#3- ARGUE

2 1 0
                                    

Argue

¦~※~※~※~¦

I am walking and walking and walking inside my room. Hindi ako mapakali, knowing na Osphi's here in the same world where am I.

Hindi ko pa rin lubos na maisip kung bakit tinaguan kami ni Osphi. I felt pain because of that, para kasing ayaw niyang ipaalam sa amin na buhay siya. Ayaw niyang ipaalam sa amin, sa amin na mahalaga sa buhay niya.

I need to talk to someone. I can't think alone, my head hurts already. I can't.

Kinuha ko ang phone ko and dialed Iyah's number. Pangalawang ring pa lang ay sinagot na niya.

"Let's meet up."



Nandito ako sa condo ni Iyah, mag-isa na lang siya sa buhay. Her parents died and her Kuya's angry in her, magkaaway sila kaya wala siyang nakakasama sa buhay. Except for us. I can't leave her like that, I will never leave her.

"Hey, what's up!" Nagulat ako ng makita si Sean.

"Ouch. Ayaw mong nandito ako?" Tanong nito ng makita ang reaksiyon ko. Iyah giggled at umiling ako.

"I called him, hindi pwedeng hindi tayo kumpleto." Napansin ko ang kaunting pagbabago sa reaksiyon ni Sean, he's the bestfriend after all.

"So, why did you call me again?" Pagbabasag muli ni Iyah sa katahimikan.

"I need to share this to you." Napalunok ako at bumuntong-hininga.

"Hey, are you fine?" Tinignan ko silang dalawa.

"Phidett, he is alive." Nabitawan ni Iyah ang basong hawak niya dahilan ng pagkatapon ng laman nito, hindi ito nabasag dahil sa malambot na sofa ito nahulog.

"W-what?" Gulat na gulat pa rin ang reaksiyon nila, lalo na si Iyah na naestatwa.

Nilabas ko ang phone ko at pinakita sakanila ang picture ni Owen, patago ko siyang pinicturan kanina upang maipakita talaga kay Iyah.

Nakita kong napalunok si Iyah at bumagsak ang mga balikat. Si Sean naman ay lalong hindi makapaniwala.

"What.. ? W-why the? How.. he? When did..? Where?" Hindi kumple-kumpleto at naguguluhang tanong ni Sean.

"I don't know also." Napahawak ako sa buhok sa frustration.

"Malay mo, kamukha lang." Biglang singit ni Iyah na gulat pa rin tulad ni Sean.

"Naisip ko na rin 'yan, but no. He has everything— he is the same— him and Osphi are one, I'm sure of that."

"How are you so sure?" Nagulat ako sa pag-iiba ng tono ng boses ni Iyah, tila galit ito.

"Are you crazy?! Are you hallucinating?! Just forget him!! His dead!! Forget the past, Naih!! Move the freakin' on!!!" Nagulat kaming pareho ng masampal ko siya ngunit pinanatili ko ang walang emosiyon kong mukha.

Napatayo si Sean at akmang pipigilan kami ng ipinosisyon ko ang kaliwang kamay ko na tila pinipigilan siyang magsalita o gumalaw.

"He is alive. I saw him with my own eyes, even Mama saw him. Hindi ko inaasahang maririnig ko ang mga salitang iyan sa bibig mo, sa bibig mo, Iyah! Don't believe me, fine!! Pero sinasabi ko sainyo, buhay si Osphi!! Buhay siya at hindi namatay!!" Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"Shianna, Sean, buhay si Osphi. Maniwala kayo o sa hindi. Ako ang lubos na nakakakilala sakaniyas sa ating tatlo kaya alam na alam ko ang ugali niya at kaparehong-kapareho niya ang lalaking iyon!" Itinuro ko ang pinto na tila nandoon ang tinutukoy ko.

I saw pain in Shianna's eyes pero nawala rin ito kaagad.

"I thought this reunion will be great, I thought maniniwala kayo sa'kin but my thoughts are wrong after all. Let's see each other again next time." Saka ako kusang umalis.

Napatulala ako sa labas ng kotse matapos kong maupo sa driver's.

How can Iyah say those words to me? She can't say it before, she can't even say a one hurtful word towards me before. But what happened?

Napasandal ako sa steering wheel at bumuntong-hininga ng malalim.

Maya-maya ay inuntog ko ng inuntog ang ulo ko dito ngunit hindi naman kalakasan.

What happened to you, Iyah?














After that argue between me and Iyah, weeks has passed again. Wala akong ginawa kundi ang mag-isip ng mag-isip. Hindi na rin ako muna dumalaw sa park just like before, for some reason na ayaw ko munang makita si Owen.. or si Osphi.

Ayaw ko munang mas maguluhan pa. Sobrang sakit na ng ulo ko sa daming naiisip, sa daming tanong, sa halo-halo at sari-saring ideas.

Nakahilata ako sa kama ko. Latang-lata na, pagod na pagod na, tamad na tamad na.

"'Nak, Owen's here." Katok ni Mama na mas ikinastress ko lang ata.

"I'm busy po, Mama." Pagsisinungaling ko kahit na nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga.

"What? He's finding you, 'nak. Ano ba ang ginagawa mo?" Napabuntong-hininga ako.

"I... sick po." Katuwiran ko na totoo naman talaga.

"'Nak, may nangyari ba?" Hindi makapasok si Mama dahil nakalock ang pinto ko kaya mula sa labas niya ako kinakausap.

"I'm fine po. Asikasuhin mo na lang si Owen, 'Ma." Rinig ko namang umalis na siya kaya napabuntong-hininga ulit ako.

"Uhm, Naive?" Napabangon ako sa narinig na pamilyar na boses.

Pero agad ko ring naisipan na magtulog-tulugan. Nagkumot ako at pumikit nung marinig ko ang pagbukas ng lock ng pintuan.

"Naih?" Naramdaman ko ang pag-upo nito sa gilid ng kama ko.

Nanigas ata ako ng maramdaman ang  kamay niya sa noo ko.

"Ano bang pinaggagagawa mo at mukhang magkakalagnat ka nga?" Rinig kong bulong nito.

Iniisip ka, gusto kong isagot pero hindi ko magawa.

Narinig ko ang pag-ting ng phone niya na para bang may nagtext. Mukhang binasa niya ito at nagulat ako ng maramdaman ang pabiglang tayo nito at padabog na pagsasara ng pinto.

Malungkot kong sinulyapan ang pinto.

"Bakit ka naniniwala sakaniya, Phidett?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNTITLED: DEADLY VENGEANCEWhere stories live. Discover now