ni max

"Oo nga sa susunod nalang, byeeeee" sabi ni sachi

"Final na ba yan?" tumango naman sila kaya ayun wala akong magagawa. "O sige kita nalang tayo bukas,tawagan nyo ko pagnakauwi na kayo ha? O kaya itext? Byeee" sabi ko sa kanila, nginitian naman nila ako bago kumaway at kumaway rin ako bago sila tumalikod at naglakad papalayo hanggang hindi ko na dila makita.

"Ok na po ba maam?"sabi ng bodyguard ko.

"Ahh opo, salamat po sa paghintay"

The Arrange Marriage  [EDITING]Where stories live. Discover now