"Kaklase pala kayo last year?" Biglang tanong nito nang gulat.

Tumango ako sa kanya. "Kasama rin sina Fia  Greg kaya 'wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan niya lalo pa't sa harapan nila." Teka, may kulang pa. "Pati na rin pala kay Lance, alam mo naman ang isang iyon sobrang daldal at may kakilala iyon na kaklase rin namin dati."

Napangiwi ako nung tinawanan lang ako sa sobrang dami ng sinabi ko. "Kaya naman pala tago na tago ka sa kanya e. Takot ka palang mabuking."

Binigyan ko siya ng malisyosang tingin. "Luh, akala mo naman may something na. Parang nagkwento lang ako dahil na-curious ka sa kanya." Pambihira 'to, ako na nga nagmagandang loob na magkwento e.

She stopped swiping and look at me with a teasing smile. I got nervous upon seeing those smile and face. "Oo nga, tigilan mo nga iyan. Para kang tanga."

Tumawa siya nang malakas at nakalimutan niya atang nasa library kami ngayon kaya napagsabihan ng librarian dito. "Sorry, ang ingay ko. Pero huwag kang mag-alala 'no, hindi kaya ako katulad ng iba duh."

Nagdududa man ngunit mas pinili ko nalang na paniwalaan siya kasi nasabi ko na at nalaman na niya. Wala na akong magagawa pa kundi paniwalaan na lamang siya.

Lunch time na kaya naglakad nalang kami papunta sa fast food ulit dahil malapit lang naman. Habang naglalakad naiinis din ako sa sarili ko kasi hindi ko mapigilan ang pagdaldal tungkol sa kanya. Lahat nalang kinwento e, walang hiya ka, Ellie.

"Ba't ka napatigil?" Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang, nakuha ng atensyon ko ang isang bahay na pamilyar sa akin. Biglang pumasok sa isip ko ang isang alaala dahilan para mapangiti ako. Ramdam ko pa ang paglapit ni Missy sa akin para makisilip.

"Alam mo ba, dito ko siya nakita noon. Nasa taas ako ng bahay na 'yan at nasa baba naman siya. Inis na inis ako sa kagrupo ko kung kaya't sumilip ako sa baba at nainis sa kausap nito. Sa gulat ko, siya lang pala ang kasama niya. At ang mas nakakaloka pa, nakangiti niya akong tiningnan kahit asar na asar ako sa kanya." Mahabang saad ko.

Natahimik si Missy saglit para iproseso ang mga sinabi ko. Ilang segundo lang ay naging okay na rin ito at nakatanggap na naman ako ng isang palo sa balikat.

"Buysit ka. Akala ko naman kung ano na! Pero oyyy, may memories pala kayo rito ahhh." Pagbabago nito ng mood.

Napangiwi ako dahil do'n at hindi na niya tinigil ang pang-aasar. Kung hindi pa siya tinawag ni Lance baka hindi na natigil 'to. Ang layo na pala ng agwat namin sa kanila kaya nagmadali kami para mahabol sila.

"Plaza tayo bukas ng hapon." Rinig kong 'yaya ni Lance.

Siguro sa mga oras na ito, naghahanda na siya para sa pasukan nila. Napaaga pala ang alis niya nang makita ko ang date nung post kung saan unang nakita ko ang litrato niya. Siguro matagal na siyang umalis at last week ko lang nakita nang magkaroon ako ng oras na ma stalk siya.

"Stalk ka na naman?" Biglang dating ni Missy sa likuran ko. Mabuti nalang at naexit ko na agad ang Facebook app ko bago pa niya nakita.

"Ano?" Tanong ko.

"Tawag ka ni Ashley sa labas." Agad akong lumabas para kitain si Ash. Ano kayang ginagawa nito rito.

"Ellie girl." Niyakap niya ako nang mahigpit pagkakita. "I miss you." Bulong niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Wala ba 'tong pasok ngayon.

"Samahan mo akong magikot ikot. Wala naman kayong pasok katulad namin e. Sina Michelle kasi mayro'n kaya ikaw lang naisip kong puntahan." Paliwanag nito.

Kakatapos palang ng first subject ko ngayon araw and the next will be two hours after pa kaya I still have free time. Sumama na ako para makagala na rin. Naglakad lakad lang kami at napatigil sa may corridor kung saan tanaw mo ang mga tao sa baba.

Too Late, EllieWhere stories live. Discover now