Chapter 16:Wedding Day

78 2 0
                                    

SUNNY POV

    "SUNNY ANAK! GISING NA THIS IS YOU'RE DAY. C'mon wake up" naramdam ko ang pagalog ng balikat ko kasabay ang pagsigaw ni mom.

Wala akong nagawa kundi bumangon na,nahihilo parin ako dahil sa dami ng ininom ko kagabi. Tinulak na ako ni mom papuntang banyo para makaligo na daw ako dahil maaga daw akong aayusan. Kaya mabilis akong naligo.

Matapos ang isang oras lumabas ako ng kwarto ng nakarobe lang dahil yun ang sabi ni mom pero nakatube at short parin ako sa loob.

"Sunny! Come here breakfast is ready. C'mon hurry" hindi na makapaghintay si mom at hinila na ako pababa ng hagdan at dinala nya ako sa hapagkainan kung saan nakita ko si kuya,si dad,si manang at sila cheska at maki.

"Hi sissy. Sorry nakikain na kami" sabi ni maki habang kumakain, tumango nalang ako bilang sabi na ayos lang.

Nagsimula na kaming magsikain at napatingin ako sa relo ko at 6:45 am palang ng umaga.

Lahat sila ay nagmamadali kaya mabilis nila akong pinatapos at naglakad ako ng kaunti para matunaw ang kinain ko. Sa kwarto ko nila ako aayusan nila cheska kaya sinamahan ko sila paakyat sa kwarto ko.

"Iba ka talaga bakla! Ang yaman nyo talaga tignan mo may veranda kayo oh. Kaya malabong iisipin na namuhay sa maliit na bahay" sabi ni maki habang nililibot ang mga mata nya sa bawat sulok ng bahay.

"Ay cassy iba! Grabe parang mas malaki pa ang kwarto mo sa bahay ko ah, oh tignan mo may viranda karin." sabi naman ni cheska ng makapasok sila sa kwarto ko.

"Hoy gaga tama nayan! Ang trabaho natin ngayon ayusan si sunny hindi maglibot sa mansyones nila" saway ni maki kay cheska kaya natawa naman ako.

Kinuha ko ang upuan ko at humarap sa malaking salamin sa dingding at sinimulan na nila akong ayusan.

Una ay pinatuyo muna ni maki ang buhok ko dahil hair designer sya, sya na ang bahala sa buhok ko. Inipitan nya muna ito gamit ang malaking clip dahil uunahin ang makeup kase sa buhok. Kaya si cheska naman ang lumapit sakin at sinumulan ng lagyan ng kolorete ang mukha ko.

Paminsan minsan ay nagkwekwentuhan pa kami tungkol sa mga nangyare samin dati yung mga katarantaduhan na hinding hindi namin malilimutan.

"Oh yan pak na pak! Ang ganda mo na sis!" masayang sabi ni maki at umalis naman si cheska sa harap ko para masilayan ang sarili sa salamin, maganda pero simple lang ito at masasabi kong bagay nga sakin.

"Mother earth! Pwede na po kayong pumasok!" sabi ni cheska at binuksan na nya ang pinto, kita ko sa salamin ang pagpasok ni mom sa kwarto at nakikita ko itong umiiyak.

"Ang ganda talaga ng anak ko,  ikakasal kana." sabi ni mom habang humahagul-gol sa harap ko. "Sorry talaga sunny dahil sa amin maaga kang nakapag asawa, Masyado ka pang bata para maging isang may bahay"

"Ok lang po mom, tanggap ko na." Kasabay nito ang pagpahid ko ng luha sa mga mata ni mom. "Ano pa bang magagawa ko, e nandito na ko"

"Pano? kita nalang tayo mamaya. Sasalubungin ko pa yung mga darating nating kamaganak." sabay dinampian ako ng halik sa noo at lumabas na sya ng kwarto at lumapit naman sakin si cheska at maki na naluluha.

"Grabe magpaiyak si mother earth bakla pati ako naluluha." natatawang sambit ni maki habang nagpupunas ng mata.

"Ches! May request ako." sambit ko at tumango naman ito.

The Arrange Marriage  [EDITING]Where stories live. Discover now