"Tangkad niya talaga 'no." Komento ni Missy habang sabay naming tinitingnan ang litrato.

Makalawang beses ako sa kanyang napatingin dahil sa mga mata nitong nakadikit sa litratong iyon, animo'y nag eenjoy sa nakikita. Nilayo ko ang phone niya dahil sobrang nakatutok siya dito.

"Hoy, pinapaalala ko lang boyfriend mo." Pagbibiro ko.

Dahil doon ay natauhan siya't biglang humalakhak sa harapan ko. "Gaga, parang tinititigan ko lang ang mukha ng lalaking nagpahulog sayo."

Napakunot noo ako dahil sa kakornihan nito. Geez napakalalim naman ng salitang iyon, cringe. Hindi ko nalang pinansin para tumahimik na. 

Pagkatapos ng klase ay nagkita kami gaya ng napag-usapan. Medyo nahirapan pa kami kasi gustong sumama ni Marie pero mabuti nalang ay nakausap namin ang ate niya kaya naging maayos ang lakad nung umuwi na siya.

"Guys, kunin niyo agad 'yong mga pagkain sa office ni tito. Ako na ang bahalang maglibang kay Marie tapos diretso agad sa meeting place."

Matapos ang ilang araw na paghahanda ay nagawa rin namin ang napagplanuhan ng lahat. Naghahanda nalang kami habang naghihintay sa hudyat. Dito kami sa canteen, mamadaliin nalang namin 'to kasi thirty minutes lang ang break time namin.

Si Vina ang pumunta kay Marie para libangin ito, papunta na kaming office ni tito para kunin ang mga pagkain dahil kompleto na kami.

"Oy, anong may----"

"Surprise! Happy birthday, Marie!"

Gulat na gulat si Marie pagkakita sa amin. Saktong pagpasok niya sa opisina ni tito na papa ni Kesha ay hindi maipinta ang mukha nito sa naging reaksyon gayunpaman, hindi niya pa rin kami binigo sa aming pagsisikap nang bigyan niya kami ng isang malawak at nakakapagpanatag loob na ngiti. Alam kong sa gano'ng paraan, nailahad niya ang totoong nararamdaman sa mga oras na ito.

"Salamat sa inyong lahat. Kahit walang ganito, naa-appreciate ko pa rin ang bagay na mayro'n tayo at iyon ay ang pagkakaibigan nating lalong nagiging matatag sa paglipas ng panahon." Awwwe.

Tinapos niya ang kasiyahan sa isang nakakadamang mensaheng iyon para sa amin. Pagkatapos niyang magsalita saka niya hinipan ang kandilang nakaibabaw sa keyk na pinaghatian namin ng bayad.

"Ang saya ko, guys. Akala ko nakalimutan niyo na birthday ko e." Napanguso ito.

Ngayon lang kami nakapag-celebrate nang maayos kasi pagkatapos ng surprise kanina ay nagsipasok kami sa mga klase kung kaya't pagkatapos no'n ay dumiretso kami agad sa isang cafe malapit sa school, libre niya naman ang gastos.

"Ano ka ba naman, makakalimutan ba namin birthday mo. Siguro sa iba oo, pero kaming mga kaibigan mo, hindi." Sagot ni Kesha, sumang-ayon lahat.

Bigla akong napatigil nang may maalala ako. Si Kendrick na naman. Kainis naman 'to lumalala na ata 'tong sayad sa utak ko't lahat lahat nalang ay konektado sa kanya. Kahit kaklase ko lang siya pero gano'n ako ka walang pakialam sa kanya na ultimo maliit na bagay tungkol sa kanya ay wala akong alam.

Nakita ko ang masayang mukha ni Marie habang nag-eenjoy pa rin sa araw niya. Naisip ko tuloy, masaya rin kaya si Kendrick nung birthday niya. Syempre espesyal na araw iyon para sa isang tao, kahit sino naman matutuwa.

"Salamat ulit, guys. Ingat kayo sa pag-uwi. Tag ko nalang kayo sa mga litrato."

We had a long day. We talked, laughed, played and enjoyed the day. Pansamantala kong nakalimutan ang problema sa school, sa nangyari sa 'min ni Nate nung nakita ko siya at kay Kendrick na bigla kong naalala dahil sa birthday.

"Anong nangyari sa'yo? Ba't ganyan itsura mo?"

Kinabukasan, tahimik ako sa upuan kung kaya't napansin ni Missy. Hindi ko nalang siya pinansin at dahan dahang tinanggal ang sapatos ko para tingnan kung anong nangyari sa may bandang ankle ko. Masakit kasi siya at humahapdi. Pagtingin ko ay may sugat nga siya sa magkabilang ankle kaya pala masakit maglakad .

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now