"Sama ka na, Maylie. Minsan lang naman 'to," pamimilit ng mga katrabaho ko. Nagyayaya ang mga ito na magparty.

"Hindi kasi ako nagpaalam sa asawa ko. Kayo na lang kaya?"

"Maiintindihan ka naman ng asawa mo. Napakabait kaya n'on. I-text o tawagan mo na lang."

Kalaunan ay pumayag na rin ako. Tinext ko na lamang siya na huwag na akong sunduin dahil aabutin ako ng gabi.

Naging masaya ang party. Dala na rin siguro ng sobrang pagod ay madali akong tinamaan ng alak na aming inom. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang pinaggagagawa ko.

Pagkabukas ko ng kwarto ay naabutan ko ang aking asawa na nakadapa habang walang suot na pang-itaas. Marahil ay pagod rin siya galing trabaho.

Mabilis ko siyang dinambahan at hinalikan sa leeg. Naramdaman ko naman ang pagkagulat niya ngunit mabilis niya rin akong binigyan ng maiinit na halik.

Hanggang sa pareho kaming makatulog matapos magsiping.

Lumipas ang ilang linggo at naging busy na ang aking asawa. Hindi na rin ako nito araw-araw na nasusundo ngunit hindi niya ako nakakalimutang i-text.

Sa gabi ay bihira na rin kaming mag-abot dahil madalas ay sobrang gabi na nitong umuwi. Para itong nagbago. Iniisip ko na may iba siyang babae dahil madalas ay tumatanggi siya kapag gusto kong makipagtalik ngunit wala naman akong mahanap na ebidensiya.

Hanggang sa muling naulit ang aking pagkakamali dahil na rin sa tawag ng laman at upang matugunan ang kakulangan bilang pagkababae.

Ang nangyari sa party noon ay muling naulit. Hindi ang asawa ko ang nakasiping ko ng gabing 'yon kun'di ang aking boss.

Ngunit hindi 'yon nalaman ng asawa ko. Ni-blackmail ako ng aming boss kaya pumayag ako sa mga kagustuhan niya sa takot na baka malaman ng aking asawa ang nangyari sa amin. Alam kong mayroong bahagi sa akin na umaayon sa aming ginagawa.

"Ang bango naman ng asawa ko." Lumapit ako sa kaniya pagkalabas niya ng banyo. Ikinawit ko ang aking braso sa kaniyang leeg.

Tinitigan ko ang kaniyang mga mata. Halata nga ang pagod at puyat dito pero hindi 'yon naging dahilan para sa mapigilan ang gusto kong mangyari.

"Lagi naman akong mabango ah," pangangatwiran nito habang nakangiti.

"Hon..." Agad kong inabot ang kaniyang mga labi pero hindi ko siya naramdamang gumanti.  Napatigil ako bago galit na lumayo sa kaniya.

"I'm tired, Hon. Next time na lang." Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Nagmadali akong umalis sa aming bahay upang magtungo sa condo ng aming boss. Parang gustong kumawala ng init ng aking katawan kaya kailangan ko itong ilabas.

And for the nth time, may nangyaring muli sa amin ng aking amo.

Nagising ako sa malakas na tunog ng aking cellphone. Nakapikit kong sinagot 'yon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Namamaos pa ang aking boses. Naramdaman kong may yumakap sa akin.

"Ate, nasaan ka? Si kuya nasa hospital..." Napadilat ako nang marinig 'yon. Dinig na dinig ko ang hagulhol ng aking hipag. Mabilis kong tinanggal ang bisig ng aking amo na nakapatong sa akin.

"Anong nangyari? Saang hospital 'yan?" Nanginginig ang aking mga kamay habang isinusuot muli ang aking kasuotan.

Pinuntahan ko ang hospital na sinabi sa akin ng kaniyang kapatid. Nanghihina ang aking katawan at malakas ang tibok ng aking puso.

"He's gone..." nakatulalang saad ng kaniyang kapatid.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw. Nagsinulang mag-unahan sa paglandas ang aking mga luha.

No... no...it can't be...

"Alam mo bang naaksidente siya habang hinahanap ka? Wala na! Wala na 'yong nag-iisang pamilya ko! Hindi ka pa nakontento, kinuha mo na nga siya sa akin pati ba naman ang buhay niya." Napayuko ako dahil sa sinasabi niya.

Pinilit ko siyang abutin pero tinataboy niya ako. Para akong sinasaksak. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang nangyayari. Mahal na mahal ko ang asawa ko at ang pagkawala niya ay siyang pagkadurog ko.

Hindi ko alam kung saan pa ako kumuha ng lakas ng loob para puntahan ang bangkay niya.

Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko kung bakit siya namatay.

Napahawak ako sa aking bibig bago impit na napahagulhol. Nandidiri ako sa sarili ko.

Habang nagpapakasasa ako sa sarap dulot ng init ng aking katawan. Habang nakikipagpalitan ako ng halik sa iba ay siya namang paghihirap ng asawa ko. Habang nakikipagtalik ako iba ay siya namang paghihingalo ng asawa ko.

Nanginginig kong kinuha ang cellphone ko nang tumunog ito.

"Hello, anak? Kamusta ang asawa mo? Pakisabi sa kaniya maraming salamat sa perang pinapadalaw niya buwan-buwan. Tsaka d'on sa malaking pera na ibinagay niya para maipagamot ko ang tatay mo. Magaling na siya, 'nak. Successful ang operasyon. Ang swerte mo talaga sa kaniya kaya alagaan mong mabuti ang asawa mo ah?"

Tuluyan ko nang naibagsak ang aking cellphone.

It explains everything. Simula sa pagiging busy ng asawa ko hanggang sa pag-uwi niya ng gabi. Ang lahat ng ginagawa niya ay para sa akin.

Sinuportahan niya ang pamilya ko. Ang pangako niya sa akin n'ong pinakasalan niya ako ay tinupad niya.

Shame on me. Ako ang hindi tumupad sa pangako naming dalawa. Nagtaksil ako sa asawa ko kahit alam kong nasa kaniya na ang lahat.

Month passed, I found out that he built my dream house for our family and future children. And that was supposed to be his birthday gift for me.

But it couldn't lessen the pain in my heart because my sin keeps on hunting me everyday.

How can I live in that house, if he's not the father of the child I am bearing with?

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now