Chapter 26

1.2K 75 12
                                    

Gab's POV

Gaya ng napag-planuhan, maaga akong gumising. Pagtingin ko sa orasan ay saktong 3:00 palang. Ayos 'to. Marami pang oras.

Mabilis akong naligo at mukhang inabot lang 'yon ng 10 minutes. Nagbihis ako kaagad at nag-ayos ng buhok. Pagkasuklay ko tumingin uli ako sa orasan. 3:15 palang. 3:30 ako susunduin nila Danielle at Renz. 'Yon kasi ang napag-usapan namin no'n para sabay sabay na kaming makapunta sa SAP. May 15 minutes pa akong natitira pero mukha namang wala na akong nakalimutang gawin.

Dinala ko nalang ang cellphone ko at yung konting gamit ko.

Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako ng makita ro'n si Shades. Mukhang kagigising lang niya, gulo-gulo pa kasi ang buhok niya.

Gwapo parin.

"Oh Shades, ang aga mo naman" sabi ko.

Ngumuso siya at inayos ang buhok niya. "Pinaghanda kita ng makakain. Baka kasi umalis ka na naman ng hindi kumakain" sabi niya.

Napangiti naman ako at tumango. "O sige, ano ba yung hinanda mo?"

Hindi siya nagsalita at sa halip ay hinawakan lang ang kamay ko at inaya ako papunta sa dining room. Wala pa palang gising na iba bukod saming dalawa. Kahit sila manang.

"Ayan. Di ko alam ang tawag jan basta kainin mo nalang" sabi niya at nag-iwas ng tingin.

Natawa ako habang tinitingnan siya. Mukhang hiyang hiya siya sa nagawa niya. Tiningnan ko kung ano ba ang hinanda niyang pagkain. Pagkakita ko no'n ay mabilis akong lumingon sa kaniya at taka siyang tiningnan.

"Ano 'to? Tinapay na tinustado?" Tanong ko.

"French toast sana ang gagawin ko yung katulad ng ginagawa ni manang, kaya lang parang medyo... na-over cook" mahinang sabi niya.

Tatawa tawa naman akong tumingin sa ginawa niya at tumango.

"Ano ka ba Shades! Ayos nga eh. Kakaiba" bigla siyang nag-iwas ng tingin kaya naman napatawa ako. "Ok lang 'yan Shades, lahat ng tao iba-iba ang style sa pagluluto. At ikaw, 'yan ang style mo" tinuro ko yung ginawa niya at tiningnan siya. "Medyo toasted"

Lumingon siya sa'kin kaya naman mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil natatawa talaga ako. Umupo nalang ako at pinagmasdan ang ginawa niya.

Yung french toast kasi ni manang Jeni, simpleng ilalagay lang yung tinapay sa itlog na may gatas at asin tapos lulutuin na. Mukha namang gano'n din yung kay Shades dahil hanggang ngayon nasa kusina pa rin yung pinaggamitan niya. Ang pinagkaiba lang, yung kulay. Kung kay manang tama lang ang luto, yung kay Shades naman... Uhmmm... Pa'no ba 'to. Hindi naman siya talaga sunog. Super color dark brown lang talaga. Hahaha bahala na.

Kakainin ko na sana yung tinapay kaya lang bigla niya kong pinigilan. Taka ko naman siyang tiningnan.

"Bakit?" Tanong ko.

Mukhang nag-aalangan pa siyang magsalita dahil pa-iwas-iwas pa rin ang tingin niya sa'kin. "A-ano... Sigurado ka bang k-kakainin mo 'yan?" Tanong niya na mukhang nag-aalala pa sa'kin.

Hahaha. "Oo naman noh! Ikaw kaya nagluto niyan para sa'kin" naka-ngiting sabi ko at kukuhanin na sana yung tinapay pero pinigilan niya uli ako.

"A-ano. Masamang kumain ng sunog diba?" Tanong niya at mukhang hindi pa siya sigurado sa sinasabi niya. Natawa tuloy ako.

"Hindi naman sunog ah? Super dark brown lang---"

"Edi sunog nga" sabi pa niya kaya naman tatawa tawa kong ibinaba ang kamay niya.

"Itim yung sunog para sa'kin, Shades" sabi ko at kinuha na yung isang tinapay at hinati yun sa gitna.

The Only Girl in Boys Campus 2Where stories live. Discover now