Chapter 43

156 5 0
                                    

Susugod pa sana si Ace kahit pinipigilan ko siya pero nagsalita uli ako saktong hinawakan na siya ng kaibigan niya.

"Tama na Ace! Ano bang naisip mo at nakikipag-away ka dito?" naiinis kong tanong sa kanya.

Dahil sa paglapit at pag-awat ko sa nag-aaway nakita kong biglang nagbago yung itsura ni Drei pero binalewala ko nalang muna.

Lumingon ako sa lalaking kaaway ni Ace para humingi ng pasensya.

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa gulong nagawa niya," paumanhin ko.

"Nobyo mo ba yan? Kung may problema kayo, Pwede bang wag niyo akong idamay at pati girlfriend ko ginugulo niya!"

"Pasensya na talaga. Hindi na mauulit," aniko.

Madami pa siyang reklamo at mukhang may balak pang magsampa ng kaso pero sa huli ay tinulungan ako ni Drei makipag-areglo para hindi na matuloy.

Paglabas namin ng bar ng mga kaibigan ko ay naabutan ko si Ace na naka-upo sa sasakyan niya kasama ang mga kaibigan niya.

Nung napalingon siya sakin ay naglakad siya ng pagewang gewang papunta sakin.

"Cassandra,"

Humarang agad si Drei sa kanya pero hinawakan ko sa braso ang nobyo ko para hindi na siya gumawa ng gulo.

"What the hell are you doing Ace?" naiinis kong tanong.

"I'm sorry Cassandra. Inagaw ka niya sakin kaya ko siya sinapak at kinukuha lang kita sa kanya,"

Hindi ako makapaniwala sa sinagot niya sakin. Iniisip niyang ako yung babaeng kasama nung sinuntok niya kanina.

"That girl wasn't me Ace!" Turo ko sa bar. "At kahit ako pa yun ay hindi mo dapat saktan ang makakasama ko,"

"I'm sorry Cassandra... I just can't imagine my life without you,"

"Oh, Come on Ace! 7 years tayong hindi nagkita but your still alive kaya wag mong sasabihin na hindi mo kayang wala ako. You just making your life miserable!" 

"Because I AM! I am miserable knowing that I can't have you! Knowing that you love someone else, That you fought your love with someone else!  I love you... I still love you Cassandra but I know that I can't have you because you love this guy!" Turo niya kay Sandrei pero pinalo ni Drei ang kamay niyang nakaturo sa nobyo ko.

"STOP! Kahit ilang beses mong sirain ang buhay mo, Kahit ilang beses kang makipag-away at magpakalasing hindi niyan mababago na hindi na tayo pwede," aniko. "Isipin mo naman yung buhay na sinisira mo Ace, Si Tita Lucy na nag-aalala sayo. Learn to let go your feelings Ace because that's the only way to start to move on,"

Umiiling siya sakin habang pinupunasan ang luha na tumutulo sa mga mata niya.

Hinawakan niya naman ang dalawang braso ko kaya bigla akong hinawakan sa baywang ni Sandrei.

"I love you Cassandra. Why don't you give me a chance to prove my worth?" pagsusumamo niya sakin.

Bumuntong-hininga ako bago siya nagsalita. "You don't have to pleased others, Just to prove your worth. I just... I just can't give the chance that you want because I love my boyfriend Ace, I can't imagine my life without him. So, Please forget your feelings about me and move on,"

Bago pa siya makasagot sakin ay inaya ko na ang mga kaibigan ko pauwi.

Habang nasa byahe kami ni Drei ay walang nagsasalita sa loob ng sasakyan. Ni hindi din ako inaway ni Drei dahil sa ginawa ko kaya diko matimbang kung galit ba siya sakin or what.

Love Series 1: The Selfless LoveWhere stories live. Discover now