Chapter 20

1.7K 79 14
                                    

Gab's POV

Pagdating namin ni kuya sa bahay, bigla nalang siyang bumusina.

"Oy, kuya. Gabi na kaya, baka may mga natutulog na" sabi ko at nginisihan naman niya 'ko. Nakatingin siya sa pinto ng bahay. Nagulat ako nang makitang nando'n si Shades. Napangiti ako nang makita sa mga mata niya na ang saya saya niya.

"Bilisan mo, puntahan mo na" sabi ni kuya kaya naman mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse, pero napatigil ako nang magsalita uli siya. "Yung damit mo, h'wag mo kalimutan" pahabol niya kaya naman dali dali kong kinuha yung paper bag at tumingin sa kaniya.

"Salamat, kuya" sabi ko at tuluyan nang umalis at tumakbo na palapit kay Shades. Bumusina naman si kuya bago umalis. Pagkalapit na pagkalapit ko kay Shades, hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Shades, ilang oras lang tayong 'di nagkita pero na-miss agad kita" isinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya at saka ngumiti. Naramdaman ko namang niyakap din niya 'ko.

"Parehas lang tayo" sabi niya. Bumitaw kami tapos tiningnan ko ang mukha niya, nag-iwas naman siya ng tingin.

"Bakit pawis na pawis ka? Ganyan mo ba 'ko ka-miss at mukhang tumakbo ka pa para makita ako" natatawang sabi ko.

Bigla namang nagsalita si Dave na nandito pala sa gilid. "Alam mo, nag-training kasi 'yan mag-isa kanina. Kakatapos lang niya nung dumating ka"

"Bakit naman nag-training ka mag-isa? Dapat sinama mo man lang si insan para hindi lang ikaw yung nahirapan. Tingnan mo oh, pawis na pawis ka. Magpalit ka nga ng damit, magkakasakit ka niyan" magkakasunod na sabi ko. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Dave kaya lumingon ako sa kaniya.

"Sige, mauna na 'ko" sabi niya at umalis na. Mukhang matutulog na siya.

Lumingon uli ako kay Shades. "Ang sabi ko magbihis ka na"

"Oo na, Master" nakangiting sabi niya at saka ako inakbayan. "Tara, samahan mo 'ko" tapos bigla nalang siyang naglakad papunta sa kwarto nila. Naghantay ako sa labas ng pinto habang nagbibihis siya. Paglabas niya, nagpunta kami sa balcony. Umupo kami sa dalawang upuan na nando'n. Madalas kaming tumambay dito.

Humarap ako sa kaniya at pinanliitan siya ng mata. "Bakit ka nga nag-training?" Tanong ko.

Tumingin siya sakin at mukhang nag-aalangan pa siyang magsabi sakin. Pero sa huli, sinabi rin niya ang dahilan. "Gusto kong maging malakas. Para ako naman ang magpo-protekta sa 'yo. Hindi kita mapo-protektahan kung kasing hina ako ng dati"

Sumibangot naman ako. "Alam mo Shades, hindi mo kailangan maging malakas para maprotektahan ako. Ang daming paraan para magawa mo 'yon. Hindi lang ang paggamit ng katawan ang paraan"

Naalala ko tuloy si Lily. Dati nangalap siya ng impormasyon para maging mataas ang rank niya. Puro pag-papatalino ang ginawa niya, napabayaan na niya ang katawan niya. Kaya naman nung nilabanan siya ng mga kalaban, nabigo siya.

"Kahit na" biglang sabi ni Shades. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Alam mo, hindi ako kasing talino mo. Hindi ako magaling mag-isip ng mga galaw kapag nasa labanan na. Kaya naman lakas lang ang pwede kong asahan ngayon"

"Tsk, kaya mo 'yon" sabi ko pero umiling siya.

"Nung nasa Gang pa kami, wala kaming proper training o kung anu-ano pa. Kaya naman may mga pagkakataon na lagi kaming talo. At saka wala naman samin ang may gustong sumali sa mga gano'n dahil gaya nga ng sabi ko, napilitan lang kami"

Naalala ko tuloy yung kwento niya dati tungkol do'n.

"Eh saan kayo natutong lumaban?" Tanong ko. Napatigil siya at nanatili lang na nakatingin sakin. Mukhang naghahanap pa siya ng sagot.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now