Chapter 30: The Plan

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumango-tango lamang ako. Hindi na masama. Ang pagiging tagapagsilbi na lamang ang pwede kong gamitin para makalabas dahil kilala na ang mukha ko bilang isang lalaki. Buti na lang at marunong siyang magplano. Pero sana hindi mabigo ang planong ito.

"Sige, susunod lamang ako sayo." sang-ayon ko. Tumango din siya.

"Ako na ang bahala sa kasuotan mo. Ako na mismo ang magdadala sayo nito para sabay tayong makaalis mamayang gabi. Gaya ng ginagawa natin ngayon dapat mamayang gabi ay ganito din. 'Wag ka lamang gagawa ng kahit na ano na makakasira sa plano natin." sabi niya.

"Naiintindihan ko. Maraming salamat sa tulong. Ipapaabot ko rin ang liham na ito sa Heneral mamaya. Sige, mauna na ako kung wala na tayong pag-uusapan. Nangangamba ako na baka magising na ang Hari at wala ako doon." paalam ko.

"Sige, Kamahalan. Magpapahinga na rin ako." sabi niya. Tumayo na ako at tumalikod. Nagsimula na akong lumakad.

"Tandaan mo, Kamahalan, darating ako mamayang gabi kaya maghanda ka. Walang sino man ang dapat na makaalam." pahabol niya.

"Akong bahala." saad ko at tuluyan ko na nga siyang iniwan.

Naglakad na ako pabalik sa loob ng palasyo. Hinahanda ko na ang sarili ko kaya medyo malalim ang iniisp ko. Kinakabahan din ako baka maging palpak ang plano namin. Lumiko na ako sa paglalakad. Naaalala ko tuloy ang unang beses kong punta dito sa palasyo nang pinatawag ang ng mahal na Hari dati. Nawala pa ako at napadpad sa tinitirahan ni Hyun. Tapos pinagmukha pa akong tanga ng lalaking iyon sa pasilyo. Para tuloy akong baliw na nagsasalita buti na lang at walang kawal doon.

Pero teka lang, speaking of Hyun, where is he? Hindi ko na siya nakikita dito sa palasyo. Busy ba siya? Alam niya kayang nawawala si Haya? Hinahanap niya rin ba si Haya? Close pa naman ang dalawang iyon. And when it comes to Haya, he's very caring. I just don't know why these things are happening. And that thing is what I need to find out and I need to bring Haya back in this palace no matter what will happen.

But I hope they are fine.

Naglalakad pa rin ako sa pasilyo ng palasyo. Nasa dulo kasi ng palasyo ang silid ng Hari. At alam niyo naman walang mga kawal na nagbabantay doon dahil nakatoka lamang sila sa may gitna. Iyon din kasi ang nais ng Hari.

I sighed and lower my head while walking. I'm just worried for what will happen next after I finish my plan. It's getting me nervous and excited. Never in my life I will do this kind of thing just to save someone. But she's different and she's part of me now that's why I'm doing this for the sake of the old Empress. I will do anything for my friends and family. And I will not let Her Majesty's crown will be stolen from me.

Bigla akong napahinto nang hindi ko inaasahang madamba sa isang matigas na bagay. Napasapo na lamang ako sa aking noo. Di ko inaasahan iyon lalo pa't nakayuko ako at nakatuon ang aking atensyon sa ibaba.

"Where have you been?"

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang boses ng Hari. Lagot ako. Sa tono ng boses niya alam kong galit siya.

"K-Kamahalan...i-ikaw pala 'yan. Ha-ha..." nauutal kong saad sabay ngiwi ko. Lagot ako.

Napasinghap ako nang bigla niya akong hinigit palapit sa kaniya. At mas lalo pa akong nagulat nang bigla niya akong halikan. Napakurap-kurap ako dahil sa mga nangyayari.

"Disobeying the King is a big sin, my Queen. You better prepare yourself for your punishment." saad niya.

"H-Ha? A-Ano?" nangangamatis na ako. Pati pagsasalita nabubulol na dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Win Back The CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon