Chapter 15: Dream

3.5K 151 1
                                    

Disha's POV

Gabi na at nasa labas pa rin kami ng mga bata. Kakauwi lang namin galing sa bayan. Nilibre kami ni Hyun. At kasama din naming nagsaya si Emperor Hang. Wala silang kaalam-alam kung sino ang kaharap nila kanina dahil nilihim lang namin ito para mas masaya daw ang gabi. Mahabang salaysay para malaman kung paano namin siya nakasama kanina.

Napapakagat-labi pa rin ako habang inaalala ang mga intense na nangyari kaninang dapit-hapon. Yung init na pinagsaluhan namin ng Hari kanina hindi pa rin mawala sa isipan ko lalo na no'ng pinaramdam niya sa akin ang init ng isang Hari.

"Kamahalan, mukhang nagsaya po talaga kayo sa pagdiriwang sa palasyo kanina. Halata po ang saya ng mga ngiti mo. Maaari po ba naming malaman kung anong nangyari?" inosenteng tanong ni Haya.

"Wala ito, maganda lamang ang bungad sa akin ng Inang Reyna." sagot ko. Walang dapat makaalam sa mga nangyari.

"Nandito na pala tayo." sabi ko. Tanaw na namin mula dito ang maliit ay halos sira na ang bahay. Nakakaawang buhay naman. The Queen doesn't really deserve this kind of treatment, kaya as soon as possible dapat makuha ko na ang nararapat para sa Reyna.

"Mauna na kayo sa inyong tirahan para makapagpahinga na itong si Weyla. 'Wag niyo na akong intindihin pa, kaya ko na ang sarili ko." sabi ko. Tumango na lamang sila at sinunod na ako. Halatang pagod na pagod na ang dalawa lalo na si Weyla. Napangiti na lamang ako.

Nakapasok na ako sa loob. Walang ilaw kaya nagsindi pa ako para lang lumiwanag ang buong paligid. Pero hindi ko inaasahan ang mga nakita ko. Ang kalat ng bahay parang binagyo sa loob. Napabuga na lamang ako ng hangin sa kawalan. Kalat ko 'to kaninang pag-uwi ko dito. Matapos ang mga nangyari sa aming dalawa iniwan ko lang siya sa silid na iyon na walang malay. I knocked him off kaya ayun tulog. Hindi ko na alam kung anong nangyari dahil iniwan ko na nga siya doon. Humingi na lamang ako ng tulong sa isang kawal na nakasalubong ko sa daan papunta sa lugar kung saan nagaganap ang pagsasalo-salo.

Masaya naman ang naging kinahantungan ng lahat dahil hindi nila inaasahan ganito ang Reyna ng kahariang ito. Kinausap at kinaibigan ko ang lahat ng may matataas na posisyon para pagtibayin ang ugnayan ng bawat kaharian. Namangha ang Inang Reyna sa akin dahil sa naging pagsang-ayon ng lahat na lalong palawigin ang ugnayan ng bawat isa. Nagdahilan lamang ako sa Inang Reyna nang hanapin niya sa akin ang Hari. Muntikan pa akong mabuko nang dumating ang kawal na hiningan ko ng tulong matapos niyang iulat sa Inang Reyna ang nangyari sa Hari kanina.

Nagulat pa ang lahat kaya pinakalma ko sila. I assure them na ayos lang ang Hari dahil ako nakakita sa kaniya kanina, dahilan ko. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ako sa Inang Reyna matapos kong tulungang ihatid sa kanilang mga silid ang mga panauhin.

Gabi na rin no'n kaya tinawag ko na ang dalawang bata na naabutan ko pang naglalaro ng habulan. Nang makauwi kami dito agad din akong naglinis ng aking katawan dahil sa panlalagkit. Buti na lang at walang pulang marka sa aking leeg, pero balot naman ang kalahati ng katawan ko.

After ng lahat ay nagmadali na kaming pumuslit ng mga bata. Kahapon ko pa sila sinabihan na magsasaya kami sa labas kaso may ibang kasama, sumang-ayon lamang sila. Habang pumupuslit kami hindi namin napansin na nakasunod pala sa amin ang Emperor. Nagulat pa ako no'ng magsalita siya likod. Napatanong ako kung anong ginagawa niya, sagot niya lang sa akin sinusundan niya daw kami. Huli na nang mapansin ko, wala na akong choice kung hindi ang isama siya sa lakad namin dahil nakalabas na pala kami ng Kaharian.

Pagod kong hiniga ang aking katawan sa kama. Napagod ako sa ginawa naming pamamasyal, pero halos lahat ng ginawa ko ay bantayan ang Hari. I never thought na may pagka-childish ang Emperor na iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako sa kawalan habang nakatingala sa kisame. Hindi ko na napapansin, unti-unti na pala akong dinadalaw ng antok.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now