Chapter 8

2.2K 125 34
                                    

Gab's POV

Nagsisimula nang bumaba ang araw kaya naman napatakbo ako sa loob ng horror house at itinanong ang oras kay Jerson. Tumingin siya sa relo niya tapos ay tumingin sakin.

"5:15, bakit?"

"Hala, hindi mo ba alam?" Tanong ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya at umiling.

"Ano na naman 'yan insan?" Bored na tanong naman ni insan habang nag-aayos ng mga gamit namin dito, ito na kasi ang last day ng event.

"Pati ikaw 'di mo alam?" Umiling naman siya.

"Ano ba 'yan. Bakit hindi niyo alam?" Naka-pout na sabi ko. Akala ko pa naman alam nila. Kaya siguro tamad na tamad ang mga itsura nilang lahat ngayon kasi hindi nila alam na hindi pa tapos ang event.

"May bonfire kaya mamaya" halos sabay sabay silang napatingin sakin ng sabihin ko 'yan. Tumango ako at saka ngumiti. "Narinig ko lang na pinag-uusapan 'yon ng mga estudyante sa labas kanina. Tiningnan ko yung mga schedule ng event at nalaman ko na may special number pa raw ang band natin mamaya"

"Special number? Hindi nga?" Tanong sakin ni Shades at tinanguan ko naman siya.

"Nagulat nga rin ako nung nakita ko 'yon eh, akala ko alam niyo"

"Bakit wala namang nagsabi sakin? O kaya sa mga members ng banda natin?" Takang tanong ni Shades.

Napaisip ako pero hindi ko maisip ang sagot. "Dapat kasi tinitingnan niyo din yung schedule" sabi ko nalang.

"Kailan daw tayo magp-perform?" Bigla namang tanong ni Mark, mukhang excited siya. Oo nga pala, kanina nag-iinarte siya kasi ang tagal na niyang hindi nakakahawak ng gitara. Nadagdagan nga pala ng isang member ang banda, ngayon kasali na si Mike, sa keyboard naman siya.

"Sa pagkakatanda ko 8:00. Pero sabi nila kapag daw madilim na mas maagang magsisimula" sabi ko.

Bakas sa muka nila na excited sila sa magaganap mamaya. Ang sabi pa nga ay may fireworks display pa raw pagsapit ng 11:00 bago matapos ang event.

"Bilisan na natin ang pagliligpit para makapag-practice na" sabi ni Shades na sinunod naman ng lahat.

Sa loob ng tatlong araw na 'yon, marami kaming kinita. Sa katunayan naka ipon kami ng mahigit 15,000. Hindi ko na nga alam kung yung iba horror house ba ang pinunta rito o yung mga tao sa loob nito. Tsk, kakaiba sila.

-

-

-

"Pag-ibig ko'y ikaw..." Pagtatapos namin ni Shades sa kanta. Para kasi mapadali, magduet nalang daw kami. Tapos si James ang nakaisip ng kanta na 'yan. Ikaw by Yeng Constantino. Kaya naman tuwang tuwa siya ngayon.

Lumingon ako kay James at ngiting ngiti siya habang pumapalakpak pa.

"Sabi na bagay yung kanta na 'yan eh!" Sabi pa niya. Napangiti naman ako at napatango tango.

*tok tok tok*

Napalingon kaming lahat sa pinto nang may bigla nalang kumatok. Isang lalaki, pamilyar siya ah.

"A-ano... Pwede na raw p-pumunta sa field" sabi ng lalaki habang nanginginig. Ah tama naalala ko na siya! Siya yung dating kumatok din sa pinto namin dito. Hanggang ngayon pala takot pa rin siya sa section namin.

"Sige---"

"Salamat" pamumutol nung lalaki sa sasabihin ni Kael at saka 'yon tumakbo palayo sa room namin. Grabe.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now