"Ingat kayo, kung san man 'yang punta niyo." Sabi na lang ni Jia at ngumiti si Bea. I know her very well, hindi 'yon marunong magpatalo. But as I've said before, there's no way I'm giving up that easily.

"Huwag kang magagalit, ha? Ikaw parin Bestfriend ko." Biro ni Bea at hinampas siya ni Jia. Nasaktan ito sa salitang 'Bestfriend' pero tumawa na lang. Hinila siya ni Bea palapit at napayakap ito bigla, buti na lang at nakakapit si Bea at hindi nahulog sa swing. Mamaya nun ay nagtawanan ulit sila, "Sana lagi tayong ganito."

Tinignan siya ni Jia sa mata, "Pwede naman, gusto rin kitang makasama eh." Sagot niya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito, "I love you, Best!" Sambit niya pero sa loob looban ay gusto nitong totohanin ang 'I love you' sa dalaga. Tumayo ang isa tapos hinalikan siya sa noo. Sa halik nun ay kusang dinaloy ng kuryente si Jia sa loob dahil sa kilig, hindi siya makapag-salita at ngumiti na lamang.

--

"Jho!" Sigaw ni Bea ngunit 'di pinansin. Nakita niyang naglalakad palayo si Jho, hinabol niya ito at hinawakan sa braso, "Hey..." Tawag niya at tumigil ang dalaga. Akala niya'y magsasalita ito pero tinignan lang siya tapos nagsimulang maglakad ulit. Sinundan lang siya ni Bea hanggang sa huminto ito malapit sa entrance ng hallway, "Okay ka lang ba?"

"Oo, nagmamadali lang. See you later." Sabi ni Jho at mabilis na tumalikod. Hindi talaga ito nagmamadali, gusto lang niya makalayo. Nakita niya kagabi ang dalawa sa Park na sobrang sweet pa. Nais niyang lapitan ang dalawa tapos ilayo si Bea pero naniniwala siyang magkakagulo lang sila. Umalis agad siya doon dahil hindi makayanan ang selos.

Nagtaka ito sa kanyang kilos at inisip na baka may kasalanan nanaman siya. Balak niya pa itong sundan pero mabilis nawala si Jho sa kanyang paningin, bumuntong hininga na lang siya lumabas ng building. Pagkatapos ng klase ay dumeretso siya sa tapat ng klase ni Jho para maghintay, wala silang training ngayon dahil may laban sila kontra Adamson. Pagkalabas ni Jho ay kinuha ni Bea ang kanyang gamit para mabawasan ang bigat sa dala. Hindi parin nagsalita si Jho hanggang makarating sila ng Dorm kung saan naghihintay ang ibang teammates. Silang dalawa na lang ang hinihintay kaya't dali dali silang umakyat sa kanilang floor at pumunta sa kanilang kwarto para magbihis. Pagkatapos nun ay sabay na pumasok sa elevator, habang asa elevator sila ay nagsalita si Bea dahil ayaw na niya sa pagiging matahimik ni Jho.

"Sorry, for whatever that is. Bati na tayo, please?" Humarap siya kay Jho at hinawakan ang magkabilang braso nito. Lumihis lang ng tingin ang isa kaya't hinarap niya muli ito sa kanya, "Sorry na." Hindi niya na pinagsalita si Jho at kinulong ito sa kanyang yakap, "Let's focus on our game today." Huli niyang sabi at tumango si Jho habang nakayakap parin sa kanya.

Pagbukas ng elevator ay nakatingin sa kanila ang lahat pwera kay Jia na tinuon ang atensyon sa kamay ni Bea na asa bewang ni Jho. Magkalapit din ang katawan nila at masyadong uminit ang mata ni Jia dahil dun, umiba siya ng tingin at saktong tinext siya ni Miguel para i-good luck sa laban. Maliit na ngiti ang nilabas ni Jia tapos nun ay tinawag ni Mich ang atensyon niya kasi aalis na. Throughout the journey, nakabantay lang ang mga mata ni Jia kina Bea at Jho na magkatabi kahit sa bus. Tuwing titignan siya nina Mich ay pekeng ngiti lang ang maibibigay niya dahil sa labis na pagseselos. Halos hindi magkausap si Jia at Bea nung asa Arena na sila at hindi rin malapitan ni Jia dahil nasa tabi lagi si Jho.

"I'm always here to support you." Natibag ang atensyon ni Jia dahil sa sinabi ni Miguel. Halos mapasampal siya sa sarili kasi nakalimutan niyang may kausap siya ngayon. Ngumiti at tumango si Jia at niyakap siya ni Miguel, "Step by step, Jia." Na-gets niya ang ibig sabihin at nakunsensya subalit hindi maiwasang mainis sa pagiging sweet ni Jho at Bea, and at the same time naaawa siya kay Miguel.

Kumalas siya sa yakap at pumunta si Jia sa pwesto nina Mich na kanina pa nakatingin sa kanya. Yumuko na lang siya at hinagod ni Mich ang kanyang likod, "Kahit hindi ka umamin, alam ko." Kusang napatingin si Jia at inakbayan siya ni Mich, "Ayan kasi, nandyan na. Ikaw rin ang nahihirapan ngayon." May tumulong luha kay Jia na agad pinunasan nung isa at pinatong ang ulo nito sa kanyang balikat, "You have to learn the hard way." Dagdag niya bago ibalik ang atensyon sa pinapanuod nilang laban.

Asa loob na sila ng dugout at nagsasalita si Coach Tai while they were preparing. Itong si Jia ay patagong sinusulyapan si Bea na busy maglagay ng muscle tape at lumihis ng tingin nang kalabitin ni Kim, ngumiti lang si Jia at tinapos sintasin ang kanyang sapatos. Dumako muli ang kanyang mata at nakitang papalapit sa kanya si Bea na may dalang muscle tape. Hindi ito nagsalita at pinaabot ni Bea ang kanyang kamay para balutan ng tape. All the while, tinitignan ni Jia si Bea pero hindi directly at matapos nun ay nag-thank you siya kay Bea. Rumesponde si Bea sa pamamagitan ng isang halik sa noo bago bumalik sa kabilang side ng room. Mga nakakalokong ngiti at tingin ang binigay nila Kim kay Jia at hinagisan niya sila ng towel tapos tumawa ng mahina. Kahit kinikilig siya ay nanatili siyang diskreto sa dahilang ayaw niyang malaman ng ibang tao. Maski sa paglabas nila mula sa dugout, nagagawa niyang tignan si Bea ng patago. Mukha nga siyang taga-bantay at minsa'y tinitignan ang kilos ni Jho at Bea pag magkalapit. Nandun yung pagseselos niya na dinadaan na lang sa warm-up, hindi niya naman gugustuhing ma-issue at magulo ang laro dahil First 6 din si Jho mamaya. Si Bea yung tipong palipat-lipat kina Jho at Jia, hanggang sa maaari ay hindi niya pinu-pokus ang atensyon sa isa para walang inggitan.

Nagsimula ang laro, at tama nga ang sinabi ni Alyssa sa kanyang interview na magandang laban ang ibibigay ng Adamson. Lalo na't nag-struggle sila ngayong Round 2 at kailangan makabawi. Consistent naman ang depensa ng Ateneo subalit ganoon din karami ang errors nila, kadalasan, miss communication. At ang pinaka-madalas magkagulo sa court ay sina Jia at Jho, mostly sa defensive side nagka-problema. Pilit na ayusin ni Jia ang kanyang laro pero naiilang siya mag-set kay Jho at lagi itong napupunta kina Ella. Kung wala na siyang ibang options, dun niya ibibigay kay Jho para paluin. Wala kang maririnig sa dalawa at ilangang kilos lang ang mahahalataan, at mas lalong magkakailangan tuwing asa pwesto nila si Bea. Hindi na pinapansin ni Jho ang pakiramdam na 'yon ngunit nandun ang selos niya sa trato ni Bea kay Jia. Eventually, natalo parin ng Ateneo ang Adamson sa loob ng limang sets. Kung hindi sila umayos in both ends ay matatalo na sana sila, pinaalalahan ni Coach Tai sa mga babae na huwag dalhin sa court ang nasa labas lang dapat.

Pabalik sila ng dugout nung tinawag ni Miguel ang atensyon ni Jia na sobrang proud sa kanyang laro, inakap niya at kino-congratulate si Jia sa panalo. Pinaliwanag naman ni Jia ang kanyang mga errors at yung pagka-wala ng focus pero sabi ni Miguel ay wala siya dapat ipagalala dahil naka-survive parin sila. Sa sobrang bait ni Miguel ay kinakain muli si Jia ng kanyang konsensya. Kinuwestiyon niya ang sarili kung dapat bang masaktan si Miguel dahil hindi siya yung lalaking sinasaktan, napaka-rare ng isang katulad niya at malaki ang suportang binibigay nito. Pagkatapos ng kanilang pagusap ay umalis na si Miguel, nung tumalikod siya ay bumungad sa kanya ang dalawang babaeng masayang nag-kulitan at harutan. Pakiramdam niya'y babagsak siya sa kinatatayuan kung patuloy na panunuorin ang lambingan nila kaya madali siyang bumalik sa loob ng dugout.

Ang batchmates niya lang nandun dahil nag-shower ang iba. Nabasa agad nila ang malungkot nitong mukha na tinatakpan ng walang emosyon. Pagtabi niya kay Mich ay pinatong ang kanyang ulo at pinalupot ang kamay sa kanyang bewang tapos pumikit kasabay ng pagtulo ng kanyang luha.

MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang