Chapter 28

2.1K 94 99
                                    

Gab's POV

"23 at 19. Tapos na siguro ang meeting niyo, kumusta?" Tanong ng head master.

Tumingin si kuya sa kaniya at ngumiti. "Opo, kakatapos lang ng meeting head master"

"Nagrecord ba kayo? Pasensya na at hindi ako naka-attend" nakangiting sabi ng head master habang nakatingin sa recorder na hawak ni kuya.

Tumingin ako kay kuya, at tumingin din siya sa'kin. H'wag mong sabihin, pleaseee...

Umiling si kuya at ipinakita kay head master ang hawak niyang recorder. "Hindi nga po kami nakapag-record e. Nasira na siguro 'tong recorder dahil hindi na nagagamit. Dadalhin ko nga po kay Brett ngayon, siguradong magagawa niya 'to" sabi ni kuya at tumingin sa'kin.

Buti nalang hindi niya sinabi.

"Eh ikaw 23? Anong ginagawa mo rito?" baling naman sa'kin ng head master.

Napatingin ako sa kaniya at pilit na ngumiti. "Sasamahan ko po kasi sana si kuya, akala ko wala kayo eh. Pero nandito na po kayo, head master. Kaya magre-report na 'ko" mabilis at sunod-sunod na sabi ko at natawa naman ang head master.

"O sige, sumunod ka nalang sa office ko" sabi niya at tumango naman ako.

Naka-hinga ako ng maluwag nang umalis na ang head master. Buti nalang.

Bigla akong siniko ni kuya kaya nilingon ko siya. "Bakit?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Ano ba kasing plano mo? Mag-share ka naman jan para alam ko ang tumatakbo sa isip mo" sabi niya.

Sumibangot ako at umiling. "Secret yun kuya" tatawa-tawang sabi ko at tinapik siya sa balikat. "Sige ipagawa mo na 'yang recorder at magre-report na 'ko" tapos naglakad na 'ko paalis.

"Bahala ka jan!" Rinig kong sigaw ni kuya kaya napatawa nalang ako.

Sana lang tama 'tong naiisip ko.

-

-

-

*****

Lily's POV

Ano ba 'yan. Ang tagal naman nung lalaking 'yon. Kanina pa ko naka-upo rito eh.

Nandito nga pala ako ngayon sa mall at hinihintay si Ken. Kanina pa 'ko patingin-tingin sa paligid baka kasi mamaya may sumusunod na naman sa'kin.

"Hoy" napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Ken. Napangiti ako at mabilis na hinablot ang braso niya, hinila ko siya palabas ng mall.

"Tsk, bakit ba ako pa ang gagawin mong driver? Eh diba nililigawan mo ngayon yung kaibigan ni Gab? Si Jerson?" Sabi niya sabay irap.

"Eh ayaw nga akong sunduin eh, kaya ikaw nalang ang iistorbohin ko" tatawa tawang sabi ko sabay bukas ng kotse ko. Syempre si Ken sa driver's seat, siya ang driver ko ngayon eh.

"At bakit ba kailangan mo ng driver?" Takang tanong niya.

Sumibangot ako at bored na tumingin sa kaniya. "Natatakot nga ako diba? Baka mamaya nanjan lang pala sa paligid yung taong sumusunod sa'kin. Baka kung anong gawin sa'kin no'n!"

Napailing naman siya bago paandarin ang kotse. "Alam mo, kung si Chris talaga yung sumusunod sa'yo, hindi ka sasaktan no'n"

"Eh bakit naman niya 'ko susundan?" Takang tanong ko. Bigla ko nalang naalala yung mga sobre na pinadala sa apartment ko. Hindi pa nga pala namin nabubuksan 'yon ni Gab.

The Only Girl in Boys Campus 2Kde žijí příběhy. Začni objevovat