ART 57

4 0 0
                                    

PAHIRAM NAMAN NG PUSO MO

Halos magsalubong na ang kilay ko dahil hindi ko makita ako charger ko. Bakit kasi ngayon pa nawala? Agad akong bumaba at tinanong si mama pero hindi naman daw niya nakita.  Lowbat na lowbat na ako kaya naisip kong manghiram na lamang sa kapitbhay.

Nakangiting nagdoorbell ako sa bahay ng crush kong si Harel.

"Tao po! Tao---"

"Oh, ikaw pala, Maegan," bati ng ate namin ni crush. Binigyan ko naman ito ng napakalawak na ngiti.

"Goodmorning po, makikihiram lang po sana ng charger nawawala po kasi 'yong sa 'kin eh," litanya ko.

"Ah gano'n ba? Sige pasok ka muna." Kaagad naman akong sumunod dahil sa pagbabakasakaling nasa loob si Harel. Gosh! Ang gwapo niya sa mga pictures.

"Harel, tawag ka ni Maegan!" Sigaw ng ate niya kaya naman napaayos ako ng tayo.

"Papasukin mo na dito, ate! May ginagawa ako!" Parinig naming tugon nito mula sa kaniyang kwarto. Ako? Papasukin niya sa kwarto niya? Wait, mali ba ako ng dinig? Maaga pa crush, jusko!

Nahihiyang napatingin naman ako sa ate ni Harel. "Pasok kana nga do'n, Maegan at baka nage-ML na naman ang batang 'yon," saad ng ate niya bago ako iniwan doon.

Dali-dali naman akong umakyat at kumatok sa kaniyang kwarto. Napangisi ako nang gumana na naman ang kaharutan ko.

Malawak na abs--este kwarto ang bumungad nang buksan niya ang pinto. Tamad na mukha naman ang ibinigay nito sa akin.

"Anong kailangan mo?" Seryosong tanong nito. Napakasungit talaga.

"Pahiram naman ng puso mo, hahah," pabirong saad ko dito dahilan para mapakunot ito.

"Bilisan mo naglalaro ako. Ano bang hihiramin mo?" Pag-uulit nito na ikinatawa ko. Ang cute niyang mainis!

"Puso mo nga kasi, kasasabi ko lang sa ate mo," pigil tawang sagot ko.

"Ate! Ano bang hinihiram nito!" Sigaw niya sa ate niya. Lalo naman akong napahagikhik sa naging sagot ng ate niya.

"Ibigay mo na ang hinihiram niya at baka hinahanap na 'yan ng mama niya!"

Napatigil ako sa pagtawa nang tingnan ako nito ng seryoso. Hala, napikon ko ata.

"Sorry, hihiram lang sana akong charg---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang higitin niya ako paloob at isandal sa pader. Halos kapusin ako nang hininga nang dampian niya ng halik ang aking tenga.

"Hindi mo na kailangang hiramin ang puso ko dahil matagal na 'tong nasa 'yo," nakingisi niyang saad bago ako binitiwan.

Napabalik ako sa reyalidad ng hawakan niya ang kamay ko at ilagay ang charger do'n. Hindi pa rin naaalis ang kaniyang ngisi.

"Sige na, lumabas kana at baka hindi ako makapagpigil marape pa kita," natatawang saad nito habang tinutulak ako palabas na halatang lutang pa din dahil sa pinaggagawa niya.

Halaa mama, hindi na po ako uuwi!

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now