"Uhm 11:30 PM pa class namin ni Paul? Like everyday?" sagot ni Kristine.



"Ano? Ibang section kayo?"



"Nikolai, wag ka sanang magalit pero... Nag Med Bio kami kasi eh" sabi ni Paul



"Ah okay. What?" nagulat ako sa sinabi niya. "Dba nangako tayo sa isa't isa na magkakasama tayo sa lahat-lahat? Myghaad"



"Eh isa nalang kasi yung slot sa Microbiology kaya ikaw nalang yung pinasok namin di'ba gusto mo yon?" pagdadahilan ni Kristine



"Sana sinama niyo nalang ako sa Med Bio? Pero okay nalang." Inirapan ko nalang sila. Naiinis talaga ako na until sa pagligo ko ay minumura ko sila sa isip ko. Gosh



Pumasok na ko sa school pero puro lang orientation sa lahat ng subjects. It was in my mind na agad imbitahin yung dalawa for lunch and then realize na hindi ko na sila pala classmates. The F. Ako nalang mag isa this time and wala na pala akong class after this. Bagong classmates din kasi at wala akong kaclose. Pumunta nalang ako ng cafeteria para kumain and yes, mag-isa lang ako sa table.



"Hey, can I sit here?" a guy approached me. Tinignan ko siya and he's tall, mestizo and sige na nga. Handsome.



"Sure." tipid na sagot ko sa kanya



"Sungit mo naman edi wag nalang" pero umupo na sya sa harap ko.



"Ay sorry, bad mood kasi ako eh sorry sorry"



"Okay lang. Mag-isa rin nga ako eh lumabas ng school yung mga tropa ko." Oh. Tropa. So, he's straight tsk. Pero hindi ibig sabihin na masama maging straight. 



"Ah talaga? Okay"



"Okay? Okay ba yun na nagCR ako at iniwan lang nila? Hindi nga sila nagsabi kung saan sila pumunta." reklamo niya



"Same feels pala. Ganoon din yung mga kaibigan ko" suporta ko sa kanya



"So same feels? Tayo nalang?"



"Wait what?" nagulat ako sa sinabi niya. Hoy Nikolai talagang marami kang iniisip ha.



"I mean, tayo nalang maglunch. May baon din ako eh." sabi niya.  Yun naman pala Nikolai. Para kang sira. "You want some Kale and Salmon Caesar salad?" I just wave my hand saying no.



We eat our lunch silently like wala talaga ni isa sa'min yung nagsasalita at yung paligid lang ang maingay. Kinuha ko nalang nga yung libro ko as if daw may binabasa para hindi awkward.



"Bio pips ka pala. Magkasing kapal lang tayo ng libro" he cut off the silence



"Yeah. Third year. Ikaw ba?" sagot at tanong ko.



"Nursing. Third year din"



So isa siya sa mga nakapasok sa Nursing? Myghaad he must be so intelligent! Ang hirap kaya makapasok sa WilfredoVSU BS Nursing kasi they always top the board exams, super strict sa admission and free tuition din. Kailangan ko siya sa mga assignments ko charot.



Feeling ko Top siya.



"Oh. You must be so intelligent. Mahirap kayang pumasok sa nursing no."



"Sira. Di pwedeng sinuwerte lang? Nagulat nga ako na mataas score ko sa admission test eh" sagot niya.



"Humble ka pa ha. Iba rin talaga yung mga intelligent people"



Choosing ChoicesWhere stories live. Discover now