Chapter 5

2.4K 136 10
                                    

Gab's POV

"Bilisan niyo" sabi ni Christian habang tinitingnan ang orasan. Kailangan kasi 6 am nando'n na kami sa school dahil 8 am ay mag oopen na ang gate para sa mga visitors at para sa lahat, kaya kahit hindi estudyante rito pwedeng pumunta.

"5:35 na" sabi uli ni Christian, kanina pa kasi siya nakabihis dahil maaga siyang gumising, muka na siya ngayong killer. Pareho sila ni insan.

"Harap ka sa kaliwa" sabi ko kay Shades habang pinipintahan ko yung leeg niya, hindi ko alam kung mukha ba kaming zombie pero ssbi ni Kael ayos na raw 'to, si Kael kasi ang nag-ayos sakin. Tulong naman kami ngayon sa pag-aayos kay Shades dahil kaunting oras nalang ay aalis na kami.

"Mike suot mo 'to sakin" sabi ni James kaya napalingon ako sa kaniya. May hawak hawak siyang itim na pakpak. Teka, may pakpak ba yung tiyanak?

"Ayos na ba 'tong pangil ko?" Tanong ni Dave kaya do'n naman ako lumingon. Hindi ko mapigilang matawa nang makita ko siya.

"Bakit isa lang yung pangil mo?" Tanong ni Jason na nagpipigil ng tawa.

"Nawawala kasi yung isa, tsk. Igawa niyo nga ako" utos ni Dave kala Jake na agad naman nitong sinunod.

Napailing nalang ako tumingin kay Shades.

"Ayos na" sabi ni Kael at inayos na ang mga materyales na ginamit niya, hindi ko naman maalis ngayon ang tingin ko kay Shades.

May mga dugo dugo at sugat yung muka niya, nakakatakot. Pero ako hindi ako natatakot, bakit kasi ang gwapo pa rin niya? Bakit kahit may mga pasa siya nakakaakit parin siyang tingnan. Ang lakas ng dating! Anong ginagawa mo sakin Shades!

*dub dug*

Parang ayoko tuloy siyang papuntahin mamaya, baka kasi sa halip na tumili yung mga babae sa takot, eh mapatili sila sa sobrang gwapo ng boyfriend ko. Tsk.

"Gab" napataas ang kilay ko nang tawagin ako ni Shades. "Tinatanong kita kung ok lang ba yung itsura ko"

Eh? Tinatanong pala niya ko?

"A-ah! Oo oo, ayos, nakakatakot ka na" sabi ko at nagpilit ng ngiti. Napansin naman niya 'yon pero hindi nalang niya ko pinansin at sa halip ay dinala na ang mga gamit namin. Grabe. Mula pagda-drive hanggang sa makarating sa school nakatitig lang ako sa kaniya. First time ko kayang makakita ng zombie na ganito ka-gwapo.

Pagbaba namin ng sasakyan, napatingin ako sa paligid. 5:56 palang, ang dilim pa ng paligid pero ang dami ng estudyante. Kailangan kasi matapos na namin ang mga binigay na gawain samin para pag nagbukas ang school naka-ready na ang lahat.

Sabay sabay kami na naglakad papunta sa gitna ng field at inayos ang mga kailangan pa naming ayusin. Nang matapos kami ay 7:35 na. Kaya naman ang natitirang oras ay gagamitin namin sa trial. Ite-testing namin kung maganda ba ang kakalabasan ng mga ginawa at pinlano namin. At ang papasok sa horror house, ako at si James. Dapat nga si James lang eh, kaya lang gusto raw niya akong kasama kaya sinamahan ko na.

Sa entrance ay nando'n si Jerson, wala kasi siyang costume kaya siya na ang bahala do'n. Ang entrance fee ay 90 pesos lang, mura na 'yon kumpara sa ibang horror house. At saka mayayaman naman ang mga estudyante rito, dapat pala ginawa ng 100 eh haha.

Naglakad na kami ni James at hinawi ang kurtina papasok sa horror house namin. Ang lamig dito sa loob dahil sa aircon, tapos madilim pa dahil kulay red ang ilaw. Pag hakbang namin ay bigla nalang may nagplay na music, eto yung eerie sound na pinili namin nung isang araw.

Kapag tumingin ka sa paligid, puro mga bungo at mga ginawa naming props na may dugo ang makikita. Ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng kinalabasan no'n. Pagpasok mo pa, makikita mo si Christian at insan na nagtataga ng kung ano, tapos tumingin sila sa'min. Maya maya bigla nalang silang tumakbo papalapit samin kaya tumakbo na rin kami ni James.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now