Chapter 15

3.1K 64 1
                                    

"Bei, are you listening?"

Those words woke Bea up from her daydreaming, kahapon niya pa iniisip ang tungkol sa kanila ni Jho. Yung kiss sa cheek. Yung treatment, at siya mismo. Hindi siya mapalagay kung normal ba iyon o mayroon siyang namumuong paghanga sa dalaga. Mabait naman si Jho, at siguradong hindi ito mahirap mahalin. Ang tanong, kaya niya ba? Dahil kasabay ng posibleng pag-usbong ng damdamin ay tuluyang pag-bitaw sa kanyang matalik na kaibigan. Mahirap ang posisyon ni Bea kahit hindi niya namamalayan sa ngayon, lalo pa't wala siyang alam sa bagong intensyon ni Jia sa kanya. Mula nung araw na magka-bati muli sila, naging mabilis din ang pagbabalik ng kanilang samahan, subalit, nahati ang atensyon ni Bea sa kanya at kay Jho.

"A-Ano nga ulit?" Tanong ni Bea dahil nawala siya sa kwento ni Jia.

Si Jho nanaman iniisip niya. "Sabi ko, labas tayo mamaya." Pag-ulit ni Jia at tumango tango si Bea, "Kahit dyan lang sa tabi tabi. Tambay, ganun." Suhestiyon pa niya at ngumiti si Bea bilang pag-payag. Niyakap niya ito at kinurot ang pisngi tulad ng ginagawa nila dati.

"Tayo lang ba?" Nanigurado lang si Bea dahil baka may balak itong i-sama ang manliligaw kaya ma-OP lang siya. Ayaw na niya ding masaktan dahil sa isang tao. Nang tumango si Jia ay ngumiti muli ito, "Sige." May konting hiya parin siya kay Jia kahit medyo okay na sila. Hindi nito maiwasan ang pagka-hiya dahil sobrang awkward nila nung una tapos nagka-yayaan ulit. Namataan siya ni Jia kasi ang tipid sumagot, kaya hinarap niya sa kanya ang dalaga tapos hinalikan sa pisngi.

"Wag kang mahihiya sa'kin." Sabi niya habang natulala si Bea. Mas gumulo ang kanyang isipan dahil sa galik palang ni Jia ay malakas agad ang epekto nito. Hindi niya muna iyon pinansin at binalik ang ginawa sa kanya ni Jia, humalik din siya pero 'di namalayang malapit ito sa labi. Napa-atras siya konti at nakitang mamula ang pisngi ni Jia.

"Sorry." Mahina niyang sinambit at tumango si Jia. Nagtinginan sila ng mabuti at mga mata'y nangingiusap. Tumayo si Jia mula sa kama at hinila siya patayo tapos kinulong ang sarili sa kanyang mga bisig, walang nag-salita at tanging tibok ng puso ang maririnig sa loob ng kwarto. Pakiramdam ni Bea ay ligtas si Jia sa kanyang mga kamay ngunit tinatak niya rin sa isipan ang katotohanang may iba itong minamahal.

Kumalas si Bea nang mag-ring ang phone ni Jia, um-excuse muna ito para sagutin ang tawag. Pinakinggan ni Bea ang mga salitang binitawan nito at napag-alamang si Miguel ang ka-tawagan. Pagkatapos ay bumalik siya kay Bea at tumabi tapos pinatong ang ulo sa kanyang balikat. Tahimik niyang pinagmasdan si Jia at pinipigilan sarili na halikan uli. May sensasyong tumutulak sa kanya pero maling mali iyon, maski ang pagtingin sa kanyang labi ay pinipigilan rin.

--

Dumiretso sila sa Park at umupo sa may swing, pareho silang nagkekwentuhan at tawanan sa mga oras na andun sila. May mga panahong patago nilang tititigan ang isa't isa at kapag nahuli, ay tatawa na lang din. Nakakatuwang isiping aware si Jia sa feelings ni Bea pero ang isa naman ay hindi. Wala pang balak umamin si Jia dahil sa gusot na pinasok niya ngayon, mahirap para sa kanya sapagkat merong Jho at Miguel sa kanilang paligid at kailangan niyang maging ma-ingat sa hakbang na gagawin. Ang mahalaga ay nakukuha niya muli ang tiwala at atensyong pinupuno ni Jho nung wala siya sa kanyang tabi. Bumalik naman sa kanyang isipan ang nangyari kahapon sa birthday ni Jho, halos magkumahos sa selos si Jia na tinatago lang dahil kasama nila si Miguel. Wala siyang magawa nun at ayaw rin niyang masira ang saya nila habang sine-selebreyt ang kaarawan ni Jho. Napagtanto niyang mahigpit ang kompetisyong nilalaro nila ni Jho at aminado siyang malaki ang lamang nito ngayon dahil sa kasalanang ginawa niya. Kahit ganun ay hindi susuko si Jia at gagawin ang lahat para mapatunayang siya ang karapat-dapat piliin ng Bestfriend niya.

"Jia, okay lang ba sa'yo kung sasama ako kay Jho bukas? Nagyaya kasing lumabas." Paalam ni Bea at nahinto sa pag-isip si Jia, matamlay na ngiti ang natanggap niya at hinawakan si Jia sa kamay. Sino ba ako para tumanggi? Pwede naman akong bumawi some other time.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon