Chapter 35

169 5 0
                                    


"Love ano yung sinasabi mo?" tanong ko nung lumabas si Ulysses.

"Ako bahala love,"  bulong niya sakin. "Kapag napatunayan kong ikaw ang nag-sabotahe ng grand opening ni Tita at ng girlfriend ko Candice ay mag-sorry ka sa kanila,"

"And why would I do that? Well, Afterall I'm Innocent," mataray na wika nito pero kitang-kita sa mata niya yung takot.

Napalingon kami nung pumasok uli si Ulysses at may kasama siyang dalawang lalaki at isang babae.

"Naalala mo ba sila Candice?" malamig na wika ni Drei.

Lumingon ako kay Ate na ang sama ng tingin sa taong kasama ni Ulysses.

"Pwede ba Sandrei sinasayang niyo ang oras namin ni Mommy! Bakit hindi niyo nalang tanggapin na may tinatagong ugali yang pinaka-mamahal niyo!" sigaw nito. "Tara na nga mom,"

Bago pa siya makalakad paalis ay bigla ng nagsalita si Ulysses.

"Sino yung sinasabi niyong nag-utos na sumabotahe ng grand opening kahapon?" tanong ni Ulysses.

"Siya po!" Naturo silang tatlo kay Ate Candice.

"Si Candice Montemayor po," wika nung isang babae.

Dahil sa confirmation na narinig ko sa kanila ay hindi ko mapigilang sugurin si Ate Candice.

Hinila ko yung buhok niya. "Pinag-tiisan kita dahil Ate kita. Dahil nirerespeto kita pero paano mo nagawa sakin 'to!"

Hinawakan ako sa braso ni Drei at Mommy Ria. "Tama na love,"

"Sinabi ko na sayo kanina diba? Mang-aagaw ka! Lahat nalang inagaw mo sakin. Miserable ako habang ikaw nagsasaya kasama ng lalaking minamahal ko. Well, Cassie I'm not sorry for what I did because you deserve that!" sigaw nito kahit pinipigilan na siya ni mommy.

"Candice tama na," hiyaw ni mommy. "Away-bata lang pala ito bakit kailangan niyo pang-dalhin hangang guidance,"

"Hindi ako makapaniwala na masasabi mo yan mom. Nagkamali ang paborito mong anak pero balewala lang sayo? Ano kang klase ina! Pero sabagay magtataka pa ba ako kung sakin nga kailanman ay hindi ka naging Ina eh," naiiyak kong wika.

"Wag mo akong sumbatan Cassandra! Sana hindi nalang kita binuhay kung alam ko lang na wala kang ginagawa kundi bigyan ng pasakit ang kapatid mo." Nakaduro siya habang sinasabi sakin yan.

"Wala kang karapatang pagsabihan ng ganyan ang anak ko!" sigaw ni Daddy.

Tinignan ko si Ate Candice pero tinaasan niya lang ako ng kilay bago umirap sakin.

"Whatever! Candice let's go!" matigas na wika ni Mommy.

Hinila ni Daddy ang braso ni Ate pabalik sa pwesto niya.

"Wala ka bang planong mag-sorry sa kapatid mo at kay Ria pagkatapos ng ginawa mo sa shop nila?"

Tinignan niya kami mula ulo hangang paa bago ngumisi. "I told you that I'm not sorry for what I did because she deserves that! Sa lahat ng inagaw niya kulang pa yan at sinasabi ko sayo na hindi dito matatapos ito Cass---Pak!"

Binigyan siya ng malakas na sampal ni Daddy bago niya pa matapos ang sinasabi niya. Tumingin siya ng masama saka tumakbo palabas ng office na sinundan naman ni Mommy.

Nagulat nalang kami ng biglang humawak si Daddy sa dibdib niya. "Dad anong nangyayare sayo?"

"H-hindi a-ako m-akahinga,"

Biglang lumapit sila Ulysses para madala sa ospital si Dad. Buti nalang may driver silang kasama para mag-drive samin sa ospital.

Nandito kami sa labas ng emergency room at inaantay namin kung anong sasabihin ng doctor.

Love Series 1: The Selfless LoveWhere stories live. Discover now