Chapter 25: King's Anger

2.2K 107 2
                                    

Disha's POV

Nasa bukaran na kami ng kaharian nang bigla kaming pigilan ng isang kawal. Kinabahan pa kami nang dumami sila. Anong nangyayari? Bakit ang dami ng mga kawal sa labas?

"Sino ka?"

"Hindi ba't itong lalaking ito ang hinahanap natin?"

"Nandito na rin ang tagapagsilbi ng Reyna. Ipatawag niyo ang Heneral. At 'wag niyong papakawalan ang dalawang ito."

"Anong ginagawa niyo? Bitawan niyo kami!" utos ko nang sinimulan nila kaming dakpin at talian sa kamay.

"Kamahalan, anong gagawin natin?" natatakot na rin ang bata sa ginagawa nila. Ano ba kasing nangyayari?

"Huh, Kamahalan daw? 'Wag mo kaming linlangin batang magnanakaw. Alam mo bang may nakakita sa inyo na nagnanakaw? At talagang babalik pa kayo dito para magnakaw ulit?"

Nagsalubong ang dalawa kong kilaw dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ang lakas ng loob ng mga ito ah.

"Sinasabi mo bang magnanakaw kami? Dahil lang ba sa damit na ito? Hiniram ko lang naman ito ah, at isa pa isasauli ko rin ito." sabi ko na siyang ikinahalagapak nila ng tawa.

"Pinaglololoko niyo ba kami? Alam niyo bang ang sinungaling ay kakambal ng magnanakaw? Kaya hindi kami maniniwala."

"Kapkapan niyo sila."

"Subukan niyo lang idapo 'yang mga kamay ninyo sa amin kayo rin ang magsisisi. Bitawan niyo kami ngayon din!" sigaw ko. Galit na ako. Wala akong panahon sa kanila.

"Ooh? Ang tapang ng isang ito ah. Bata, ano bang akala mo sa sarili mo? Alam mo bang galit na galit ang mahal na Hari ngayon dahil sa ginawa mong pagnanakaw at talagang sa silid ka pa ng Reyna naglabas-masok. Hindi ka na makakawala pa ngayon. Kaya sumuko ka na lang dahil wala ka na rin namang magagawa pa."

"Nasaan na nga pala ang Heneral?"

"Kapitan, nasa royal court kasama ang Hari. Sinisimulan na nila ang pagpaparusa sa mga tagapagsilbi ng Reyna."

"Gano'n ba? Mukhang tayo na lang muna ang bahala sa mga magnanakaw na ito. Tara na! Dalhin na natin sila sa royal dungeon at nang masimulan na natin ang pag-iimbestiga sa kanila."

Anong sabi niya? Paparusahan ng Hari ang mga tagapagsilbi ko? Ano bang nasa isip ng lalaking iyon?

"Bitiwan niyo ko! Kailangan kong makausap ang Heneral!" sigaw ko. Hindi 'to pwede. Walang dapat madamay sa ginawa kong paglabas ng palasyo. Walang dapat masaktan. Kailangan kong mapigilan ang lalaking iyon sa binabalak niya.

"Bitiwan niyo ko sabi!" wala na akong ibang choice kung hindi ang lumaban at puntahan ang Hari at ang Heneral. Sinipa ko ang dalawang kawal sa kanilang mga bayag. Namilipit sila dahil sa ginawa kong pagsipa. Nang magkaroon na ako ng tyansang makaalis tumakbo ako kaagad palayo sa kanila. Napalingon ako sa likod nang maalala ko si Weyla.

"Weyla, babalikan kita!" sabi ko habang tumatakbo nang makawala ako sa kamay ng mga kawal na iyon. Nakatali pa rin ang mga kamay ko mula sa likod kaya nahihirapan pa rin akong tumakbo. Nakita ko naman ang pagtango ng bata kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.

"Baby, kapit ka lang." mahina kong saad. Alam kong delikado sa baby ko ang pagtakbo ko, pero wala naman akong magagawa. Kailangan kong maabutan ang Hari. Ayokong may madamay. Ayokong may masaktan ako dahil sa kapabayaan ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko.

"Habulin niyo siya!"

"Pigilan niyo!"

"Tigil!"

Nagtago ako sa may isang silid sa loob ng palasyo. Hindi ako pwedeng mahuli. Nakasalalay sa aking mga kamay ang kaligtasan nila. Huminga ako ng malalim at hindi ako gumawa ng ingay nang papalapit na sila. Pinakinggan ko ang paligid.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now