Chapter 3

3.2K 78 5
                                    

Abala si Jia sa pakikipag-kwentuhan kina Kim at Gi. Si Bea ay nagpalipas muna ng gabi sa kanilang bahay dahil umuwi daw ang relatives. Katunayan, ayaw niyang umuwi sa takot na masaktan ulit ng Tatay, pero pinilit siya ni Jia dahil minsan lang niya makita ang magulang. After all, Tatay parin niya yun.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan ay nag-ring ang phone ni Jia subalit bigo siyang marinig ang tunog. Tapos nun ay sunod sunod na ang pag-ring kaya natigil ang tatlo.

"Sino ba yan?"

"Akin ata yun." In-excuse ni Jia ang sarili habang nagkwentuhan muli ang dalawa. Hindi niya tinignan ang pangalan nung tumatawag at sinagot agad, "Hello? Sino 'to?"

Kumunot ang noo niya nang makarinig ng hikbi, "Sino 'to?" Tanong niya ulit pero patuloy ang hikbi sa kabilang linya.

"J-Jia..."

"B-Bea?!" Natarantang tawag nito, nanahimik si Gi at Kim tapos tumingin kay Jia, "A-Anong nangyayari?" Nangamba niyang tanong.

"J-Jia... hindi ko na kaya." Sabi ni Bea at nanlaki ang mata ni Jia nang makarinig ng kasa, "Wala n-naman a-kong..."

"No! No! Bei, ano yan? Anong tunog yan? Tell me what happened!" Lumabas na ang emosyon ni Jia at lumapit din sina Kim para kumalma ito, "B-Bea, please talk. Magsalita ka."

"What's happening, Ji?" Naguluhang tanong nung dalawa.

Ni-loud speaker ni Ju ang phone dahil hindi siya mapakali, sobrang kinakabahan na siya ngayon, "Bea, listen! Pakinggan mo ako. Kung ano mang binabalak mo, wag na wag mong gagawin!"

Sa sinabi ni Jia ay natigil siya ng saglit. She figured out that Bea is trying to shoot herself at kung hindi siya nagkakamali, narinig niya kanina ang kasa nito. Tumayo siya at pina-hawak muna kina Kim ang phone para kausapin, habang siya naman ay lumabas ng room nila at tinawag ang ibang girls.

"What? Ji?! Ano?"

"Ate... Bea is trying to harm herself..." Naiiyak na sagot ni Jia at napayakap siya kay Denden dahil sa takot, "She's on the phone. She--"

"We have to go to their house. She has a gun!" Sigaw ni Kim.

Dahil sa narinig ay nabalutan ng takot at galit si Jia. Takot, dahil posibleng patayin ni Bea ang sarili. Galit, dahil ang marahas nitong Ama ang pinag-ugatan ng lahat. Halos manghina rin sa sinabi ni Kim pero kailangan niyang magpakalakas, siya kasi ang pinagkukuhanan ng lakas nung isa.

Sumama ang girls at mabilis na pinamaneho ni Aly ang sasakyan na Van ni Ella. Pasalamat sila dahil malapit ang bahay ni Bea at nakarating ang mga 'to sa saktong oras.

"Jia, a-ayoko na..."

"W-Wag, nandito na ako. Hintay ka lang, wag mong gagalawin."

Bumaba sila at natuklasang bukas ang gate, maaaring hindi ito ni-lock. Pumasok sina Jia at walang tao sa loob. Hinanap nila ang kwarto ni Bea hanggang sa makarinig sila ng umiiyak sa kanilang kaliwa, dun pumwesto ang mga babae at pilit na pinapabukas kay Bea ang pinto.

"Bea! Bea! Ako ito! Buksan mo ang pintuan!" Sigaw ni Jia habang kumakatok.

"Ayoko! Gusto ko na mamatay! Wala na akong kwenta!" Ganti ni Bea mula sa loob at pinarinig ang muling pag-kasa ng baril, "I'm so useless, my Dad hates me... my mom doesn't care about me... I have my brother but he's too far away."

"Hindi totoo yan, nandito kami para sa'yo! Hindi ka namin pababayaan!" Sigaw ni Ly.

"Drop the gun... I'm begging you!"

Kung pwede lang wasakin nila ang pinto para makapasok. Lahat ng klaseng pakiusap, ginawa na but to no effect. Nagmatigas si Bea sa sarili at nagsimulang magbilang mula sa sampu.

MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon