Chapter 25

1.3K 82 7
                                    

Gab's POV

Umupo kami nina Shades at Lily at hinantay matapos si Lara. Mukhang gutom na gutom talaga siya. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba 'kong maawa sa kaniya o ano.

Pagkatapos niyang kumain, inabutan siya ni manang Jeni ng tubig na agad naman niyang ininom. Tapos sinoli na niya yung baso kay manang at nagpasalamat. Kaya umalis na si manang para ituloy ang ginagawa niya. Pagkatapos no'n ay tumahimik na ang paligid.

Pagtingin sa'min ni Lara, parang no'n lang siya nakaramdam ng hiya. Napayuko siya at hindi siya ngayon makatingin ng deretso sa'min.

"Ano nabusog ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

Ilang segundo ang lumipas bago siya dahan dahang mag-angat ng tingin. Tumingin siya sa'kin tapos nagpilit ng ngiti.

"Wala ba kayong prutas---"

"Lara!" Pigil agad ni Lily sa sasabihin ng kapatid niya.

Napayuko uli si Lily at tumango. "Sorry sorry, baka lang naman may prutas sila eh" bulong niya na rinig na rinig namin. Bulong ba 'yon o nagpaparinig lang siya?

Tumayo ako at kumuha ng isang mansanas sa ref at inabot 'yon sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang hindi niya 'yon tanggapin at sa halip ay tiningnan lang niya 'yon.

Napabuga ako ng hangin ng biglang may pumasok sa isip ko. "Tsk, walang lason 'yan" sabi ko at ibinaba 'yon sa harap niya.

Tumingin siya sa'kin tapos bumulong ng "salamat" at kinuha na niya yung mansanas sabay kagat.

Grabe na talaga.

Umupo nalang uli ako sa tabi ni Shades at tumingin kay Lily.

"Ayos na ba kung tatanungin ko na siya ngayon?" Tukoy ko sa kapatid niya at tumango naman siya.

Lumingon ako kay Lara at nagulat ako nang malapit na niya maubos yung mansanas. Ang bilis.

"Hoy" tawag ko kay Lara. Hindi ko kasi alam kung ano'ng itatawag ko sa kaniya. Parang ang weird kung tatawagin ko siya sa pangalan niya.

Napatigil siya at napatingin sa'kin. "B-bakit?" Mahinang sabi niya sabay kagat sa mansanas. Naubos na niya.

"I-kwento mo na lahat ng nangyari sa'yo mula nung mawala ka. Pati na rin lahat ng alam mo tungkol sa organisasyon ni Mr. Albert" derederetsong sabi ko. Tumingin lang siya sa'kin at hindi nagsalita. Kaya naman nagsalita uli ako. "Ano pa bang gusto mo? Juice?" Tanong ko.

Biglang napatawa si Lily habang siniko naman ako ni Shades. Tsk. Ang tagal kasi niya sumagot eh.

"Ah, h-hindi na. Hehe. Nakakahiya naman sa inyo" bulong niya.

Nahihiya pa pala siya sa lagay na 'yon?

Napa-iling nalang ako at inilabas ko ang cellphone ko at ipinatong sa lamesa.

"Ire-record ko lahat ng sasabihin mo kaya siguraduhin mong totoo lahat ng sasabihin mo" sabi ko at napatango naman siya ng sunod-sunod.

In-start ko na yung recorder kaya sinenyasan ko si Lara na magsimula na. Tumango naman siya.

"S-sisimulan ko sa panggagaya ko sa'yo" sabi niya tapos umayos ng upo. "Hindi ko naman talaga gustong gayahin ka. Inutusan lang ako ni Master B na gawin 'yon. Habang ginagaya kita, napansin ko yung tingin sa'kin ni Jc. Mukhang wala pa rin siyang tiwala sa'kin nung mga araw na 'yon" napatigil siya kasi biglang dumating si manang Ester na may dalang tubig. Inalok 'yon sa kaniya pero umiling siya. "Ayos na po ako" sabi niya.

The Only Girl in Boys Campus 2Onde histórias criam vida. Descubra agora