Chapter 18

3.3K 87 24
                                    

Ilang araw ang lumipas mula ang gabing 'yon. Walang nagbago sa pakikitungo ni Jho at Bea and they just laughed the whole thing off na parang walang nangyari. Tila nabawasan ng tinik sa dibdib si Jia at nadagdagan ang kanyang pag-asa subalit meron pa siyang kailangan ayusin, at hindi niya alam kung paano ito gawin. She had plans running through her mind but couldn't make a step which made her anxious. Jia makes a point of waiting for the right time to finally sort things out, all of which can either make or break her and other people involved.

"Hanggang kailan mo lolokohin ang sarili mo?" Jia shrugs off her thoughts and searched where the voice came from. Napa-upo siya nang makita si Denden na papasok ng kwarto nila. She didn't bother to ask and rests her back on the pillow.

"Hindi kita ma-gets." Jia said and shakes her head.

Den sighed and sat on Jia's study chair, "Hinayaan kita magkunwari, but today, it's just you and me." The latter soon got what she means and faces Den on her right side.

"Kailan ba ako nagkunwari? Tsaka paano mo nalaman?" Jia says and gives her a quizzical look.

"Simula nung may Miguel na. Hindi ko kinailangan magtanong sa iba dahil kilala na kita. Remember, you're my HS teammate." She said, reminding Jia of their HS Varsity days. Hindi kumontra ang isa dahil kilala siya nito at naging team captain.

"Madami na akong iniisip, Ate." She says, "Hindi ko naman alam kung paano simulan ang plano ko. Ang hirap. Mas mahirap pa dahil may masasaktan." Den observed Jia as she speaks, nakita niya ang ka-duwagan sa mga mata nito. Bumuntong hininga ang dalaga tapos nun ay nagpatuloy, "Mahal ko si Bea."

"Paano si Miguel? Wag mong sabihin sa'kin na ginagamit mo lang siya."

"Mahal ko rin siya, but I don't see him more than a friend now. Bea still has my heart, siya lang talaga." Jia admits and Den was not surprised subalit mas nag-alala siya sa gulong pinasok nito. Bata pa si Jia, hindi ko alam kung paano niya maha-handle ang ganitong sitwasyon. Jia's heart got heavier by the minute at sa sobrang bigat ay parang sasabog na, yet she chose to remain calm.

"You're not supposed to be having this problem, Jia. Besides, it's too heavy for you to handle." Den stressed out, "Sensya na, as your Ate, hindi ko maiwasang mag-alala sa'yo. Maski na 'di tayo magka-dugo. No, I'm not discouraging you but I hope you can find a way out." She continued and Jia smiled weakly. Den held her free hand to let her know that she's always around to help. Jia felt comfortable and rises up to hug Den.

"I'm looking for a way na, Ate. Also the right time." She said and Den nods, "Whatever the consequences may be, good or not, I'll be ready to accept. Tutal, sa akin din nagsimula. I don't have to challenge my own mistakes."

"Huwag mong sisihin masyado ang sarili mo, hindi maganda yan. Oo nga, nagkamali ka pero lagi itong may kapalit. Mag-isip ka lang ng mabuti. You have my trust." The latter did not say anything and gave Den a good smile to assure her, "By the way, I just came here to check up on you. Balik na ako sa kwarto namin." She said and Jia nods as she stands up to leave the room.

After Den left, Jia felt relieved and kept in mind what the latter said earlier. In God's time. She told herself before taking a nap.

-

Bea just got into the Dorm after staying the night back at home. She immediately saw Jia, Kim and Gizelle talking who obviously just took a nap. She greeted them all and placed her backpack on the bedside then sat next to Jia. Bea side hugged Jia and rested her head on the latter's shoulder that didn't go unnoticed.

"Kung makayakap kay Jia kala mo..." Bago pa ituloy ni Kim ang sasabihin ay siniko siya ni Gizelle kaya't natawa sila, "Ikaw rin! Kung makasiko ka."

"Pag nag-moment kasi, wag ka na magsalita. Kaya nabibitin eh." Sabi ni Gizelle tapos tumawa at saktong inalis ni Bea ang sarili sa pagkayakap, "Tignan mo." Sabi niya tapos akmang kukurutin si Kim sa braso.

Natawa si Bea sa akto nila at sinabing, "Isyu kayo. Musta naman dito habang wala ako? Parang madami akong na-miss sa isang gabi."

"Wala kang na-miss, itong babaeng 'to ang maraming na-miss... sa'yo." May halong asar na sagot ni Gizelle at tumingin kay Jia na pinanlakihan siya ng mata.

Sinundot ni Bea si Jia habang naka-ngiti, "Ikaw! Isang gabi lang ako nawala tas ganyan ka na. Ang sweet mo naman." Pinisil niya ang pisngi ni Jia at ginantihan siya ng mahinang hampas sa binti, "Ay sus! Pa-kiss nga." Nag-pout si Bea at unti unting lumapit kay Jia, mahina siyang tinulak ay napahalakhak sa tawa ang dalawang nasa harapan nila. Sayang lang at hindi natuloy.

"Hoy! Hindi porket na-miss kita! Wag mo akong gaganyanin. Chansing!" Kunwari naiinis si Jia kahit mamamatay na siya sa kilig. Na-imagina niya saglit ang eksenang hinalikan siya ni Bea at kung anong lasa ng labi nito. Agad inalis ni Jia ang kaisipang iyon at inirapan si Bea.

"Kunyari pa kayong dalawa, gustong gusto naman." Tumahimik ang dalawa sa sinabi ni Kim at nag-iwasan ng tingin.

"Grabe 'to!" Sabi ni Gizelle para basagin ang katahimikan, "Huwag niyong intindihin, malakas lang tama niyan." Paalala niya tapos kinunotan ng noo si Kim na kumibit-balikat lang.

"Bahala kayo. Haha! Jia, labas tayo kahit saglit lang." Aya ni Bea at tinignan siya nung isa ng may pagtataka. Hindi siya pinagsalita ni Bea at agad hinila ang kamay palabas ng pintuan. Bumalik si Bea at sinabing, "Dalhan namin kayo ng pagkain, okay?" Tumango sina Gizelle at tuluyang sinara ang pintuan.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ni Jia pagkasara ni Bea ng pinto.

"Kahit saan." Umiling si Jia sa kanyang sagot, "Halika na." Hinawakan ni Bea ang kamay niya at lumakad sila paalis.

Dinala sila ng kotse ni Bea sa Mall. Wala masyadong tao ngayon sa pinuntahan nila kaya mas malaya silang makakagalaw. Una nilang pinuntahan ang Nike to check out some new shoes, since wala talagang balak bumili ay hindi sila nagtagal doon. Naglibot muli ang dalawa hanggang sa desisyunang maglaro sa Timezone.

Asa tapat sila ngayon ng Basketball arcade. May naisipang gawin si Bea, sapagkat nagsimula na siyang magduda sa kinikilos ni Jia sa kanya, inisip niyang meron itong hindi sinasabi. Instead of taking it seriously, i-dadaan niya yun sa paglalaro ng Basketball hoops.

"Ganito, pag ako nanalo, you'll tell me one thing that I don't know. If you win, lilibrehin kita ng Dinner." Ngiting pahayag niya at umiling si Jia.

"I can guarantee na hindi ka mananalo sa akin." Matapang na sagot nung isa at tumawa, "I also play Basketball, don't you forget. Porket matangkad ka, ha."

Humarap silang dalawa sa station at nag-swipe ng card.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon